Chapter 10

45 13 1
                                    

Chapter Ten

I thanked Ryden for that. Well atleast he's saying sorry. The words truly did hurtme even though they aren't true, it still stabs me in the chest the fact that there are people who thinks of me that way. Ni hindi nga nila kinlaro at nag-isip pa ng malalim tungkol sa video na iyon. Lalo na ang mga taga-LIS. They probably know where that place is at dahil nga sa desires and attraction nila towards Ryden, sa iba na rin ang pinapaniwalaan nila. They praise him dangerously, is he happy with it?

There was a ghost of smile that could be seen in his face. “Narinig ko nga pala ang nangyari kanina sa cafeteria. Dahil ba iyon sa issue tungkol kahapon?”

I sighed and nodded. “Hindi na kinaya ng pasensya ni Arin kaya ayon pinatulan. Actually, nariyan sila sa loob. Sini-settle ang pangyayari kanina.”

There was an obvious guilt in his eyes. Ngayon ko lang napansin na parang may nagbago sa pakikitungo ni Ryden ngayon. He used to be cold, careless, feelingero and rude but right now, all I could see is softness and gentleness the way he utters his words. Siguro ay dala na rin ito sa mga pangyayari. But I just didn't expect that he has this side of him. Iyong tipo ng tao na hindi nagpapakulo ng dugo ko.

Pagkatapos naming mag-usap ng ilang minuto ay bumalik kaming sabay patungo doon sa labas ng office ng guidance counselor. Ashton and Quinn was still there and having their animated conversation. Nang makarating kami sa kanilang kinaroroonan ay saka palang nila napansin ang aming presensya.

“Ryden, pare,” bati ni Ashton rito at bahagyang tinapik ang kaniyang braso. I raised my brows, he's back at it again. Hooded eyes. Tumango lang ito kay Ash.

“I heard about Aye and you's issue. Saan mo nga ba dinala ang pinsan ko kahapon, pre?”

“Ashton, sa tindahan lang naman iyon diyan sa malapit, ano ka ba.” Pinandilatan ko si Ash.

“I'm sorry about that. Umulan ng biglaan kaya't no choice ako kundi higitin siya patungo roon para mamasilong.”

“Hmm, bakit mo naman hinigit at tinakpan mo pa ng jacket, napaka-protective mo tingnan, pre.” Ash smirked.

“I just think that she's my responsibility dahil kasama ko siya gumawa ng performance task namin kahapon sa library. It would be rude if I left her there, walang payong.”

“Hmm, okay.” Ashton shrugged at tumahimik na. Ilang segundo pa man ay nagsalita na naman ulit siya. “Sure ka ba na iyon lang ang eksplenasyon mo?”

Ryden kinda knotted his brows. “Ano ba dapat?”

“Wala.”

Ewan ko kung anong nakain ni Ash at kung ano-ano pang explanation ang hinahanap kay Ryden. Iyon lang rin naman yata kasi iyon lang din ang masasabi kong rason bakit niya ako pinrotektahan kahapon sa ulan gamit ang jacket niya. Same goes when why I let him rode to our car. I felt like he's my responsibility kasi ako ang kasama niya kahapon galing sa library. And we're not upto something kadiri, pauwi na nga kami nun, eh.

Natapos ang araw na iyon na sobrang stressful. Humupa na ang mga paggo-gossip nila about sa amin ni Ryden probably they got scared the way Arin acted lately. Sobrang bangis niyang tignan na animo'y handa nang kakain ng tao. Even though I don't support violence to be solution of everything, I still thanks Arin because somehow, she made the gossips stop. Sana ay wala nang kasunod nito kasi baka ako na rin ang matulad kay Arin. Though, I don't think Arin regret that she attacked Trisha. Pagbalik tuloy sa classroom ay sobrang tahimik ng dalawa. And that's unusual.

Nang mag-gabi na ay in-open ko ang aking Bookstagram. It has been days nang huli akong mag-upload rito. It was a good thing that I didn't reveal my real identity in my Bookstagram. Only my books are being seen at wala nang iba. I posted there a recommendation about ‘he fell first and he fell harder’ romance trope. Napansin ko kasi na marami na'kong nabasang magagandang books tungkol roon and I feel like recommending to some.

The Living FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon