🚸🚧🚥🚦🚏
Nagtatampisaw na kami ngayon nina Jeyzika kasama si Ravi at Khate na hawak ngayon ang tripod niya. Habang si Einanne naman ay nag sunbathing at nakashades pa habang nakasuot ng color black na swimsuit.
Ang mga kasama naming na mga kalalakihan ay namamangka at hindi ko alam kung saan nila kinuha iyon, rinentahan yata sa isang mangingisda na nakita nila kanina.
Hindi naman sila kalayuan kaya rinig na rinig namin ang mga halakhak nila at kung paano sila magasaran.
"Teh... may tanong ako, kung sakali bang magpautang sina Aling Dolores ngayong linggo e, uutang ka ba?" Tanong ng isang babae habang dumadaan sila sa may harapan ng mga cottages na tinutuluyan namin.
Napako ang atensyon ko sa babaeng matangkad na pagkamorena habang tinatanong ang babaeng mas maliit naman sa kanya na mestiza, sa tingin ko ay mas bata sila sa amin.
Kaedad siguro ni Soleing o di kaya ay ang busno nilang kapatid. Parang taga rito sila, malapit sa high end na subdivision, o kung hindi kaya ay tiga room talaga sila.
Looks can deceive ika nga pero bakit nila pinag uusapan ang utang kung ganun? Ipinagpatuloy ang pakikinig sa usapan nila hanggang sa makalayo na sila sa kinaroroonan ko
"Hmm... hindi na muna siguro, saka na kapag may pambayad na ako." Sagot ng mestizang dalaga na dahilan ng pakakunot ng noo ko.
Hindi ba dapat ano... hindi ba umuutang tayo o humihiram dahil wala tayong pera minsan, o kaya ay kulang ang pera natin.
Ngunit bakit iba ang pananaw ng dalagang iyon? Kakaiba...
Mula dito sa may kalayuan ay nakita ko sina Trezz at Jazzyne na naghahabulan habang si Ydann ay tumatawa habang may hawak pa na drumsticks na kinakain pa niya ito habang tinatanaw ang mga siraulong naghahabulan.
"Hala gago, bakit ka nanunulak? Muntikan ng mahulog yung kinakain ko! Siraulo ka ba?!" Pasigaw na tanong niya ng muntik na silang matumba ni Shawn.
Naghahabulan kasi sina Renz at Shawn ng biglang sinali si Ydann, nagpeace lang si Shawn at ipinagpatuloy ang bardagulan at hinayaan na ang naasar na si Ydann.
Tumingin ako sa paligid at lahat nga ay nagkakasaya, at ng madako ang paningin ko sa katabi naming kubo kubo ay doon na ako natigilan dahil sa hindi ko rin alam.
Siguro nahihiya pa rin ako sa nangyari kanina.
"Airhi, don't go too far! Mapapatay kami ni Khai kung nagkataon!" Sigaw ng lalakeng may pangalan na Paul dahil yun naman ang itinawag sa kanya ni Jom kanina.
Ramdam ko ang nakakapaso na init ng araw pero hindi iyon dahilan upang hindi namin maenjoy ang araw na ito kasabay ang malikot na mga alon ng dagat.
Hanggang sa maabot na nito ang bewang ko na ito dahil hindi naman ako kasing tangkad nina Ravi ay Khate, si Jeyzika ay hindi naman nalalayo ang height nito sa dalawa.
Mas nagmumukha nga akong maliit pa eh kung katabi ko si Trezz o hindi kaya ay si Jazz. At kung si Jom naman, mas lalo naman ng nagmumukha akong maliit dahil naabot na yata sa six feet ang height nito o sobra pa nga yata, subalit sa tingin ko mas matangkad si Kuyang Pogi at ang gwapong katabi kanina nina Leiva.
"Tara! Punta tayo sa may mas malalim, iwan natin si Joy." Pang aasar na wika ni Ravi pero binelatan ko lang siya at dahil medyo marunong akong lumangoy ay sumisid ako papalapit sa kanila ngunit hindi pa ako nakakalayo ay nakaramdam ako ng presensya malapit sa akin kaya agad agad akong umahon.
At nabigla ako ng makita ko si Jom sa harapan ko at ng bumaling ang tingin ko sa mga kaibigan ko, laglag din ang panga nila dahil sino ba naman ang hindi masusurpresa kung isang gwapong nilalang ang lumapit sa amin.
BINABASA MO ANG
Across the Crosswalk
RomanceCrosswalk, sino nga bang hindi pa na experienced ang lumakad at tumawid dito? Palagi natin itong ginagawa o palagi nating dinadaanan kung tatawid sa kalsada. Kadalasan may nakatayong poste ng mga traffic lights, at kapag nasa ilaw na nito kung seny...