chapter 12

3.2K 93 0
                                    

(R's POV)

Ang saya saya naman dito, sobrang naenjoy ko talaga ang pamamasyal namin ni Mansanas dito sa Bicol. Buti na lang at may mga pictures ako ng mga lugar na pununtahan namin ang ganda pa naman pero ang naenjoy ko talaga sa lahat ehh yung pumunta kami sa bahay ng kaibigan niyang si C, akalain mo yun?. CANDY CRUSH pala ang full name niya parang pinaglaruan lang ehh hehehe. Kagabi nga tumawag yun sakin,nagwonder nga ako kung pano nakuha nun yung cellphone number ko,pero di na ako magtataka sabi nga ni Mansanas,madaming paraan ang malalandi.

nagkwentuhan lang kami, ayos naman palang kausap tong si C,medyo tryhard nga lang sa pag english sabi nga niya sakin may trabaho na daw siya ganto ang pagkakasabi niya.

"you know papa R? I got na a stayput job na. hihihihi" - C

"ahh!,ganun ba? t-teka anong stayPUT?" - me

"stayPUT! yung ano..... ano nga ba tawag dito? yung ----------- " -C

"baka STABLE!" pagputol ko sa kanya

"Yun nga!" sagot niya

oh kita niyo na di naman siya TryHard sa pag english!

Mag aalas singko na ng gabi, kaya lumabas ako ng kwarto ko, inayos ko pa kasi yung ibang mga gamit ko.

nadaanan ko yung kwarto ni Mansanas,kumatok naman ako, pero walang sunasagot, yayayain ko sana siya magmeryenda kaso parang wala siya, binuksan ko yung pinto ng kwarto niya pero wala naman siya sa loob saan kaya nagpunta yun?.

hinanap ko siya sa buong bahay pero wala,,kaya pumunta na lang ako sa likod bahay, dun ko lang naman alam puntahan si Mansanas kapag wala siya sa loob ng bahay.

nakita ko naman siya na nakaupo sa damuhan malapit sa puno ng mangga at may hawak na gitara,

marunong pala maggitara si Mansanas?

you by light
is the greatest find
in the world full wrong
youre the thing thats right.

ang ganda talaga ng boses ng Mansanas na toh! naalala ko tuloy nung kumanta kami sa Christmas Ball noon.

finally made it
though the lonely
to the other side.

pinakinggan ko lang siya habang kinakanta ang Terrified,, isa pa naman toh sa paborito kong kanta, ito nga rin ang theme song namin ni Lyka nung kami pa ehh.

Sh!t naalala ko na naman si Lyka. Bat ba hanggang ngayon di ko parin siya makalimutan?

you said it again
my hearts in motion
every word feels like a shooting star
i'm at the edge of my emotions watching the shadows
burning in the dark

and i'm inlove
and i'm terrified
for the first time
in the last time
in my only life.

napaka cold ng boses niya ang sarap pakinggan.

tumabi ako sa kanya at sinabayan siyang kumanta,,natigil naman siya sa pagtugtog ng marinig niya ako.

"oh! bat mo tinigil? ganda pa naman ng tugtog.." sabi ko sa kanya.

"ahh, sareeh namen" sagot niya saka ulit pinagpatuloy ang pagtugtog.

habang sinasabayan ko siya ay tinitignan ko siya habang siya naman ay nakatuon lang ang tingin sa mga gitara..

nakakarelax pakinggan ng boses niya,pagkatapos ng kanta ay nahuli niya akong nakatitig sa kanya kaya agad naman akong umiwas..

"bat ka nga pala nandito, maggagabi na oh" tanong ko

"wala, masaya lang ako!" sagot niya

"huh?bakit?"

"kasi, may nakilala akong isang babae, maganda,mabait at parang ang sarap kausap!"

"wag mong sabihin? natotomboy ka!" sagot ko.

"hindi! gago!" sabay batok niya sakin

"aray! joklang! toh talaga di na mabiro!"

"kainis ka kasi! ang seryoso ko dito tapos bigla kang gaganyan,batukan kita jan ehh!" sagot niya.

"tara na nga! pasok na tayo ang lamok lamok dito magka dengue pa ako!" pagaaya niya..

wait?, sino kaya yung babaeng sinasabi ni Mansanas? well, i can ask her some other times..

(A's POV)

kainis tong Ulan na to panira ng goodvibes, yung feeling na seryoso ka tapos bilang lalagyan ng joke! pasalamat siya malaki pasweldo niya sakin.

papasok na kami ng bahay ng makita naming may mga taong naguusap sa sala.

"ayan na pala sila!" sabi ni Jake may kasama pa siyang isang babae at si Lyka..

agad naman akong inakbayan ni Ulan at napatingin na lang ako sa kanya.

"buti nalang at dumating na kayo. Si Jenica nga pala,future wife ko" pagpapakilala ni Jake.

"hi! nice meeting you, im R, and this is my girlfriend Mae" sagot naman ni Ulan

"oh! nice meeting you two, i heared so many good things about the two of you!" sagot niya.

"ahh ganun ba?" sagot ni Ulan sabay kamot sa likod ng ulo niya, pero nakaakbay parin siya sakin.

"ahh R! " sambit naman ni Lyka napatingin kami sa kanya, Mas naramdaman kong mas humigpit ang pagkakaakbay sakin ni Ulan at mas nilapit ako sa kanya.

"pede ba tayong magusap, sandali lang!" pagpapatuloy niya.

"ahh, ok" kalmadong sagot ni Ulan saka sila lumabas.

pansin ko lang, bat parang namamayat ata si Lyka?

ay! Di ako ka join? pero bat ganto? parang may hindi magandang mangyayari sa paguusapan nila?

AHHHHHH! Ayoko ma stress!







JOYCE NOTE: pasensya na kung ngayon lang ulit ako nakapagup date, di bale bawi na lang ako next time at dahil maikli lang ang update, sisikapin kong makapag update ulit bukas o sa susunod pang bukas o sa mga susunod pang bukas. :p

salamat sa lahat ng babasa.

Dont forget to vote and read my other books. Thank you ulit. Lablab

GIRLFRIEND FOR HIREWhere stories live. Discover now