Chapter 20

23K 636 160
                                    

Chapter 20

Dilim

Umalis ang waitress para sa order namin kaya naiwan kaming tatlo na tahimik sa mesa. Nagkatinginan kami ni Jok at hindi ko alam kung ano ang nakita niya sa tingin ko dahil basta na lang binalot ng takot ang kanyang hitsura.

Tumikhim siya at ibinaling ang nerbiyos na tingin sa katabi kong si Lake.

"Uh... Wala ka bang hearing ngayon, Sir?"

"Wala. It's actually my day off," si Lake. "You can go directly to the office tomorrow. I already gave my secretary a head's up."

Nahihiyang nagkamot si Jok sa kanyang batok.

"Luh. Nakakahiya naman, Sir. Kayo pa po talaga 'yong mismong nag-reach out sa'kin for internship."

"Naniniwala ako sa'yo," pahayag ni Lake. "And I want to support you."

Wala naman yata itong patama pero bakit pakiramdam ko nasapok ako sa noo?

Sa may panginiginig na kamay ay inabot ko ang water bottle na nasa mesa. Padaskul-daskol ang ginawa kong pagbubukas sa takip nito dahil sa tensiyon na nararamdaman. Nang malagpasan na ay uminom ako at inubos ko talaga ang laman.

Pinunasan ko ang bibig gamit ang likod ng kamay at muling inilapag ang water bottle sa mesa.

"Uhaw na uhaw, JC ah!" may panunudyong puna ni Jok.

Hindi ko siya sinagot at deneretso lang ang tingin sa mesa.

"Tumakbo kasi siya," komento naman ni Lake sa mababang boses.

Inuulit ko, mukhang hindi naman ito patama pero bakit sa pangalawang pagkakataon ay nasapol na naman ako?

"I mean, you went for a jog, right?" kaswal na dagdag ni Lake na halatang ako ang tinatanong.

Dahil kinakausap niya ay napilitan akong tingnan siya. Sa malapitan ay kaagad kong nakita ang iilang pagbabago sa kanyang hitsura. Bitter ako kung sasabihin kong pumangit siya. Ang totoo, mas lalo siyang naging gwapo. Mas nadepina ang istruktura ng kanyang panga. Though I could see that he shaved, may mumunting balbas pa rin akong nakikita. It only made him look darker and dangerous. His eyes looked much wiser too. And yes, I could definitely see now why he is branded as a ruthless lawyer.

Ilang ulit akong napakurap nang mapansin na tinititigan niya rin ako pabalik. 

"Ah... Oo," sabi ko sabay iwas ng tingin. Hindi ko na dinugtungan pa ang sinabi dahil dumating ang in-order naming kape.

"Here is your Black Insomnia coffee, Ma'am. Kagaya ng sinabi mo, pinakamatapang," saad ng waitress.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at pinasalamatan siya. Matapos mailapag ang kanya-kanya naming order ay umalis din ang waitress.

"Isn't that too strong for you?" si Lake habang pinagmamasdan ang tasa ng kape ko.

"No, it's fine. I can handle it," matapang kong sinabi at ginawaran siya ng pilit na ngiti.

Naisip ko na kung ganito naman siya kakaswal kung makipag-usap sa akin ay bakit hindi ko rin gawin? Kailangan kong kumalma at bawasan ang pagiging halata na apektado pa.

The Accused MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon