Chapter 38

21.7K 656 86
                                    

Chapter 38

Finally

Sa sumunod na Linggo ay umalis naman kami ng San Luis at tumulak ng Bukidnon. Balak namin na sunduin sina Mommy at Manang. My mother is getting better these days. Nakakausap ko na siya nang maayos at nagpahiwatig naman siya ng kasiyahan nang ikuwento ko sa kanya ang muli naming pagbabalikan ni Lake.

Nasa terasa kami habang umiinom. Umiinom ng tsaa si Mommy samantalang kape naman ang iniinom ko. Pareho naming pinagmamasdan ang mga paru-paro na nagliliparan sa mga namumulaklak na halaman sa tapat.

"I've never been a good mother to you, Jean," pagbasag ni Mommy sa katahimikan.

Iniwan ko ang magandang tanawin para tingnan siya. Ipinatong ko ang palad sa isang kamay niya na nasa mesa.

"Let's not talk about the past anymore, My," banayad kong sinabi. I did not want to upset her.

"No. No," angal niya at malungkot akong ginawaran ng ngiti, "We can't really fully face the present and move on to the future without talking about the past."

"Gusto kong humingi ng kapatawaran. Instead of making you your own version of a butterfly, I cut your wings off. I did not allow you to spread your wings for yourself. I made you a version of myself."

"You just wanted what's best for me," sabi ko. Because at the end of the day, I finally understood her, in a way.

"I was too selfish," pagpapatuloy niya. "Sa takot ko na magkamali ka tulad ng naging pagkakamali ko ay kinontrol ko ang buhay mo. I dictated you on what to study. I dictated you on what to wear and how to act. I dictated you on who to love."

Sa huli niyang sinabi ay sabay kaming napatanaw sa hardin na nasa gilid kung nasaan si Lake. Abala niyang ipinagpapatuloy ang pagtatayo ng isang orchidarium na pangarap ni Mommy. Kasama niya si Manang na siyang nagdidikta sa kanya kung ano ang gagawin. Kasalukuyan na niyang nilalagyan ng screen ang paligid nito upang hindi mapasok ng mga manok at iba pang hayop.

"Hindi na sana kita dapat pinigilan pa na mahalin siya noon," tahimik na dugtong ni Mommy.

"Maybe that was destiny because everything worked out in the end," nakangiti kong sinabi. "I wasn't ready back then. I was too young and hadn't matured yet. Sa tingin ko rin, hindi rin alam ni Lake ang talagang gusto niyang gawin sa buhay noon. We were both finding ourselves kaya masasabi ko na tama lang po."

Yumuko siya. Her shoulders shook. "Ang mga... Ang mga sinabi ko at paratang ko sa'yo noon sa korte..." Pumikit siya ng mariin at bumuhos ang mga luha niya. "I even accused y-you of... of being your...your stepfather's mistress... That was unforgivable—"

Agaran akong tumayo at mistulang musmos siyang niyakap. I don't want her to feel devastated. I want her to completely heal.

"Hindi ikaw 'yon, My," bulong ko at hinagkan ang kanyang buhok. "You were sick. That was not you talking."

"I'm sorry, Anak... I'm sorry..." She cried and I hugged her even tighter. After minutes, we both calmed down.

"Sumama ka po sa'min ni Lake. Let's go home to Manila. Bumalik po tayo ng mansiyon."

"I am home here, Jean," sagot niya. "Kahit minsan, alam kong hindi ako nararapat sa Maynila. I forced myself to belong there... pero ang totoo, dito lang sa Bukidnon ang tahanan ko. Here, I finally found peace. This will be my home now."

The Accused MistressWhere stories live. Discover now