CHAPTER 4

519 28 0
                                    

🚸🚧🚥🚦🚏

Dahil maaga pa naman bago ang roll call at pagsara ng gate ng campus ay napag pasayahan kong maglakad na lang papunta sa school habang ang araw ay nasa may bandang silangan at ang mga ulap ay hindi madilim, tanda na hindi uulan ngayong araw.

Naglalakad ako dito sa may kalsada kung saan may dalawang mga hardin at taniman, proyekto ito ng mga Sangguniang Kabataan dito noong nakaraan pang summer vacation, at dahil nga kabataan ang may gawa ng mga ito at sila rin ang mga taong nag effort o pinaghirapan at pinag isipang mabuti ang mga pinagbasehang ideya, ay may mga kasamang katarantaduhan.

Isa na ang mga ito sa pagpaparinig sa mga kapitbahay na palaging nangunguha ng mga bunga ng pananim na hindi wala naman silang ambag o hindi nila pinaghirapan na siyang likas na sa ating mga tao.

Nakasulat ito sa isang malaking kulay lilang placard na siyang bagay sa mga kulay lilang mga bulaklak sa paligid, isinulat pa ito sa kakaibang paraan pero maayos ito sa mata at naka bold pa ang mga kulay itim nitong mga letra, pero panigurado, ang sumulat nito ay malamang sa malamang ay may magandang penmanship.

"KAPAG IKAW AY MAY ITINANIM, PANIGURADONG ANG IYONG KAPITBAHAY AY MAY AANIHIN."

PS.

HI ALING MARITES AT MANG JOBERT, UMILAG KAYO FLEECE! :)

Natawa ako sa nabasa habang nakatayo dito sa labas ng hardin ng mga bulaklak at taniman ng mga gulay at prutas, hindi iyon pangkaraniwan dahil halos isa hanggang dalawang hektarya ito.

Naalala ko pa nga nang minsanan kaming tumulong ditong magkakaibigan dahil may konsensya naman kami kahit na hindi kami miyembro ng SK at ng kahit na anong organisasyon though, karapatan naman talaga namin na tumulong sa mga ganitong proyekto bilang isang mamamayan at bilang isang kabataan dito sa proyektong ito.

Nagtatanim noon si Khate at nagbubungkal naman ng lupa si Khate, nawiwindang nga ang mga tao sa paligid dahil sa kung bakit ang dalawang mayaman na ito ay narito at nasa ilalim ng mainit na araw at tumutulong.

Ang sagot naman ng dalawa ay, "tao rin kami. Gusto naming makatulong." Ani ni Khate samantalang si Trezz ay, "mabait naman ako at pogi ako, alam ko iyon dahil counted nasa characteristics kong iyon. Pero mabait din naman po ako." Sagot nila ng may isang may aleng may katandaan na dahilan ng tawanan ng mga tao sa paligid.

Hindi kami malayo nina Jeyzika at Ravi na siyang nagtatanim noon ng halaman na sunflower dahil per slots ang mga halaman depende sa uri nito ng namataan ko ang mukha at pigura ni Gutierrez na papalapit, kasama ang isang medyo moreno at may pagka chinitong lalaki na parehong may mga bitbit na mga cooler, wala akong ideya kung anong laman nun.

Siguro ay sama ng loob tutal at parang may sama ng loob sa akin si Jom base sa paraan ng pag tingin niya sa akin na para bang may ginawa akong napakalaking kasalanan sa kaniya, pero ng magtugma ang aming mata ay agad siyang umiwas.

Ng palapit na sila sa amin ay nakita kong nagkatinginan si Jeyzika at Ravi habang inaayos ko ang sleeveless kong kulay itim na may disenyong mga paruparo at buti na lang ay hindi malalim ang neckline nito dahil sa pabilog ito pero kung yuyuko ako ay talagang makikitaan ako, na pinaresan ko ng sweatpants na kulay abo.

Hindi ko rin alam kung bakit ito ang pinili kong isuot, nagiging weird na rin ako, kabanas. Nakaupo pa rin kami ng nilapitan sila ng mga barangay tanod at tinulungan ibaba ang mga naka karton na hindi ko alam kung ano ang mga iyon mula sa isang kulay putting multicab.

"Ay ang popogi naman nitong mga delivery boy namin ano? Mga Gutierrez pa." Wika ni Kapitana dahilan ng pag silingunan ng mga tao sa paligid at bakas sa mata nila ang paghanga sa dalawa.

Across the CrosswalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon