CHAPTER 17

59 5 7
                                    

CHAPTER 17

"MOMMY...." mahinang tawag ko at kaagad na pinangiliran ng luha.

Wala pa mang isang linggo kaming naghihiwalay ay miss na miss ko na siya.

"Bitawan mo ako." mahinang aniya.

Naging masagana ang luha ko at hindi ko na napigilan pang magsitulo.

Nang hindi ako bumitaw ay itinulak niya ako. "Sabi nang bitaw 'diba?" aniya at pinagpag pa ang sariling damit.

"Mom... Please here me out, niloloko ka lang ng mag-amang 'yon." nakikiusap na sabi ko habang titig na titig sa mga mata niyang walang buhay na nakatingin saakin.

"Last time I check you're the one who fool me, what's your name again? Oh Jairess, I can't believe you're my daughter.' aniya na para bang diring-diri na galing ako sakaniya.

Tila may pumiga sa puso ko habang tinutusukan ito ng kung ano. Hindi ko maipaliwanag 'yung sakit na nararamdaman ko. Sobra-sobra ito na parang hindi ko na kaya.

Hindi ko namalayang umalis na siya sa harap ko at tanging si Viale na nakaakbay saakin ang kasama ko.

Isinandal niya ako sa balikat niya at isinakay sa taxi na kanina pa pala niya ipinara. Nakarating kami sa Condo ni Jino habang tahimik pa rin akong lumuluha.

"Saan ang kwarto na tinutuluyan mo?" tanong niya at muling pinunasan ang basa kong pisngi, hindi ko na mabilang kung ilang beses niyang tinuyo ang pisngi ko.

Imbis na sagutin siya ay ibinigay ko sakaniya ang susi naroon din naman ang number ng tinutuluyan ko. Tahimik lang kami hanggang sa tuluyan naming marating ang condo unit ni Jino.

"Huwag ka nang umiyak. Isa pa hindi mo ba napansin ang braso ng Mommy mo kanina?" tanong niya at inayos pa ang ilang hibla ng buhok ko.

Napatigil ako at napatingin sakaniya ng nagtataka. Napansin? Ang alin?

"A-Ang alin?" tanong ko.

Ang kaninang masuyong pagtingin niya ay naging seryoso.

"May nakita akong turok. Alam mo naman siguro ang itsura ng naturukan ng injection?" aniya.

Napatango-tango ako. "May turok siya sa braso?" Napaisip ako, hindi naman nagpapa-injection si Mommy.

"Sa kaliwang braso and uh I also saw some bruises in her hand. What do you think?" tanong niya.

Tuluyan nang natuyo ang pisngi ko at nakakunot ang noong tinignan siya sa mga mata. Kung may sugat si Mommy posible kayang pinilit siyang ma-inject?

Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na masiyadong naintindihan ang mga sinabi niya. Naramdaman ko nalang ang paggulo niya sa buhok.

"Wag mo munang isipin 'yon. Sige na kumain ka bago magpahinga. Gusto mo bukas puntahan uli kita." aniya na nakapagpangiti saakin.

Tumango-tango ako sakaniya. Kailangan ko rin ng makakasama dahil haharapin ko uli bukas si Nell. Hopefully makinig siya saakin.

Napatitig ako sa sulat na hanggang ngayo'y hawak ko.

"Sana bukas pakinggan mo na ako, Nelly..."

KINABUKASAN ay nagulat pa ako ng mabukasan ng pinto si Viale. Takte tinotoo niya nga sinamahan niya pa ako papasok sa University, hindi alintana ang tinginan ng mga istudyanteng nakakasalubong namin.

"Parang saulo mo na 'tong University ah." biro ko.

"Hindi naman." nakangiting sagot niya.

Napaigtad ako ng maramdaman ang paghawak saakin sa bewang ng kung sino.

It All Started in RPW (Published Under LLP)Where stories live. Discover now