CHAPTER 17

208 15 5
                                    

🚸🚧🚥🚦🚏

"Nay, ikaw ang nang imbita sa mga ito?" Tanong ko habang nasa hapag kami at kumakain, hindi ko alam na tatlong putahe pala ang niluto niya at ng tinanong ko ay hindi raw pwede na isa lang ang putaheng ipapakain niya sa mga buwisita namin.

"Oo nga," nayayamot naman na sagot ng Nanay ko.

"Bakit?" Tanong ko ulit.

"Miss niyo kami di ba Nanay Moli?" Tanong ni Ravi at ng tumingin sa direksyon ni Trezz ay nagsalita ulit siya. "Namiss nyo rin ba ang alaga mong aso?" Tanong niya at napa kunot noo si Nanay dahil duon.

"Alagang aso? Wala akong alagang aso Raviya Katerin," sagot ni Nanay dahilan ng pag halakhak naming magkakaibigan.

"Ay ganun po ba," sagot naman ni Ravi at hindi na sinabing si Trezz ang kaniyang tinutukoy at si Trezz naman ay kitang kita na naman ang naasar niyang reaction.

"Oo, saka nitext ko kayo na pupunta ito dahil sana magdi diwang tayo dahil akala ko ay sa wakas ay may nobyo na itong kaibigan niyong si Ligaya, kaso ang hina naman pala ng anak ko." Sabi ni Nanay at napatawa ang mga kasama namin dito sa hapag.

Halata sa expression ng mukha niya na para bang disappointed pa siya. Hindi ba dapat ay nagagalit siya at naalarma dahil akala niya ang magjo jowa na ako?

"Nay!" Reklamo ko.

At wow! Grabe!  Ang  Nanay ko lang yata ang nagpakain ng ganito dahil sa nalaman niya at akala niya  may jowa na ako.

"Papunta na yata po dun Nay Moli, eh liligawan daw ba naman nitong future manugang mo iyang anak mo." Pakiki singit ni Jeyzika.

"Hindi pa nga nagpapaalam, wala man lang formalities." Saad ko na agad namang sinangayunan ni Trezz pagkatapos nitong nguyain ang  sinubong pagkain.

"Oo nga, gawain ba iyon ng matinong tao?" Tanong niya at tumawa lang ang Nanay ko.

"Mga anak, tama iyang si Jaxx Owen. Dahil magpaalam ka man oh hindi, kung gusto mo talaga ang tao. Liligawan mo iyan hanggang sa mahulog sayo at hindi sapilitang sabihin sayo ang mga tatlong mahi hiwagang salita." Pagpapaliwanag ni Nanay na may nakaukit pa ring ngiti sa kanyang mga labi.

"Ay sabagay, agree ako dyan Nanay." Biglang sabi ni Khate at parang opposite na sila ng pinaniniwalaan ng pinsan.

Pero may point si Nanay, dahil kung gusto mo talagang mapasaiyo ang tao ay handa kang ipursue siya kahit ano man ang panta taboy na gawin mo.

Lakas naman ng lalaki na nasa tabi ko ngayon, nangingiti pa dahil sa narinig.

Ang sarap... ang sarap sabunutan.

Bahagya siyang tumingin sa akin at pasimpleng nagtanong sa pabulong na paraan ng, "what?" At umiling lang ako at nakisali sa usapan nila Nanay.

Napapabuntong hininga na lang talaga ako at napapaikot ng mata tuwing ako na iyong topic nila at inaasar.

Pero parang ang imposible ng nangyayari ngayon, dahil parang sa mga panaginip at imahinasyon ko lang ito noon nakikita, pero ngayon ay nangyayari na talaga. Parang kailan lang...

PAGKATAPOS ng lunch na iyon, ay hindi na muli pang nakiasusyo ang apat dahil sa tuluyan nilang pangaasaran at pagtawag ng aso kay Trezz.

Kaya ngayon nakabusangot na naman ang mukha ng aso, este ng pinaksimatvna Graciano habang nasa sala kami at hinihintay na matapos sina Ravi at Jeyzika na maghugas ng plato dahil sila na ang nag prisinta.

Ang sisipag nila ano?

"Khate can you please stop?" Tanong na ni Trezz at napasalita na siya sa wikang ingles, senyales na galit na ito.

Across the CrosswalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon