CHAPTER 12

62 7 5
                                    

CHAPTER 12

TAMA nga talaga ang sabi nila.. sa mundong mapanakit hindi ka nag-iisa...

Muli akong napahagulgol ng umupo siya sa harap ko habang hawak ang kulay asul na payong. Hinawakan niya ang mukha ko at tinuyo ang naghalong luha at tubig ulan na nagpapabasa rito.

"Would you let me to take care for you?" He asked in his soft voice.

'Yon ata ang pinaka-unang beses na naging ganoon siya kalambing at hindi sarkastiko o loko-loko.

Humahagulgol akong tumango-tango habang siya nama'y ngumiti ng masuyo at inalalayan ako sa pagtayo. Iginaya niya ako papasok sa kotse niya bago umikot upang umupo sa driver's seat.

"Saan ang bahay mo?" Tanong niya habang ang paningin ay nakatutok sa daan.

Napaiwas ako ng tingin at natuon sa labas ng bintana.

"I don't want to go home... Can i stay to your place? for a while.." sabi ko pahina nang pahina ang boses na tila ba nahihiyang may ibang makarinig.

Mabuti na sigurong siya ang nakakita saakin at hindi si Nelly. Baka mas mag-alala 'yon at ako naman ay hindi mahinto sa pag-iyak. Napabuntong hininga ako at napatingala sa mataas na building na hinintuan namin.

Ngayon lang ako nakarating dito dahil wala naman akong condo. Mas gusto ko sa bahay dahil naroon si Mommy. Pero ngayon..

"Don't worry walang media, si ate lang naman ang hinahabol hindi ako." pagbibiro niya.

Napangiti ako ng bahagya at sinuntok ng pabiro ang braso niya.

"Hindi ka talaga hahabulin ng media. Sampid ka lang eh." biro ko.

Napaawang ang labi niya at maya-maya ay ngumuso at humawak sa dibdib na tila ba nasasaktan.

"Jairess! Ouch! Ang harsh mo na ha." aniya na ikinatawa ko.

Natawa rin siya bago ako iginaya papasok sa building at sabay naming tinungo ang condo unit niya. Medyo nakakailang dahil lalaki siya at sa isiping kapatid siya ng isa sa sikat na artista.

"So.. what happened?" He asked.

Napansin na niya siguro ang bag na dala ko. At malamang punong-puno na rin ng tanong ang isip niya kung anong ginagawa ko sa tulay kanina.

Napabuntong hininga ako at tinignan siya sa mga mata. Nginitian ko lang siya ng tipid at pumasok sa silid na itinuro niya saakin.

Siguro bukas.. bukas handa na akong sabihin sakaniya lahat. Kaibigan ko siya at deserve niya ring malaman 'yung dahilan kung bakit nga ba ako naririto.

Inilapag ko lang ang gamit ko sa isang tabi at naghalf bath. Nang matapos ay ginawa ko lang ang normal routine ko bago nagpakalunod sa mga iniisip buong magdamag hanggang sa makatulog.


"WHAT the fuck?" reaksyon ni Jino ng maikwento ko na sakaniya ang nangyari saakin kahapon.

Nang magising ako kanina ay nilutuan ko na rin siya ng agahan . At nang sabay na kaming kumakain ay doon ko na ikinuwento sakaniya lahat.

At ngayon ang parehong kamao niya ay nakakuyom at tila ba handang-handa ng manuntok.

"Potek, bakit kasi kailangan mag-asawa pa ng bago." Wala sa sariling sabi niya.

At nang marealize niya ang sariling nasabi ay kaagad siyang tumingin saakin ng nagpapaumanhin. Napailing-iling nalang ako at nagpatuloy sa pagkain.

"But honestly Jairess, this is not an easy battle as you think. We need an evidence, strong evidence indeed so your Mom will know the truth." seryosong sabi niya.

It All Started in RPW (Published Under LLP)Where stories live. Discover now