Chapter 7

19.8K 701 69
                                    

Chapter 7

Dilim

Tinatagan ko ang loob nang makauwi na ng bahay. Wala akong pinagsabihan sa nangyari. Hindi ko rin ito ipinaalam kay Hope. Matapos magpalit ng mas komportableng damit ay binisita ko si Papa sa study room niya.

Nang mapansin ang pagpasok ko kay agaran niyang ibinaba ang mga dokumentong pinipirmahan. Pinagmasdan niya pa ako ng ilang segundo.

"What's wrong, JC?"

Umiling ako at pilit siyang pinakitaan ng ngiti. Naglakad ako papalapit sa kanyang bookshelves.

"I'm okay, Pa. Magbabasa lang po ako. Just continue with what you're doing." Kinuha ko ang makapal na libro ni John Maxwell tungkol sa pagnenegosyo. Nangiti ako sa sarili dahil naaalala na ito ang paboritong libro ni Papa.

"Tungkol ba 'to sa Mommy mo?" banayad niyang tanong.

Sa unang pagkakataon na binanggit si Mommy ay mahina akong natawa. Oo nga pala at kay Mommy lang ako nagkakaproblema noon.

"I'm fine, Papa," pagpapanatag ko sa kanyang kalooban. "Pagod lang po talaga ako sa eskuwela."

"Pagod pero kinuha mo si Maxwell?" May pagdududa sa tono ng pananalita niya.

"Well I guess I'm just like you." Malapad akong ngumiti at nagkibit ng balikat. Itinuro ko ang sofa na malapit sa malaking sliding window. "Magbabasa lang po ako."

Sa paghakbang ko patungo rito ay hindi naman nakalagpas sa pandinig ko ang kanyang malalim na pagbuntonghininga. Hindi niya na rin naman ako inusisa pa kung ano ang problema.

Pareho kaming hindi nagtagal ni Papa sa loob ng study room dahil kinailangan na rin naming lumabas para sa hapunan. Habang kumakain sa dining area ay napasulyap naman ako sa malaking vintage wall clock na nakasabit sa pader. Naalala ko na ngayon sana iyong dinner na imbitasyon ni Sir Mendez. Mapait akong napangiti sa sarili.

"Are you going to see your therapist tomorrow, JC?" biglang tanong ni Papa sa gitna ng hapunan.

"Yes po."

"Personally, I really think that you're just wasting your time with that therapist, Jean," sabad ni Mommy. "Hindi pa rin naman nawawala iyang phobia mo sa dilim. It's been years that you've been seeing her!"

"Gusto ko lang naman po na ma-overcome 'yong phobia ko. And most importantly, I just want to find the reason why I have it in the first place."

Hindi na siya nagsalita pa at muling natahimik ang hapagkainan.

Naghuhugas ako ng mga kamay sa may lababo nang bigla na lamang lapitan ni Manang. Napasulyap na muna siya sa pinto ng dining area bago muling tumingin sa akin.

" 'Yong titser mo na kapitbahay pala natin nandoon sa labas," pabulong na pagkakasabi niya. Siguro ay para maiwasan na marinig nina Mommy at Papa na hindi pa tapos ng hapunan.

Mabilis kong pinatay ang tubig dahil sa gulat at hinarap siya.

"P-Po?! Bakit daw po?"

"Hinahanap ka. May bitbit na tupperware na chicken curry yata ang laman. Nasa labas pa ng gate at naghihintay. Nag-alok na nga ako na siyang mag-aabot sayo kaya lang eh gusto niya na ikaw daw mismo ang tumanggap dahil may sasabihin siya."

Napakagat ako sa ibabang labi dahil hindi alam ang gagawin.

Naniningkit na ngayon ang mga mata ni Manang habang mariing pinagmamasdan ang bawat sulok ng mukha ko.

" 'Yong tupperware na dala niya ay parang pamilyar. Parang... Parang tupperware natin..." Umawang ang kanyang labi. "Huwag mong sabihin sa akin JC na teacher mo 'yong crush na kinababaliwan mo?!"

The Accused MistressUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum