Chapter 31

86 7 0
                                    

Chapter Thirty-One

Dahil malapit naman na ang recognition namin at tapos na kami sa lahat ng exams, nitong mga araw na ito ay sinisigurado nalang namin na kompleto kami sa lahat ng requirements at sa pagpapapirma ng clearance para tuluyan nang maka-proceed sa next year.

Medyo late natapos ang last subject namin this afternoon dahil may ginawa pa kaming oral recitation bago kami pipirmahan sa clearance.  Natatawa nga ako nang makita ko ang itsura ni Arin na nakabusangot na dahil sa inip. Papaano ba naman, nagkaroon yata ng bangayan ang dalawa ni Alice at pati na rin ang mga alipores nito at nagtalo pa sila. In the end, pinagalitan sina Arin at Alice at muntikan pang hindi nakasagot sa oral recit. 

“Una na'ko Aye, ah! nagdidilim na paningin ko dito! bakit ba kasi nagkaroon pa akong kaklase na bruhilda!” Pagpaparinig nito kay Alice.

“Wow, did I complained nang magkaroon akong kaklase na mukhang aso?!” Ganti pa ni Alice. Napa-iling na lamang kami ni Quinn. Tumaas agad ang dugo ni Arin.

Susugurin sana siya ni Arin pero buti na lang at napagitnaan sila ni Ryden. “Stop! Ano ba! Umuwi na nga kayo pareho,” suway nito.

Sinunod naman nilang dalawa iyon. Lumabas na si Arin na nagdadabog at sumunod naman sa kaniya si Alice at Quinn. So, kami nalang ni Ryden ang natira dito. Matapos kong magligpit ng mga gamit ko ay inaya ko na siya para umuwi ngunit biglang sumulpot si Ashton sa labas ng pintuan na may malamig na awra—hindi ko mabasa.

“Kakauwi lang ng 'baby girl' mo,” sabi sa kaniya ni Ryden.

Ngunit binalewala lamang siya nito at sa halip ay naglakad papalapit sa akin.

“Aye, pwede ba tayong mag-usap? may ipapakita lang ako sa'yo.” Seryosong turan nito. Napataas naman ang kilay ko dala ng kuryusidad at tumango.

“S-sige ba—”

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dapat nang bigla niyang ilapag sa desk ko ang isang lumang libro na sobrang pamilyar sa akin. Lumang-luma na ito at halos kumupas na ngunit klarong-klaro pa rin ang letrang nakaukit sa book cover nito. Nanginginig bigla ang aking buong sistema kasabay ng pagdaloy ng kung ano-anong konklusyong nasa isipan ko.

Kinuha ko ito at sinuri.

“Wait, saan mo nakuha 'to?”

“Ano yan?”

Napalingon ako kay Ryden nang hablutin niya ang libro na iyon. Nagkasabay pa kami ng tanong.

“Bakit? may alam ka ba pare?” sambit nito kay Ryden na para bang halong paghihinala. Ashton grinned at Ryden.

What's going on? Naguguluhan ako! I don't know kung ano ang pinaparating ni Ashton sa sinabi niya pero nakaramdam agad ako ng panlalambot sa aking tuhod.

“Ano bang nangyayari—ano bang meron?” naguguluhan kong tanong.

“Sa likod ng librong iyan ay nandyan ang isang sulat na tingin ko'y mahalaga para sa iyo. Pasensya kana't biglaan pero sa tingin ko lang ay may kailangan kang malaman. Hindi naman kami bingi sa pangyayari sa pamilya namin, Aye. Usap-usapan ngayon ng mga magulang ko ang gulo sa pamamahay ninyo. Alam kong nahihirapan kang ipagtagpi-tagpi ang lahat ng bagay kaya narito ako para sakaling makatulong sa iyo.” Mahabang pahayag nito.

So I did and indeed, there was.

To the one I love the most...

My beloved Harriette, I know that there's a part of you that regretted for marrying me instead of him. I think you're just torn between to both of us that's why you've been so aloof towards me for the first few days of our marriage. I'm sorry if I couldn't be him for you, Harriette. However, even so, I, Gryphon Brave, or should I say, Chester, still hopes for your happiness for always... and forever.

The Living FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon