chapter 20

2.9K 102 1
                                    

(A's POV)

Pauwi na kami ni C pero di parin mawala sa isip ko yung sinabi niya kanina.

totoo kaya na kapag di ko sinabi kay Ulan ang nararamdaman ko ay
pagsisisihan ko toh ng panghabang buhay???

"Hoy!nakikinig ka ba?" nagising naman ako sa katotohanan nung tawagin ni C ang atensyon ko.

"Huh? ano yun?" tanong ko!

" sabi na nga ba! hindi ka nakikinig eh! kanina pa ako dito dada ng dada di mo naman pala ako pinakikinggan! --3-- !" sagot niya.

"sorry naman! kasi di ko lang talaga ma explain yung tong nararamdaman ko" sagot ko

bigla siya pumunta sa harapan ko kaya naman napatigil ako sa paglakad sabay hawak sa magkabila kong balikat.

"sagutin mo nga tong mga tanong ko! nang malaman natin kung ano yang nararamdaman mo. Tumango ka lang kapag Oo ang sagot mo ok?"

"ok!" sagot ko

ano naman kaya ang nasa isip ng bruhang toh?

"unang tanong!"

WOW! Hotseat ang peg?

"kapag kasama mo ba si Fafa R eh!parang ang saya aaya mo parati na parang makita mo lang siya, eh buo na ang araw mo?"

wait!, bat parang alam na alam niya na ganun ang feeling ko pagkasama ko si Ulan?

"tumango ka kung Oo Gurl!" dugtong ni C .

tumango naman ako bilang sagot tapos ngumiti siya.

"2nd Question!is worth 50,000 cash!"

"seriously?" tanong ko

"di Joke lang yun!toh naman! di na mabiro!" sagot niya.

"oh ito, pangalawang tanong, kapag hinahawakan ba ni Fafa R ang kamay mo, o kaya ay magkakalapit ang mga balat mo eh parang kinukuryente ka? tapos kapag ang lapit lapit niya sayo eh halos magwala sa pag Wiggle Wiggle yang Puso mo?"

Naalala ko tuloy yung hinalikan ako ni Ulan sa Noo, ganun nga ang nararamdaman ko, halos tumambling ang puso ko sa lakas ng tibok nito.

"ANO NA!" iritadong tanong ni C

tumango lang ulit ako bilang sagot. Tapis agad namang tinakpan ni C bunganga niya saka nagtititili,.

"Anyare sayo?" tanong ko habang siya naman patuloy parin sa pagtititili.

"Your Positive!" masaya niyang sagot.

"Positive saan?" tanong ko

"positive! inlove ka kay Fafa R! Ahhhhhh, im so kilig!" sigaw niya.

binatukan ko nga ehhhhhh..

( --____--)/

"aray naman! bat ka namn nangbabatok!" sagot niya

"ang ingay mo kaya!" sagot ko.

"SAREEE, IM JUST YOU KNOW, KINIKILIG, HIHIHIHI!"

"ewan ko sayo!" sagot ko sabay walk out sakanya.

Totoo kaya yung sinasabi niya?

siguro nga!di naman ako magseselos nung nakita kong hinalikan ni Lyka si Ulan kung wala akong gusto sa kanya diba?

siguro nga tama si C.

Mahal ko na nga siguro ang Ulan na yun!

~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~

GIRLFRIEND FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon