CHAPTER 20

57 6 14
                                    

CHAPTER 20

MABILIS na lumipas ang mga araw at ngayon na ang huling araw ng practice namin since linggo na.

Sa bawat practice namin ay wala namang ginawa si Kayle na ikakasama ko. Mabait siya sa lahat oo, pero may isang araw na nahuli ko siyang may kausap sa telepono.

Tila gigil na gigil siya no'n at sasabog na sa galit kung hindi lang dumating ang isa sa ka-grupo naming hinahanap siya.

Lahat ng galit at inis na nabasa ko no'n sa mukha niya ay mabilis na naglaho at napalitan ng ngiti. Ngiting hindi mo mawari kung totoo ba o hindi.

"So guys! For the twist of our presentation kailangan natin ng apoy thingy, I mean may isang gaganap na kunwari nasunog. Gets?" sabi ng leader naming si Hail na nasa harapan.

Since horror nga ang theme ay pinili naming gumawa ng mga nakakatakot na scene pero hindi pa rin mawawala ang isa pang twist na about Christmas.

"So 'yung napili kong gaganap sa role na magka-away at magtutulakan sa apoy kunwari ay si Jairess at Kayle. Hindi naman mahirap ang role na 'to in fact maikli lang rin 'yon." aniya at nagdiscuss pa ng ilang twist.

Nang matapos ay nagkanya-kanya na kaming alisan. Naglakad lang ako since ayoko ring gumastos ng gumastos kung hindi pa siguro ako nag-apply ng part time job ay mamamatay ako sa gutom.

Hindi naman mahigpit sa pingtatrabahuhan ko kaya humiling ako ng day off dahil na rin sa pagod.

"Hey! Hope in!" nakangiting sigaw ni Kayle habang nakadungaw sa bintana ng kotse niya.

Ilang beses akong tumanggi dahil sa pagiging mapilit niya. Sa huli ay umalis siya ngunit bago pa tuluyang makalayo ay nakita ko kung sino ang driver niya.

Si Kuya Estor, ang personal driver namin ng Mommy ko...



LUTANG  man ay pumasok ko kinabukasan dala ang isiping bakit naroon sa kotse ni Kayle si Kuya Estor?

Paniguradong hindi rin magreretiro ito kay Mommy dahil siya ang katulong ni Daddy noon pa man. Tila unti-unting nabubuo ang puzzle sa isip ko na halos ikabaliw ko no'ng nakakaraan.

Ngayon sigurado na ako, may mali sa pagkatao ni Kayle. I mean may posibilidad na..

"Jairess!" napalingon ako sa tumawag saakin.

Panay rin ang sunod nitong lalaking ito saakin kahit pa nga sa practice namin ng mga ka-grupo ko.

"Mukha kang panda!" aniya at natawa.

Inirapan ko siya at binilisan ko nalang ang paglakad ko. Akala ko titig na siya pero hindi pa rin pala.

"Napuyat ka kakaisip sakan'ya 'no?" aniya at dinurot-durot pa ang king tagiliran.

"Viale, wala ako sa mood." seryosong sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa silid namin.

Nang dumating ako roon ay nagsisimula ng magpresent ang ilan.

"Sorry for being late, Sir." nakayukong sabi ko bago tinungo ang upuan ko.

Naramdaman kong may nakatingin saakin kaya kaagad akong nag-angat ng tingin. Kasabay n'yon ay ang pagtatagpo ng mga mata namin.

Nauna akong nag-iwas ng tingin. Kaya ng bumaling ako saaking tabi ay hindi na ako nagulat na katabi ko na si Viale.

Napailing-iling ako bago itinuon ang mga mata sa nagpepresent sa harap. Nang kami na ang susunod ay siyang tumunog ang bell. Break time.

"Ok let's have a break, since 'yung next sub niyo ay vacant extend ang oras natin para sa huling magpe-present." sabi ni Sir bago lumabas ng classroom.

It All Started in RPW (Published Under LLP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon