chapter 35

2.1K 76 1
                                    

(A's POV)

Its almost one week simula ng  encounter namin nung walanghiyang demonyitang Sorra na yun. And its almost one week na rin na ginugulo niya kami ng Potato ko..

Oo, ginugulo niya kami ni Ulan. Ang lakas lang siguro ng wifi at bluetooth ng babaeng yun!, akalain mo yun?, Di naman namin tinuro kung saan ang condo namin ni Ulan, pero natagpuan parin ng demonyitang gaga kung saan kami ng tatago.

Hindi naman sana ako magagalit sa kanya actually, pinipilit ko nga maging mabait sa kanya ehh. Pero sadyang malandi lang talaga siya at ganun na lang siya kung makalapit kay Ulan.

Kagaya ngayon,kung makapagpapansin kay Ulan, wagas, tahimik kaming nagluluto dito ni Ulan ng cookies, tapos bigla na lang siyang sumulpot, may lahing kabuti ata ang demonyitang toh ehh.

"Ako na maghahalo, Rain" malanding sabi niya kay Ulan.

"Ah, ok." Sagot naman ni Ulan.

Tinignan ko lang silang dalawa ni Ulan. sayang ang ganda pa naman sana ng view, kasi ang cute tignan ni Ulan na nakasuot ng hello kitty na apron, pero nasisira toh ng dahil sa walang hiyang Sorra na nasa tabi niya, mas ok sana kung ako ang nandiyan,.

Tumabi naman sakin si Ulan.

"Wanna have some drinks?" Tanong niya.

Tumango naman ako bilang sagot saka ngumiti at hinalikan naman ako sa noo ni Ulan.

Nakita ko naman yung demonyita na nakatingin sakin.. HAHAHAHA MAINGGIT KA!!

ah,Rain, pagtitimpla mo ng juice si Mae? Pedeng ako rin?" Tanong nung gaga.

Aba ayus ha! Malandi na gaya gaya pa. Tinignan ko siya ng masama saka naman niya ako nginitian ng napakaganda, if I know lalandiin niya lang talaga si Ulan.

"Ahm, ok." Sagot naman ni Ulan saka umalis, ngayon kaming dalawa na lang ni Sorra ang naiwan dito sa counter.

"Ang landi mo rin noh!" Sabi ni Sorra.

"Nagawa mong agawin sakin si Rain" dugtong pa niya.

"Talaga? Pano mo naman nasabi?" Sagot ko.

"Kasi, malandi ka!" Sagot niya.

"At talagang ako pa ang malandi ha? Hiyang hiya naman ako sa kalandian mo! Para sabihin ko sayo, may karapatan akong makipaglandian kay Rain, dahil girlfriend niya ako at boyfriend ko siya' e ikaw? Ano ka ba niya!" Tanong ko sa kanya ng nakataas ang isang kilay.  Gusto ata nito ng away eh!.

"Bestfriend!" Sagot niya.

"talaga? Base kasi sa sinabi ni Rain. Bestfriend LANG, daw kayo nung highschool, pero ikaw rin daw ang sumira nito, totoo ba yun?" Tanong ko ulit, halata sa itsura niya na pikon na pikon na siya.

"Sige, sabihin na natin, na bestfriend ka parin ni Rain ngayon.,Tapos nilalandi mo ang bestfriend mo?" Patuloy ko.

"Walang hiya ka talaga!" Sigaw niya sabay tapon sakin nung harina na ginamit sa cupcake,

Syempre magpapatalo ba naman ako edi binato ko rin sa kanya yung mga egg shells na nandun.

binato niya rin ako ng mga prutas na nandun sa counter, kaya tinapunan ko rin siya ng baking powder. At mga kutsara na nandun.

Walangyang babae toh. Dito pa talaga sa bahay ni Ulan magiinarte? Batukan ko siya eh.

Patuloy lang kami sa pagbabatihan hanggang sa....

"Hey! You two! Stop that!!' Sigaw ni Ulan.

Agad naman kaming tumigil sa pagbabatuhan. Tinignan ko naman si Ulan na nakatayo sa harap namin at may dalang dalawang orange juice. Tapos yung kilay niya ay magkasalubong, nakakunot rin ang noo niya.

"Whats happening here?" Tanong niya.

"Ah." sasagot pa lang sana ako ng biglang tumakbo si Sorra papalapit kay Ulan at yumakap dito na parang tuko.

"Rain!" Sigaw niya nung makayakap na siya tinuro niya pa ako..

"She started it!,tinapunan niya ako ng baking powder!" Sumbong nito.

What the hell?? Ang kapal talaga ng mukha ng tuko na toh!.

"what!?,e ika-------."

"STOP!!" di pa ako tapos magprotesta ay pinutol na ni Ulan ang sasabihin ko.

Di niya man lang ba ako pagsasalitain?

"Rain! She hurt me!" Pagiinarte ng tuko.

Ang sarap na talaga sabunutan ng tuko na toh. And take note! Nakayakap parin siya kay Ulan na parang linta..

Nakakainis na talaga!

"Ugh!" Nakakainis na talaga di ko na mapigilan kaya umalis na lang ako ng pad ni Ulan.

Gustong gusto ko.na talaha sabunutan ang Sorra na yun! Pero bat di ko magawa?? Nakakainis na talaga!.

"Mae, wait!" Rinig kong sigaw ni Ulan pero di ko siya nilingon, para saan pa? Di niya nga ako pinag explain eh.

Agad akomg pumasok sa bahay ko at dumiretso sa CR. Para maligo. Walanghiyang tuko na yun? Tapunan daw ba ng harina ang buhok ko? If I know, inggit lang siya sa napakagandang buhok ko..

Natapos na akong maligo, pumunta ako ng living room para tignan kung nandun si Ulan pero wala siya :(

Di niya man lang ako sinundan??

Nakakatampo na!

At dahil nagtatampo ako kay Ulan papalitan ko ang passcode, para di siya makapasok, bahala siya sa buhay niya.. Naiinis ako sa kanya!.

(R's POV)

"Mae' wait!" Sigaw ko pero di siya nalingon.

Naman galit na ata siya. Si Sorra naman kasi e.

Lumabas siya ng unit ko at dumiretso sa unit niya, susundan ko pa sana siya pero may humawak na naman saking linta.

"Rain,"

"WHAT!" Sigaw ko sa kanya.

"Pwede ba? Wag mo nga kong sigawan?" Sagot niya

"What do you want ba ha? Masaya ka na? Galit sakin si Mae! and its all because of you!" Sigaq ko ulit sa kanya

"But she started it!,siya ang nagsimula ng away!"

"I dont think so', hindi ganun si Mae!, so please! Back off!" I told her.

"Bu---"

"No buts! Ok, at pwede ba Sorra! Alam ko naman ang plano mo e, ang paghiwalayin kami ni Mae! So can you please stop it? Its not funny!, at hinding hindi ko siya ipagpapalit sayo!"

Di siya agad nakasagot, nabigla siguro.

"Wala na ba talagang chance?" mahinahon niyang tanong.

"I busted you when we are in highschool right?, so wag kanang magexpect na mamahalin kita kasi ayoko," I told her

"Fine!" Sagot niya.

Saka lumabas ng unit ko.

Pumunta naman ako sa unit ni Mae, pero di ako makapasok kasi, iniba na niya yung passcode,

Oh for crying out loud! I hate this, ito na nga bang sinasabi ko ehh..



GIRLFRIEND FOR HIREWhere stories live. Discover now