chapter 17

3K 95 4
                                    

(R's POV)

"hindi mo lang siya anak!,....

..........Anak ko rin siya!" yan ang nadatnan kong scene sa hallway ng office ko malapit sa may office ni Tita Reuko at all fairness kay Tita ahh! Sharon Cuneta ang peg! hahahaha pero back to reality, parang di ata biro yung sinabi ni Tita.

agad akong lumapit sa lugar kung saan nandun si Mansanas.Nung makalapit naman ako sa kanya nakita ko siyang umiiyak habang parang gulat na gulata naman si tito Robert base sa expression ng mukha niya.

wait??

"walangya talaga ang matandang hudas na yan kahit kailan!"

bigla naman nagflashback sa isip ko yung sinabi ni Mansanas.

"ang ganda ng bati niyo sakin.. I miss you too....

DAD!"

WWHHHHAAAA >___

bat ko ba nakalimutan! si tito Robert nga pala ang daddy ni Mansanas.

"what did you say?" tanong ni tito Robert.

binigyan lang siya ni tita Reuko ng evil glare si tito saka nagsalita

"you heared it! Right?" sagot ni tita

"ikaw si Alexa?" tanong ni tito

tinignan siya ni tita then give him a sweet smile.

"sino pa ba?" sabi nito saka tinalikuran si tito.."lets go Mae!" pagaaya nito kay Mansanas, sumunod naman ako sa kanila..

"wait! " sigaw ni tito pero no comment si Tita at dirediretso lang siya..

in some ways, gusto ko rin malaman ang ang lahat dahil ang gulo gulo.

i mean, si Tita Reuko na besprend ng Mommy ko ay ang Mommy ni Mansanas na matagal niya ng di nakikita?

0o0

Reuko's POV

FLASHBACK

(18 years ago)

graduating highschool student palang ako nun ng makilala ko ang lalaking nagngangalang Robert.

siya yung tipo ng lalaking pinapangarap ng lahat ng babae, gwapo, mayaman, sikat, at matalino.

pero sa hindi inaasahang pagkakataon pinagtagpo ang aming tadhana,nagkakilala kami dahil sa kaibigan kong si Yuki siya ang nagpakilala sakin kay Robert.

(a/n: si Yuki ay ang kasalukuyang MOMMY ni Rain...gets?)

gaya ko, matalik na magkaibigan rin sina Robert at Yuki ang pinagkiba nga lang, mayaman sila samantalang ako ehh mahirap..

pero di naging hadlang samin yun, Bestfriends kami ni Yuki nun at partners in Crime kaming dalawa lahat ng kalokohan magkasama kami at sa kung ano ano pa..

pero nabago ang lahat ng yun nun pumasok na kami sa college.

sa iisang university lang kami pumasok,scholar ako kaya ako nakapasok sa eskwelahan ng mayayaman, parehong HRM ang kinuha naming course ni Yuki nun..

pero isang araw nagbago ang lahat, ang matalik na kaibigan ni Yuki na si Robert ay nanligaw sakin, Nung una ayoko maniwala pero habang tumatagal mas lalo ko siyang nakikilala at sa tingin ko ay nahuhulog na ako sakanya nung panahon na yun sinabi ko na rin kay Yuki lahat ng mga ginagawa ni Robert sakin at ito ang sinabi niya

"susuportahan kita kung ano man ang maging desisyun mo!, pero kung sa tingin mo ay mali, nandito lang ako para tulungan ka Alexa!"

kaya naman pagkatapos namin sa college ay sinagot ko na si Robert, nangako siya sakin na aalagan niya ako at di ako pababayaan pero nagkamali ako,, isang malaking kasinungalingan lang pala ang lahat ng yun..

GIRLFRIEND FOR HIREWhere stories live. Discover now