Chapter 14

43 12 0
                                    

Chapter Fourteen

Abala ako this weekend because next week would be the first quarter exam sa first sem. Bago kasi iyon ay binigyan muna kami ng teachers namin ng performance tasks and we need to complete them so that we could take the exam. Hindi naman ang exam mismo ang nagpapakaba sa isang estudyanteng tulad ko eh. It was the process that you might fail on their requirements which would make you unable to take the exam. Knowing that those performance tasks has a huge impact towards your grades.

Kaya naman ngayon ay nagpaalam ako kay mommy na pupunta muna sandali sa SLP Mall para mamili ng mga school supplies na gagamitin ko sa paggawa ng mga performance tasks. Ako lang mag-isa dahil Arin and Quinn are both busy. Arin had to go to her groupmates kasi magsho-shoot sila ng short film para sa aming Introduction To World Religions and Belief Systems. Thankfully, our group had finished shooting it last week.

I surveyed everything that I've seen each minute that I passed by towards the shelves habang tulak-tulak ang stroller sa aking harapan. Kakaunti pa lamang ang mga napili ko. I bought a scrapbook dahil gagamitin ko ito para sa aming activity sa EAPP. I also bought highlighters, glitter and pentel pens, washi tapes, stickers, construction papers, bond papers and more. Anything that I could use for doing my activies.

Hanggang sa napadpad ulit ako sa section kung saan nakadisplay ang mga stickers, washi tapes, sticky notes and coloring books. There was a girl there crying habang inilinga-linga ang kaniyang paningin sa kapaligiran.

"Kuya... Kuya... ” Her voice was gentle and soft. It makes her sounds so weak lalo na sa sitwasyon ngayon na kitang-kita kung paano niya pinupunasan ang sariling luha.

Damn, is she lost?

Nag-alala naman agad ako kaya lumapit ako sa kaniya at nagspat sa harapan nito.

Nanlambot naman ako nang makita ko ang kaniyang luhaan na mata. Palinga-linga rin ito sa paligid. Nag-alala naman ako sa kaniya. I am trying my best na aluin siya. So, I gently asked her. "Hey baby, what happened?"

Then, her glowing eyes darted at me. "Ate, patulong naman po, ‘di ko po makita si kuya ko po," 

"Ano bang pangalan ng kuya mo?" Malumanay kong tanong. Sabay punas ko ng luha sa kaniyang mata.

Hindi niya pa nasagot ang tanong ko nang may narinig kaming nagsalita sa likuran namin. Patuloy lamang siya sa paghagulgol at pagkusot ng kaniyang mata. Hindi niya pa rin sinasagot ang tanong ko.

Nakaramdam naman ako ng pag-alala kaya hindi ko siya iniwang mag-isa roon. Should I take her to the guards? Kawawa naman kasi because she's been crying for a long moment na.

"Ryla? nandiyan ka lang pala."

"Kuya!"

Sinundan ko ng tingin ang bata nang bigla itong umalis sa harapan ko. Nagtungo ito sa aking likuran dahilan nang paglingon ko rin doon.

"Pasensya ka na kay Ryla ha, may sinabi ba siya sa'yo?"

And there narinig ko ang boses ni Ryden. Uminit ang pisnge ko ng makita siya. Agad namilog ang aking mga mata. Oh gosh, I did not expect us to see each other here—not again in this mall. Though, maybe they go here often. Napalunok na lang ako at tumayo na. The girl went to him at binuhat niya naman ito. He looks like a father in that state—Aye, stop thinking about it.

"U-Uh, wala naman, umiiyak lang siya and… I think ikaw iyong hinahanap niya." Kinurot ko ang aking mga daliri sa aking likuran.

"Uh yeah, by the way she's Ryla, kapatid ko," he said in emotionless. "Ryla, mag hi ka kay ate." Rinig kong bulong nito sa kapatid.

The Living FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon