Chapter 17

29 9 0
                                    

Chapter Seventeen

“Just wait for me sa bench, may kailangan lang kasi akong puntahan sa library na importante eh.” He looks at me apologetically. Aniya'y bigla raw nag-text sa kaniya si Ma'am Dara.

“Okay,” I agreed.

Pinanood ko siyang maglakad ng mabilis patungo sa direksyon ng library. No choice ako eh, maghihintay nalang ako rito.

Kaybilis ng araw at lunes na naman. I don't remember the last time I was thankful because it's monday again. That means, makikita ko na naman si Ryden. It was like I'm used to his presence because we've been spending our vacant time with each other. Para bang kapag may lunchtime na hindi siya kasama, kulang na kulang ang araw ko.

Kaya naman for today, we are doing the things that we usually do. Nang mag dismissal na para lunchtime ay sabay kaming lumabas ni Ryden sa classroom. Nag-aya kasi ito na sabay nalang daw kami.

Hinimas ko ang tiyan ko ng tumunog iyon, hudyat na gusto nang magkalaman. Ano bang ginagawa ni Ryden roon at mukhang natagalan? Pwede naman akong mauna kaso baka bigla siyang darating kung kailan aalis ako rito edi hindi niya ako mahahanap diba? Kaya no choice talaga akong maghihintay rito.

Halos marindi na ako kakaupo doon. The hunger inside my tummy is distracting me so much that I couldn't focus right now. Abala lang ako sa pagtatanaw ng mga estudyanteng palakad-lakad lang sa loob ng campus. Some of them were alone, some also are circle of friends.

Is Ryden really that busy? I bring my phone with me naman so he should just text me if he's going to ditch me or something. Damn! I really hate waiting and doesn't even know if I should trust his words that he'll comeback. Like, hello? Malapit na matapos ang lunchtime pero hindi pa rin ako nakakakain.

Sumulyap ako sa wrist watch ko at 12:30 na. Thirty minutes nalang ang natitira at magbebell na. 11: 30 akong nakarating dito and that means, kanina pa ako nagugutom kakahintay. Hindi niya naman sinabing masyadong importante pala ng gagawin niya. I hated myself for thinking that I'm actually excited spending another time with him but he seems feels otherwise.

Hindi na'ko nakatiis. I would probably get mad at him if he won't tell me any valid reasons why he took so long there. Tumayo ako at naglakad papuntang library. Titingnan ko lang kung naroon pa ba siya. Unti-unti nang naglakad pabalik ang mga estudyante pabalik sa classroom nila habang ako, heto at gutom na gutom pa rin. Humanda talaga siya sa'kin kapag ako nalipasan dito.

Dahan-dahan lang akong naglalakad kasi ang init ng araw at gutom pa ako. Ang sakit-sakit sa balat nung init na dumapo sa akin. Mabuti nalang at nang makarating na'ko sa hamba ng pintuan ay medyo nawala ang pagod ko. Hindi ako nagdalawang isip na pumasok at lumapit sa librarian.

“Good afternoon ma'am excuse me po, nandito po si Ryden Saldivar?”

Huminto siya sa pagbabasa at inangat ang tingin sa akin. “Yes, naroon siya sa bandang kanan magkasama sila ni Miss Obillo.”

Mukhang may bumuhos na malamig na yelo sa kabuuan ko. Napahinto ako sa narinig. He didn't told me. Nakakainis na talaga siya. Lumunok ako ng ilang beses at nagpaalam. He's with someone else right now? Di'ba kakasabi lang niya na kami ang magsasama sa lunch? I shook my head. Maybe, I was just overthinking.

Kahit medyo mabigat sa loob ko ay nilakasan ko ang aking loob na maglakad roon sa bandang kanan. Parang may kung anong kaba ang pilit na bumubulong sa'kin na h'wag nalang silang puntahan pero pasaway nga ako eh.

Napahinto ako sa di kalayuan. Kitang-kita ko sila mula rito at kitang-kita ko rin kung gaano kahigpit ang yakap ni Alice kay Ryden. Hindi nga siya yumakap pabalik pero hindi niya naman tinanggihan.

The Living FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon