Chapter 28

34 6 0
                                    

Chapter Twenty-Eight

“Magpahinga ka kaagad, halatang pagod ka eh.” Ginulo ni Ryden ang buhok ko.

Tumango ako at naglakad na papasok sa kotse namin dahil kanina pa naghihintay ang driver namin pero may tinuran siya kaya napalingon ako.

“I love you…” he said simply but it made my heart almost melt.

Ngumiti ako sa kaniya saglit. “I love you too.” I made a flying kiss at umakto naman siyang sinalo iyon. I laughed at it. Ang corny mo Ryden!

“Ma'am nobyo niyo iyon, ano?” Masuspetsang titig ni kuyang driver sa akin mula sa rareview mirror.

“Ah, oo po kuya bakit po?” medyo kinabahan ako sa kaniya dahil baka bigla niyang sabihin iyon kay Mommy. I mean, Mom already knows about but still I'm afraid that Manong driver might tell Mom how I and Ryden acts when we're with each other. It's a bit embarrassing and... Mom would probably kick my ass off. Ayoko pang mapagalitan, ano.

“Wala naman Ma'am, naalala ko lang ho iyong anak ko. Crush niya daw iyang si Ryden Saldivar pero sinabi ko sa kaniya na may napupusuan na iyong binata at amo ko pa kaya ayon umiyak iyong anak ko.” Medyo humahalakhak si kuya.

Kumalma naman ako ng bahagya dahil doon. Tumawa nalang din ako. Wala naman akong ipag-alala sa anak niya kasi six years old pa iyon base sa pagkahula ko. I find her cute nga e. Nameet ko na kasi once iyong anak ni Manong driver. Invited iyon noong nakaraang birthday ko.

Pagdating ko sa mansion namin ay bagsak ang balikat ko nang umupo sa couch. I'm so exhausted and I don't know why. Naiinis ako sa sarili ko kasi bakit napakahirap para sa akin itanong kay Daddy at Mommy kung anong libro ba ang tinutukoy nila at saan iyon matatagpuan. Naisip ko kasi na baka may mga importanteng impormasyon doon na maaaring magamit ko para sa pagtatagpi-tagpi ng mga bagay.

And there's one more thing that bothers me these past few days. Is Daddy really a writer? Did he really actually published a book? What book is it? Nabasa ko na kaya? Bakit hindi niya iyon kinwento sa'kin?

“Good afternoon anak, mabuti naman at naabutan kita ngayon.”

Malumanay na ngiti ang ginawad sa akin ni Mommy habang naglalakad patungo sa kinauupuan ko at may dalang kape.

I smiled at her awkwardly at saka na siya umupo sa tabi ko. Simula kasi ng gabing iyon, hindi na ulit kami nagkaroon ng maayos na pag-uusap. I bet same goes to the both of them as well.

Kahit parang good mood naman si Mommy ngayon ay parang hindi ko pa rin maiwasang kabahan kasi naalala ko iyong tanong sa akin ng driver namin kanina. Malay ko ba kung nakapagsumbong siya kaagad?

“Kamusta ang pag-aaral mo? Sorry ngayon ka lang nagawang kamustahin ni Mommy ah, marami lang iniisip eh.”

Nang marinig ko ang mga sinambit niyang mga salita ay doon ko na naramdaman ang bigat sa aking dibdib. She looks like she really are suffering in pain even she's smiling.

“Okay naman po My, don't worry. Naintindihan ko naman po na busy lang kayo, k-kayo ni Daddy  right?” I managed to stopped my voice to cracked.

I don't want her to see in pain. I know my Mom after all and I can see what she really feels right now through her eyes.

“Yes but I really tried to approach you. Alam kong hindi ka bulag Aye sa mga nangyayari sa amin ng Daddy mo. Malaki ka na kaya alam kong naiintindihan mo ang mga iyon. I'm sorry, I am really sorry,” Hinaplos niya ang aking buhok.

Hindi ko na napigilan ang mga luha kong nagbabadya. Sadyang ang hirap hirap lang na maipit sa sitwasyon ng mga magulang ko. Even though they are treating each other casually, alam ko pa rin na may nagpapabagabag sa kanila. There's a gap between them.

The Living FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon