chapter 3

6K 174 0
                                    

(Christmas Ball)

nasa isang sulok lang ako ng bahay at nanonood ng mga taong sumasayaw at kumakanta, si Mommy naman ayun  busy sa pakikipag chismisan.

yung mga baliw ko namang mga kaibigan ayun... busy sa pakikipaglandian sa mga babae palibhasa hindi brokenhearted..

habang nakaupo ako dun sa sulok madami tumatabi saking mga babae yung iba sobrang GGSS..yung iba naman mga Feeler , tapos yung iba naman parang gusto na lang humubad sa harapan ko sa sobrang ikli ng mga damit o kaya eh kita na yung clevage .

di ko na lang pinansin ang mga kalandian ng mga babaeng yung.Pero may isang babaeng nagkakuha ng atensyon ko, di siya tulad ng ibang babae na OA sa pagporma..Nakasuot lang siya ng simpleng cocktail dress tapos nakaeye glasses siya at busy sa pagbabasa ng libro..

"hoy!" natuon naman ang atensyon ko dun sa tumawag sakin si Derry lang pala

"oh! bakit?" tanong ko sakanya.

"emo ka na naman,pwde ba bro! enjoy, samantalahin mo na ang pagkakataon habang madaming babae ang umaaligid sayo!"

"wala naman akong makita ehh."

"wala ba talaga? ehh ano yun?" tapos tinuro niya yung babae na nakita ko kanina na busy sa pagbabasa ng libro.

"maganda siya diba, mo nga lang makita kasi nandito ka at maraming tao ang nakaharang pero kung lalapitan mo siya sigurado ako magagandahan ka sa kanya.." dugtong niya pa.

"sige bro,maglalandi muna ako"  sabay alis ni Derry, talaga naman oh, di pa nga ako nakakapag move on kay Lyka gusto ng agad ako magkaroon ng bago girlfriend, si Derry talaga..

pinagmasdan ko lang yung babae,tapos bigla na lang may tumabi sakin, tinignan ko kung sino si Mike at Carl pala..

"bro! kanta ka oh!" sabi ni Carl sabay turo dun sa parang platform na para ring maliit na stage na ewan tapos sa harap merong flatscreen tv na lumalabas ang mga lyrics ng kanta.

teka? kelan pa nagkaroon ng ganyan sa bahay namin?

"a-ayoko!" pagtanggi ko

"sige na!" pagpipilit nila ni Mike

"oh! sino naman ang pwedeng kumanta? isang babae isang lalaki"  sabi nung isang lalaki na may hawak ng mic.

"si R!" sigaw naman ni Carl at Mike habang tinutulak ako papunta dun sa platform..

in the end napaakyat rin nila ako dun sa platform.Tapos may nakatapat na agad saking isang mic na nasa stand nito,.

"oh! ito na yung kapartner na babae!" sigaw naman ng isang lalaki na nasa left side ko.

tinignan ko naman kung sino yung babae na mabiktima rin sa kalokohan ng mga tao dito at...

teka!

siya yung babae na nakaeyeglasses na busy magbasa ng libro.

halata sa hitsura niya na pinagkaisahan rin siya at pinilit lang na umakyat dito..

nakacross-arm lang sita at nakayuko, parang mahiyain naman ata nito,at tulad ko may nakatapat rin sa kanyang isang mic na nakalagay sa stand.

nagsimula ng tumugtog.

[np: START OF SOMETHING NEW BY VANESSA HUDGENS AND ZAC EFRON]

ito na, ako na lang kakanta parang wala namang balak kumanta yung nakuha nilang kapartner ko ehh..basta pagkakanta ko ng part ko aalis na agad ako.

"living in my own word,
didn't understand
that anything can happen
when you take a chance"

GIRLFRIEND FOR HIREUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum