CHAPTER 18

191 13 0
                                    

🚸🚧🚥🚦🚏

"Kung sesermonan mo lang ako dahil sa muntikang dahilan ng pagka kabunggo ko kanina, e di sana hindi mo na lang ako iniligtas." Reklamo ko dahil hanggang dito sa convenient store na Ten Eleven na may color theme na yellow at black na parang merch store ni bumblebee ay pinapagalitan pa rin ako ng lalaking ito.

Nakaka ginhawa sa pakiramdam ang may pagka minimal na design ng convenience store na ito, pero dahil nga sa may asungot na naninira ng mood ay hindi ko na masyadong na appreciate pa ang kapaligiran.

"Pinagsasabihan lang kita," sagot niya pabalik sa akin sabay kuha ng mga pagkain.

"Oh tapos? Anong paki mo ba at sermon ka ng sermon? Pari ka ba?" Pabalang kong tanong at as usual, nakatanggap ako ng matalim na irap mula sa kaniya.

Bakit ba ang hilig niyang mag sungit?

"Hindi, pero baka mameet ko ang Pari kung hindi kita hinila pabalik kanina." Sagot na naman niya at parang siya ay naiirita na ring pagusapan iyon.

Siya itong salita ng salita kanina tapos...

"Kargo de konsensya ko pa kung masaksihan ang pagkamatay mo." Patuloy niya saad kaya napataas ang presyon ko dahil doon.

Tumingin ako ng diretso sa kanta, ang kanyang kanang kamay ay nasa may bulsa ng slacks pants na color Teal.

Para soyang isang modelo na effortless kung maka pose, ang pogi, ang sarap isako kung hindi lang marunong mam bwisit at maningil ng utang na loob sa hindi kaaya ayang paraan.

"Eh di sa susunod kung mauulit iyon eh huwag mong tignan, kung maari ipikit mo ang mga mata mo kung masasagasaan o, mabundol ako." Usal ko saka siya tinalikuran papuntang counter at bahagya kong naramdaman ang pag vibrate ng cellphone ko mula sa bulsa ng aking skirt.

"Whatever Joyce, whatever and mind you, there will be no next time because as far as I can, ay tatawid ka sa mga crosswalks kasama ako. Walang pinagbago sayo, you are still stupid in terms or passing by on the streets and crosswalk." Mahabang asik niya.

Alam kong matutuloy tuloy na naman ang pagsasalita niya malayo sa ekspektasyon ng karamihan na masungit siya at hindi marunong magdaldal.

Tumawid ka mag isa, ano ako bata? Na kailangan pang may kasama sa pagtawid sa mga kalsada?

Ng makarating ako sa counter ay agad agad kong inilabas ko agad ang isang libong pera galing sa mayabang na Graciano-ng iyon pagkatapos ipunch ni Ateng Cashier ang mga binili ko.

Agad agad akong lumabas patungo sa tawiran at hindi na hinintay ang asungot na iyon, at kung hindi ako namamalikmata ay may nakita na naman akong mazda na dumaan at nilagpasan ako habng dumadaan sa kalsada and this time, hindi lang iisa kundi lima ang magkakasunod na tumatakbong mga sasakyan na LaCarrus na magkakapareho ang kulay, pero may mga sedan, suv, pick up cars at iba pang klase ng kotse pero iisa ang kulay, at iyon ay kulay puti.

Aakalain mo ngang may car racing ng mga sasakyan na may logo ng LaCarrus eh, kung hindi lang may mga ibang kulay at mga ibang nagniningingang ibang logo ng mga sasakyang gaya ng toyota at mitsubishi.

Pero ang weird naman, bakit palagi akong nakakakita ng mga mazda nitong mga nakaraang araw. Senyales na ba ito na baka isang araw o isa sa mga araw na ito ay magkakaroon ako ng sasakyan na may logo ng LaCarrus?

Masakit sa balat ang init na nanggaling sa araw, buti at naka type A uniform ako ngayon na long sleeves, dahil lung hindi ay baka kanina pa namumutla ang balat ko.

Nang umilaw ng kulay pula ang stoplight na senyales ng pwede ng tumawid ay tumawid ako, may mga sasakyan pa nga sa right side ko na mga kulay puti pa ring mazda na naiwan ng mga nauna at iba pang ibang mga uri ng sasakyan.

Across the CrosswalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon