🚸🚧🚥🚦🚏
Pagkatapos ng yakapan moment namin na iyon ay bigla na lang ako lumayo sa kanya saka siya iniwan at ng tumingin ako pabalik sa direksyon niya at inilabas ang aking cell phone at sinenyasan siya na tignan ang kanyang cell phone niya dahil chinat ko siya at sinabihan siya sa chat na baka may makakita sa amin at baka mapag usapan pa siya.
Pero ang tanging sagot niya lamang ay, "I am used on that thing already."
Ang yabang niya rin talaga kahit kailan.
Tinanong pa ako nina Jeyzika kanina kung saan kami pumunta at sinagot ko naman sila kung saan kami pumunta.
At syempre sila bilang mga mauusisang tao ay tinanong kung ano ang aming mga pinagusapan pero sa halip na magkwento ay nagreklamo pa ako na bakit siya ganun? At bakit para na siyang naghahabol at gustong gusto niya yatang mapasa kanya ako.
Syempre wala sina Trezz at Jazzyne doon dahil si Jazzyne na lang yata ang hindi updated sa sa mga nangyayari sa pagitan namin ni Jom.
Parang ang hirap kasi niyang saktan at alam kong kahit iwasan kong saktan siya at matakapakan ang ego at pride niya. At panigurado na mangyayari pa rin iyon, masasaktan at masasaktan siya kapag nalaman niya iyon.
Kitang kita ko pa kung paano ang titig n Jazz sa akin kanina habang nag aasaran sila ni Trezz habang abala naman sa paghila sa akin ang asungot na si Jaxx Owen.
"Pre tignan mo oh, ikalawa na nyang tawag sa akin niyan ng aso!" Panunumbong ni Trezz kay Jazzyne ngunit tinawanan lang siya ni Jazz kaya mas lalong siyang bumusangot.
"Okay lang iyan, deserve mo naman." Sagot niya kaya humalukipkip si Trezz at nakita ko pa kung paano niya sinulyapan ng mariin ang kaibigan.
"Kung ang ingles ng tapos na ay its over, gusto mo ba Jazz na maranasan ang friendship over?" Tanong nito kaya narinig ko pa nagtawanan lahat ng kaibigan ko bago kami tuluyang makalayo.
"Gustong gusto ka yata ng fafa na iyon Delythe Joyce." Wika ni Einanne habang naka upo kami dito sa may lilim ng mga puno dahil maaraw pa pero hindi naman masyadong naarawan ang venue na pinili ng school management.
"Palagi na lang siyang ganun, umaaligid ng umaaligid." Reklamo ko.
"Eh ano ba kasing sinabi sayo? May nararamdaman ba sayo? Gusto ka? Mahal ka?" Derederetsong tanong ni Khate.
"Hindi, basta ang sinabi manliligaw daw." Sagot ko pero nakatanggap lang ako ng pektus galing sa pinakamatanda sa amin.
"Tange ka ba? Manliligaw ba iyon kung walang nararamdaman sa iyo?" Tanong niya na parang pinagsasabihan niya ako na may feelings nga si Jom sa akin.
"Malay ba natin kung pinaglalaruan lang si Ligaya?" Negatibong tanong ni Jeyzika kaya pati siya ay napektusan ni Einanne.
"Ang nega Sis ha," usal ni Einanne sa kaniya at ako ay naguguluhan na rin kung ano ba talaga ang paniniwalaan ko, dahil lahat sila ay may saysay ang mga punto.
Nasaan na ba ang wise na si Delythe?
"Alam niyo parang tanga itong si Joy, nung bata tayo siya itong papansin ng papansin na parang naghahabol at noon ay nagrereklamo tapos, ngayong siya na ang hinahabol, eh panay pa rin ang reklamo," wika ni Jeyzika na sinang ayunan naman nilang lahat.
"Hoy excuse me, hindi ako naghahabol noon ano." Depensa ko pero hindi sila naniniwala sa halip ay nakarinig lamang ako ng, "wala kang maloloko dito, Joyce." "Sus hindi raw, kahit hanggang ngayon gustong gusto pa naman yung tao."
At ngayon, kasalukuyan kaming nasa loob ng mga sub camp area namin at hindi ko alam kung coincidence lamang pero ang mga tent namin ng group nina Trezz, Ravi, at Khate pati ang team nina Jom at nina Paco ay magkakapitbahay lang.
BINABASA MO ANG
Across the Crosswalk
RomanceCrosswalk, sino nga bang hindi pa na experienced ang lumakad at tumawid dito? Palagi natin itong ginagawa o palagi nating dinadaanan kung tatawid sa kalsada. Kadalasan may nakatayong poste ng mga traffic lights, at kapag nasa ilaw na nito kung seny...