chapter 26

2.9K 92 2
                                    

(A's POV)

*WHAT'S UP MADLANG PEOPLE!*

Yang ang narinig ko pagkabangon na pagkabangon ko. Lumabas ako ng kwarto at laking gulat ko ng makita ko si....

"Mommy?"

Agad siyang lumingon sakin.

"Anak! hows your sleep? Maganda ba dito sa bago mong Condo? Are You fine? How about the aircon? Gumagana ba? And ---------"

"---ok lahat Ma! But? Pano ka nakapasok sa bahay ko?" Tanong ko.

"Duh? Anak!Memory Gap?Ako kaya naglagay ng passcode mo jan? Panong di ko malalaman?" Sagot niya.

Oo nga pala, ang tanga ko talaga.

"Ah! Hahah Oo nga pala noh,"ang Corny ng sagot ko.

"Well your just in time, maglunch na tayo,buti na lang at nakapagluto na ako"sabi niya habang nilalagyan ng kanin yung plato ko.

"At oo nga pala' 8:00 a.m nandito na ako, pero tulog na tulog kapa, ano bang pinaggagagawa mo kagabi ha!"pagpapatuloy niya.

Naalala ko tuloy yung nangyari kagabi,nung makita ko si Ulan,bigla tuloy nagflashback sa utak ko yung nangyari, wat if? Di ako tumakbo nung tinawag niya ako? Yayakapin kaya niya ako? Tapos yung teddy bear, sakin kaya talaga yun?..

"Anak?"

Bigla naman ako natauhan sa pagtawag sakin ni mama

"P-po?"

"Ano bang nangyayari sayo Anak! Lutang ka na naman, may problema ba?"

"Ahm, wala naman po"sagot ko

"wag mong sabihing inaantok ka pa! Tanghali ka na nga nagising ehh di ka pa nagb-breakfast, tapos inaantok ka na naman?"

"Hehehe pagod lang po siguro ako Ma." Sagot ko.

So yun, nagtanghalian na rin kami ni Ma, after naming magLunch, umalis rim agad si Ma, may aasikasuhin pa daw kasi siya sa office niya..

Ngayon ako na lang magisa......

Wala rin akong nagawa kaya nanood na lang ako ng TV para naman malibang ang sarili, nung nagsawa na ako sa panonood, naglaro na lang ako ng Clash of Clans sa tab ko. Nung wala na talaga akong magawa ay umakyat na lang ako ng kwarto at ibinagsak ang sarili sa kama..

"Hay!ano bang magandang gawin ngayon?" tanong ko sa sarili ko.

" magshopping? wag na nakakasawa! mag luto kaya ng cookies? kaso wala naman akong kasama! Whaaaa! Ano ba!" Sabi ko habang sinasabunutan ang sarili, baliw na ata ako!

Tinignan ko yung celling ng kwarto ko.Ilang minuto rin akong makatunganga dun.Tapos paglingon ko nakita ko yung Teddy bear na bigay ni Ulan. Kinuha ko yun aat kinausap.

"Hoy! Ikaw!,anong masayang gawin?magshopping o magluto ng cookies?"

Ilang sigundo na ang nakalipas, pero di naman sumasagot yung bear, tanga ba ako? panung sasagot ang isang cute na cute na teddy bear!

"Dahil, nabobored ako ngayon,at wala akong kasama, ikaw muna ang kasama ko ngayon ha!" sabi ko dito.

"Tara! Magluto tayo ng cookies!"

Agad akong pumunta sa kitchen, syempre, bitbit ko si Baby Bear, ang cute ng ngalan niya noh! hihihi.

Agad kong pinepare ang mga gagamitin ko sa pag b-bake ng cookies. Pinaupo ko rin si Baby Bear sa upuan.

GIRLFRIEND FOR HIREWhere stories live. Discover now