🚸🚧🚥🚦🚏
Agad agad akong tumayo at umupo sa isa sa mga varnished wood chair dito sa may sala at hinayaan na lang ang asungot na si Jom na bumangon.
Hindi rin siya inalalayan nina Ravi dahil nga sa chismosa sila, ay tumabi at umupo agad sila aa harapan ko at nakiasusyo.
"Hoy Joy, ininvite mo here? Kayo na?" Tanong agad ni Khate at alam kong pagkahawak niya mamaya sa sa cellphone niya ay agad niya itong ibabalita kay Trezz ang mga sasabihin ko which is makakarating kay Jazzyne at sa iba pa, si Trezz pa?
"Ano ba kayo, hindi nga kami. Nagkita kami lang kanina sa palengke at nakita ni Nanay kaya heto kinumbidahan niya si Jom na maglunch dito." Sagot ko pero mukhang hindi ko sila nakumbinse.
May ibang ibig sabihin pa nga ang mga magkakaparehong kulay ng mga mata nila, maliba kay Khate na pareho kami ng kulay ng mga mata, kulay kayumangging tsokolate.
"Eh ano yung halik ni Fafa Jom? Magkakaibigan tayo dito Joy, kaya hindi mo na kailangan pang magsinungaling, parang wala tayong pinagsamahan ah." Imik ni Jeyzika na agad kong inirapan.
Ang drama, parang hindi nagtatago ng kung ano ano, pustahan, may mas malala pa itong mga sekreto sa amin.
"Eh sa hindi nga, bakit ba ang kukulit nyo!" Sigaw ko at naalis ang tingin nila sa akin at napako ito kay Jom na walang paalam na umupo sa tabi ko at bahagyang nakanguso.
"My back and shoulder hurts," reklamo niya.
I just looked at his crisis and acted like I don't give a damn for him to feel like I am not worrying about him. Ramdam ko ang iniinda niyang sakit at hinahaplos pa ang braso pero hindi iyon sapat para ako na ang manghahaplos nun.
Syempre, kahit konti man ay umakto naman akong dalagang Filipina para makitang may pinag aralan ako sa karakter ni Maria Clara.
"Eh sinong nagtanong?" Pabalang kong tanong pero hindi man lang siya na bwisit.
Tumingin siya sa akin bago tumingin sa mga kaibigan ko na para bang humihingi ng tulong sa mga ito.
"See her attitude? Nagbago na siya hindi ba? Ang bait ng Joy noon right?" Tanong niya habang nakatingin sa tatlo at nakatingin din pabalik sa amin.
"Ehem, Jom pre, lahat ng tao nagbabago saka nagbago yan dahil may Jazzyne na." Sagot ni Khate at nabigla ako sa pagiging pormal at kaswal ng boses niya dahil naging magkaklase naman sila noon.
"Anong may Jazzyne ka diyan Khate?" Tanong ko dahil sa nabigla ako sa sinabi niya.
At dahil sa tabi ko siya umupo at busy naman si Jom sa pagmasahe sa kanyang balikat ay bumulong siya ng, "makisama ka na lang, tignan natin kung seloso ba iyan." Sabi niya at sumenyas pa sa dalawa na agad naman nilang nakuha.
Secret codes. Alam kong may halos lahat ng mga magkakaibigan ay may mga ganiyan, ginagamit sa mga hindi inaasahan na pangyayari pero dahil at malakas nga din ang telepathy connection minsan, kahit sa simpleng tingin at emosyon lang may mga ang secret pet names pa nga sa ibang tao minsan lalo na sa mga taong ayaw natin.
"Sus, paepal pa itong si Joy eh hindi ba parang kayo na? Paano na itong si Fafa Jom? Papamigay mo na?" Tanong ni Jeyzika at tinignan ko naman si Jom na nag transform na naman ang reaksyon ng mukha niya sa madilim at nagtatangis niyang awra.
Ang mga mata niya ay hindi makita ang iba pang mga emosyon dahil ang malinaw lamang ay parang naasar siya at malapit ng magalit at mamuga ng apoy na para bang isang dragon.
"No! Hindi niya ako ipapamigay and is it true Delythe that you and that guy are already shared something?" Tanong niya sa nakakatakot na boses na dahilan ng pag sitayuan ng balahibo ko.
BINABASA MO ANG
Across the Crosswalk
RomanceCrosswalk, sino nga bang hindi pa na experienced ang lumakad at tumawid dito? Palagi natin itong ginagawa o palagi nating dinadaanan kung tatawid sa kalsada. Kadalasan may nakatayong poste ng mga traffic lights, at kapag nasa ilaw na nito kung seny...