Chapter 8

56 16 0
                                    

Chapter Eight

“Nakita mo yung reaction niya kanina nung pinatabi sa'yo ni ma'am si Ryden? I swear, para na siyang handang kumain ng tao sa sobrang pamumula sa inis.” Rinig na rinig ang malakas na halakhak ni Arin sa kabilang linya. Nakipag-video call kasi siya sa akin kaya naman heto ako at kaharap ang aking laptop habang kausap siya.

“Maybe she got embarassed. Why does she have to push Trisha away, anyway? Para lang kay Ryden? Tsk. Kung ako 'yun, matutuwa pa'ko kung hindi ko siya katabi.” Umirap ako sa kawalan.

“Girl? Seriously? Hindi ka pa rin nakamove-on sa ginawa niya? Eh nga di'ba sabi mo siya ang nakapulot sa kwintas mo? Edi sa wakas ay may nagawa ring tama si Ryden para sa'yo. Kalimutan mo na iyong coke at bookstore scene, 'yung kanina nalang alalahanin mo.”

“Excuse me? Dalawang beses akong nabwiset sa kaniya at isa palang ang magandang bagay na nagawa niya sa'kin so I won't forget what he did.”

“Okay, okay, go. Basta, eto ang isipin mo. This day, you won, Aye. Ang dami-rami ng mga babaeng nagkakandarapa sa lalaking iyon and just like Alice, pinapangarap nilang makaseatmate sa klase. But of all the people and all the girls out there, it has to be you. You're living in their dreams, Aye. You're one in a million! Damn, ang swerte mo!”

Swerte? Nasaan ang swerte doon eh kanina pa nga lang na first day niya palang, sobrang yabang niya na kaagad. Kahit anong sinasabi at nagfe-feeling gwapo at parang poging-pogi sa sarili. I know there's nothing wrong with being so confident and he's actually attractive anyway. It's just that, it became so annoying and it is getting into my nerves. The worst is, I have to bear with it for the whole year! Sana lang ay kayanin ko.

The next days were just fine. At dahil kaka-start palang ng school year ay puro pre-assessments at lectures muna ang nararanasan namin. Though, there were still homeworks pero kaya pa naman. When I said kaya pa, I still had the time to read my books.

I'm now on the first chapters of the book and it was stated there how Chester was almost freaking out because of Teirrah. Pasaway kasi ito at halos araw-araw kinakausap sa adviser nila dahil palaging may issue. There was even a scene na nag-away silang dalawa dahil inagaw ni Chester ang sigarilyong hawak ni Teirrah para itapon ito. Teirrah got annoyed because he acts annoyingly at pakealamera daw kaya naman sinuntok niya ito sa tiyang parte. Chester winced in pain and even though that thing happened, hindi niya pa rin ito sinumbong kasi he feels kinda pity about her school records. Buti naman at hindi pa na-expel si Teirrah 'no?

So, let's get back to reality. Halos mapasapo ako sa aking noo dahil sa narinig kong task namin na required i-submit bukas. Nilingon ko si Ryden sa tabi ko at parang wala lang naman sa kaniya iyon pero ako, I'm in the verge freaking out because why does the world have to be this cruel to me.

“... in a one-whole sheet of paper, write down your interpretation about Manuel L. Quezon's Grow and Be Like Molave. And also, you have to create a poem about the situation of the Filipinos and the Philippines during the colonization. Don't worry, the poem is a free-verse and you have to it by pair. Together with your seatmates and may I inform you that your seatmates will be your partner in every performance tasks for the whole school year.”

“One whole ma'am?”

“Yes, Mr. Mier. One whole sheet of paper and will be submitted tomorrow. Ah, I almost forgot. Please study about our lesson for today because we'll going to have a long quiz tomorrow. Passing score, 45/50.”

Bagsak ang aking baga na bumuntong-hininga at napalingon naman kaagad si Ryden sa'kin dahil siguro'y napansin niya iyon. Bumuntong hininga rin si Ryden sa tabi ko at nagtiim-bagang.

Tss, anong problema niya? Siya pa itong may ganang magpaka-choosy? Akala siguro nito ay pabuhat ako.

The Living FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon