CHAPTER 19

197 13 0
                                    

🚸🚧🚥🚦🚏

"Umalis ka nga dito Graciano kung magiistorbo ka lang," kalmadong sabi ni Ravi habang may masamang tingin kay Trezz at ang kupal ay naka de kwatro lang ng upo at relax na relax habang nag patugtog ng mga jejemon songs.

Si Jeyzika naman ay halos gawing coloring book na ang reviewer sa kakahighlight nito habang si Khate ay may tinatapos na plate.

Yan ang naabutan ko pagkarating ko dito na siyang ganun pa rin kung nasaan ang pwesto nila kaninang umalis ako at ngayon nakabalik na ako, medyo naasar pa rin ako pagkatapos  akong talikuran ng asungot na Jom na iyon sa hallway kanina at wala pa rin si Jazzyne ngayon dito at hindi ko alam ang rason.

Bahagya kong namataan si Einanne sa malayo at hahhard ang mukha  na naglalakad papunta sa direksyon namin.

Katatapos lang siguro ang exam niya, kami kasi kanina ay dalawang major subject sa dalawang oras kaya ng malapit ng mag kunch ay may free time kami para magreview.

"Ha? Ano ulit yun Torres?"  Tanong ni Trezz  at bahagyang hininaan ang volume ng maliit nitong compact bluetooth speaker. "Graciano? Aba'y Khate umalis ka daw oh! Nangi istorbo ka kasi!" Sigaw ni Trezz pero hindi man lang siya pinaglalaanan ng pansin ni Khate habang papalapit ako sa kanila.

"Tangina mo ha!" Biglang mura ni Ravi  at halos napatingin ang karamihang dumadaan sa pwesto nila, napatigil din si Jeyzika at Khate sa kanilang mga ginagawa dahil masurpresa siguro sa sinabi ni Ravi dahil hindi naman kasi siya masyadong nagmumura.

"Ha?" Inosenteng tanong ni Trezz.

"Hot dog!" Sagot naman ni Ravi pero hindi yata magpapatalo amg Graciano na ito.

"Tocino! Pwet mo nagpipiano," wika ni Trezz kaya naihagis  na lang ni Ravi ang kulay pula nitong notebook deretso  sa mukha ni Trezz at ng makalapit  na ako at nakatalikod si Trezz sa akin ay inilapit ko sa batok niya ang malamig na energy drink at may isinuksok na bato sa loob ng uniform niya, sa may likuran niya.

"Fowta po!" Sigaw niya dahilan ng paglagapak ng tawa nina Ravi, Khate ay Jeyzika sa kanilang pwesto at narinig rin namin ang boses ni Einanne na tunatawa rin dahil sa reaksyon ni Trezz.

Ipis sana kaso hindi ako makahanap.

"Heto na po Haring aso, este Captain Graciano." Magalang na wika ko at inabot ang mga pinabili niya kasabay ng 300 pesos na sukli niya at dahil mayabang ito ay sumagot siya ng, "keep the change." Na siyang ginawa ko dahil pambili ito ng libro.

Palaging tandaan na huwag tanggihan ang grasya at baka magtampo, at hindi na magpakita pa.

Pagkatapos iyon ay naging abala na kami sa mga kanya kanyang gawain at si Einanne naman ay nakapagtatakang dito na talaga sa pwesto namin siya nag stay at wala namang problema iyon pero dito na rin talaga siya natulog, nakayuko siya sa may mess habang nakaupo rito sa may sementadong upuan na inuupuan namin. Semetado rin ang mesa na pininturaan ng kulay itim.

Hindi kaya ay baka mangawit siya kung sakali? Halatang pagod eh.

Mabebente minutos na yata na katahimikan ang namalagi sa mga pagitan namin at hindi na muling nag patugtog pa si Trezz para mangasar, buti nga at napagpasiyahan niya na lang na mag suot ng earphones. Napansin yata na talagang seryoso kami ngayon  at uhaw sa katahimikan.

Sasampalin ko na sana ang sarili ko upang magising at maisaulo lahat ng mga nitereview ko ng may isang maugat na kamay ang pumigil sa kamay ko at ng tignan ko kung sino ang may ari nun ay gulat akong napamulat ulit ng mata ng makita ang nagaalalamg mukha ni Jom sa harapan ko at may dalang kape, yung may tatak ng gaya noong bigla na lang siyang nag walk out.

Across the CrosswalkWhere stories live. Discover now