CHAPTER 14

59 6 21
                                    

CHAPTER 14

"JAIRESS, I'm sorry.. hindi ko pa talaga kayang aminin kay Nell." nakayukong aniya habang nakasandal sa hamba ng pinto ng kwarto ko.

Matapos niya kasing isiwalat na kami na ay sumilay ang napakatamis na ngiti ni Nelly. Pero hindi 'yon 'yung ngiting masaya. Tila isang ngiti 'yon ng nasasaktan at nagparaya.

She even congrats us and hug me tightly before pulling away and eat with us like nothing's happened. She acted normal but i know deep inside she's totally in pain.

Kung alam ko lang na noon pa lang gusto na niya si Jino ako pa sana mismo ang magiging tulay nilang dalawa. Kaso hindi.. napakamapaglaro talaga ni tadhana.

Napabuntong hininga ako at tinignan si Jino ng deretso sa mga mata.

"Ok lang, may magagawa pa ba tayo?" napapabuntong hiningang ani ko.

Bumuntong hininga rin siya at tumingin sa kawalan.

"Gagawa ako ng sulat Jairess, at sana kapag handa na ako ikaw mismo ang magbigay sakaniya." sabi n'ya at natawa pa.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Handa ka na no'n! Edi ikaw magbigay loko." sabi ko.

"Dapat ikaw, para maniwala siyang wala talagang tayo. Bakit kasi 'yon ang lumabas sa bibig ko." sabi niya't tinampal ang sariling bibig.

"Mas maganda kung sabay tayo ugok kaba? Syempre kung ako lang baka kung ano pa isipin niya. Ayokong masaktan ng matagal si Nell, Jino. Kaya I'm telling you. Dali-dalian mo ang paghahanda kundi tss." sabi ko at inambaan siya ng suntok bago inirapan.

Matapos naming mag-usap ng gabing 'yon ay umalis na rin siya at pumunta sa sariling kwarto. Habang ako'y napatitig sa kisame ng kwartong tinutuluyan ko.

Miss na miss ko na ang Mommy ko. Pero wala akong magawa kundi manatili rito sa bahay ng kaibigan ko. Gusto kong sa pagbabalik ko maniwala na siya saakin.

Sana matauhan na siya.. Sana...

Nagising ako sa magaang haplos sa pisngi ko. Kaagad akong napamulat, takot na baka ang masama kong ama-amahan ang mamulatan.

Ngunit nagkamali ako dahil nang magmulat ang mga mata ko ay tumambad saakin ang pamilyar na bulto. Bulto ng lalaking pinakamamahal ko.

"Daddy.." wala pa mang ibang salita na lumalabas sa dibdib ko ay nanunubig na ang mga mata ko.

Mas lumapit siya saakin at pinunasan ang iilang butil ng luha ko.

"My princess don't cry. She's a strong girl that we love so much." He said while caressing my cheeks.

Napapikit ako at mas idiniin ang kaniyang kamay sa'king pisngi.

"Dad... She's not believing me anymore. Nalason na siya ng masamang pag-uugali nila Samuel." puno ng pait na sabi ko habang ang mga mata ay nakapikit.

Naramdaman ko ang pagyakap niya saakin bago may ibinulong.

"Viale, anak... Matatapos din ang lahat." aniya at hinalikan ang tuktok ng aking noo.

Muli akong nagmulat upang halikan sana siya sa pisngi ng hindi ko na siya makita saaking tabi.

"Dad? Dad!" tawag ko habang ang mga luha ay patuloy sa pag-agos.

"Dad!" tuluyan akong napabalikwas ng bangon ng may yumog-yug sa balikat ko.

"Shh.. Jairess. Andito lang ako." mahinahong sabi ni Jino habang hinahagod ang likod ko.

Napapikit ako dahil sa sobrang prustasyong nararamdaman. Nalilito rin ako. Anong Viale? Maging sarili kong ama ay hindi ko na maintindihan.

Ilang sandali pa'y kumalma na rin ako. Kaagad akong bumangon at nag-ayos ng walang salitang sinasabi sa kaibigan ko. Umalis lang ata siya ng kwarto ng makitang magbibihis ako.

It All Started in RPW (Published Under LLP)Where stories live. Discover now