🚸🚧🚥🚦🚏
Lunes na naman at heto ngayon ako naglalakad na naman, habang nakasuot ako ng color teal na long sleeves na naparesan ng color burgundy na necktie at ang color burgundy din na skirt na siyang uniporme namin kung hindi ka pa graduating student, dahil inaallowed lang ang pagsuot ng mga by-course department uniforms kapag nasa graduating years kana.
Maingay ang paligid dahil sa mga dumadaang mga traysikel na siyang pangunahing transportasyon dito, may mga mag aaral din na bumaba sa kanilang four wheels na mga sasakyan sa harap ng gate o kung hindi naman ay sa may parking space na lang sa loob ng campus bumababa.
May nakita rin akong mga mag barkada na nagtatawanan habang naglalakad papasok ng campus at may mga grupo din ng kalalakihan at kahit na kababaihan ang napapansin sa aking dahil sa hindi ko malaman na dahilan.
Kaya nilabas ko ang cellphone ko upang gawing salamin at tignan kung may dumi ba ang mukha ko pero wala naman, maaliwalas at desente naman akong tignan.
Halos pare pareho kami ng mga damit ng mga college students na mga ito, at halatang hindi mga graduating student, karaniwan kasi ang mga graduating students sa mga panahong ito ay medyo nalelate na pumasok, dahil sa mga thesis, o kaya ay galing sa mga intern hours.
O kung hindi naman ay galing lang sa paggawa ng mga milagro, at hindi na iyon bago dahil alam mo na, pero pustahan, hindi lang naman mga seniors ang mga gumagawa nun.
Malapit na ako sa gate ng college school namin ng namataan ko ang kaibigan kong si Khate na naka earphones na naman at may pakanta kanta pang nalalaman habng naglalakad papunta sa entrance ng school pagkatapos niyang lumabas sa isang kulay abong Nissan Urvan.
Ngunit... bago to ah kadalasan kasi kapag pumasok siya sa first hour class niya, madalas ten minutes late na siya.
Kaya nakakapanibago, ano kayang tae este pagkain ang nakain nito?
Hindi naman nagrereklamo ang mga propesor daw nila kasi naghihintay pa daw sila ng five to ten minutes bago magsimula ang lecture time o kahit mga quizzes, kaya palagi niyang naabutan bago magsimula ang klase nila.
Ang sa amin na man ay hindi ganiyan, kadalasan nakadepende sa mood ng prof namin, kung bad trip at nakita kang late ka, talagang sermon ang bubungad sa iyo kaya sapilitan talaga na maaga ka sa mga klase mo.
"Take my hands now!"
"You are the cause of my Euphoria!"Pa kantang sigaw niya at medyo pinagtitinginan na siya ng mga ibang estudyante at ang mapansin niya iyon at nakipag titigan lang din siya na hindi man lang tinatablan ng hiya na parang isang normal na bagay lang iyon.
Lahat nga ng nahuhuli niyang nakatitig sa kaniya ay tinitigan niya pabalik na para bang nasa staring contest.
At inayos niya ang nakaponytail niyang buhok sa pamamagitan ng paghihigpit ng tali nito, hindi tulad sa akin na nakalugay lang palagi kahit na may kahabaan ito ay hindi naman makalat sa paningin, nung isang tao pa ang huling nagpagupit ako kay mahaba na talaga.
"Khate!" Sigaw ko at ng makita niya ako ay tinanggal niya ang isang earphone niya mula sa may kaliwa niyang tainga niya bago namin nilapitan ang isa't isa.
"Nagreview ka sa major subject mo? Ikaw ah baka tinatamad ka na naman," akusa ko kasi baka hindi na naman siya nageview, nako.
Hindi naman daw siya nahihirapan dahil halos puro tungkol sa mathematics at pagguhit ang binibigay sa kanila ng mga professors nila.
Ngumiti lang siya in a humble way pero parang nangaasar naman saka bago ngisi iang ngiti nito kaya itinaas ko ang kanan kong kilay kasabay ng pagkunot ng aking noo.
BINABASA MO ANG
Across the Crosswalk
RomanceCrosswalk, sino nga bang hindi pa na experienced ang lumakad at tumawid dito? Palagi natin itong ginagawa o palagi nating dinadaanan kung tatawid sa kalsada. Kadalasan may nakatayong poste ng mga traffic lights, at kapag nasa ilaw na nito kung seny...