Chapter 28

23.5K 625 66
                                    

Chapter 28

Property

"W-What did you say?" Nagulantang ako sa kanyang rebelasyon.

"P-Pwede bang ibaba mo muna 'yan?" Kabado siyang napasulyap sa hawak kong baseball bat. Lumunok siya at ngayon ay sa kutsilyong hawak ko na nakatutok ang tingin.

"You might hurt yourself," dugtong pa niya.

Ibinaba ko ang mga armas na hawak dahil pansin na rin ang pangangalay ng braso. Hindi ko siya nilubayan ng seryosong tingin.

"Anong ginagawa mo rito sa kubo?"

"I bought this land three years ago," paliwanag niya. "Pati na rin itong kubo."

"H-Hindi pwede!" pagngingitngit ko. "Hindi mo puwedeng gawin 'yan dahil iba ang nagmamay-ari nito!" At wala kang karapatan na kunan sila ng tirahan dahil hindi mo kilala ang mag-asawa.

Nagtagpo ang kilay niya. Naguguluhan na rin siguro sa inaasta ko. Hindi ko naman siya masisi dahil maski ako ay hindi naiintindihan ang sarili.

"Hindi naman kasama sa properties ko ang bahay mo... " pagpapaintindi niya.

"Bakit ka ba kasi nandito? Palagi ka rin na nasa café and now here! Are you...following me?" anas ko.

Nag-iwas siya ng mukha at naklaro ko ang pag-igting ng kanyang panga.

"Why would I follow you? Ang sabi mo hindi ikaw si Jean kaya hindi ikaw ang first love ko." Nagbalik siya ng matalim na tingin sa akin. "Bakit kita susundan kung gano'n?"

Natutop ko ang bibig at nawalan na ng salitang maaaring maibato sa kanya pabalik.

"As I said, this is my property and I am entitled to stay here," pagpapatuloy niya samantalang nangangapa pa ako sa sasabihin. "You should go back to your house, Manager Caitlyn. Malalim na ang gabi."

Bago pa tuluyang ipahiya ang sarili ay tumalikod na ako bitbit ang baseball bat at kutsilyo. Binilisan ko ang paglalakad papalayo sa kanya at pabalik ng bahay. Hindi ko na inalintana pa ang matalahib na damong tumatama sa paa ko.

Nang makarating ng terasa ay pinagmasdan ko ang pagkain na malamig na. Pinulot ko ang plato at ang wineglass at pumasok sa loob ng bahay. Nawalan na rin ako ng gana para magpatuloy pa sa hapunan.

Pumasok ako sa kwarto at naupo sa gilid ng kama. Kinuha ko ang cellphone na nasa ibabaw ng bedside table at awtomatikong tinawagan si Alec. Mabuti na lang at sumagot siya sa unang pag-ring.

"Anong sabi ni Attorney Mendez sa bouquet na ipinadala ko?" pambungad kaagad niya sa kabilang linya sa tsismosong tono ng boses.

"He is staying across your house. Sa kubo,"  inis na daing ko. Hindi sinagot ang tanong niya.

"Oh talaga? Wow!"

Inilipat ko ang cellphone sa kabilang tainga.

"Anong wow? Akala ko ba kilala mo ang may-ari ng kubo? Bakit hindi mo sinabi sa akin na si Lake pala?"

"Look, of course I knew who the previous owners back then. But I didn't know that your ex now owns the property."

Pareho kaming natahimik habang nag-iisip. Pagkaraan ng ilang segundo ay napakli ito ng kanyang mahinang pagtawa. Kakampi ko ba talaga siya? Bakit palagay ko natutuwa pa siya sa nangyayari ngayon?

The Accused MistressWhere stories live. Discover now