chapter 40

1.9K 69 3
                                    

(A's POV)

Nagising ako sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko. Tinignan ko ang paligid ko. Nakita ko ang puting kisame,nakahiga rin ako sa puting kama. Napahawak rin ako sa ulo ko,medyo nahihilo ata ako,may benda rin toh.


Teka??



Asan ba ako? O.o??

"Whhaaaaa!! Gising na si A!!!" Sigaw ni C. Aba nandito pala ang bruha, pero infairness ha!, na miss ko siya..kasama ang MCDO's

"A-anong ginagawa niyo dito?a-anong ginagawa ko dito?" Tanong ko

Binatukan naman ako ni C.

"Aray! Naman, bat ka ba nangbabatok jan ha! Candy!" Sigaw ko.

"Gaganess teh?, may amnesia am peg?" Sarkastikong sagot nito.

"Ano ba kasing nangyari!" Tanong ko

"Halata ba? Nasa ospital ka!" Sagot nito

"Bakit?"

"Shunga teh?" Tanong nito

"Isa pa sasabunutan na talaga kita," sagot ko.

"Ito naman si Ateng,galit agad?, try mo kaya alalahanin ang nangyari sayo!" Sagot nito.

Inirapan ko na lang siya at pilit na inaalala ang nangyari kahapon.

Ano nga ba nangyari kahapon?

Ang naaalala ko lang naman ay sinundan ko sina Derry at Carl papunta sa clubhouse nila, nagtago ako at di nagpikita sa kanila, Nandun si Ulan at nagusap sila ni Derry, tapos sinabi ni Ulan na kailangan niyang umalis ng bansa para sa safety ko. Kasi ayaw niyang saktan ako ng tatay niya.. tapos umiyak ako.... tapos....

"Oh my God! Nabunggo ako?!" Sigaw ko ng maalala ko ang nagyari sakin..

"Oh my God! Nabunggo ka?!!" Sigaw rin ni C, gaga talaga amg isang toh.

Ngayon siya naman ang binatukan ni Mike,

"Hay naku C,ang ingay mo" saway sa kanya ni Mike.

"Alam niyo,umabas muna tayo guys, kailangang magpahinga ni Mae,at kailangan niya ring mapagisa ," sabat naman ni Derry.

Tama si Derry, kailangan ko ngang mapagisa.

At sabay sabay silang nagsilabasan.

Magisa na lang ako ngayon dito sa kwarto. Huminga ako ng malalim, asan na kaya si Ulan? Bat wala siya dito? Di man lang ba siya magpapakita sakin?,

Hanggang ngayon,hindi parin malinaw sakin ang lahat, una, bat siya aalis ng bansa?, pangalawa, bat di niya sinabi sakin ang plano niya?, at isa pa?, bakit ako sasaktan ng tatay niya?,anong rason? Sa panong dahilan?

napabugtong hininga ulit ako, nakaka stress naman tong mga pinag-iiisip ko,

Uupo sana ako kaso bigla akong nahilo, biglang namang  bumukas ang pinto at niluwa nito si Ulan,

Agad siyang lumapit sakin at tinulungan akong makaupo. Pagkatapos nun, matagal na katahimikan ang namagitan samin,

Nakaupo siya sa couch at nakatitig sakin ng diretso habang ako naman ay tahimik na pinaglalaruan ang mga daliri ko at patingin tingin kung saan saan,

"Sorry" malungkot sa sabi nito, hindi ako sumagot, tumingin lang ako sa malayo.

"Im sorry I didn't tell you," pagpapatuloy niya and again di ako sumagot, ano namang sasabihin ko?,

"Mae," saad niya sa ngalan ko sabay hawak ng kamay ko, naiiyak tuloy ako.

"Alam kong galit ka sakin, pero sana maintindihan mo, na kailangan ko tong gawin para sayo"

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko ay kusa na tong nagsilabasan.

"B-bat di mo sinabi sakin?" Tanong ko sa kanya sanay tingin sa kanyang mga mata.

"Kasi alam kong masasaktan ka," sagot niya.

"Bakit? Sa tingin mo ba pag di mo sinabi sakin magiging masaya ako?"

"I dont wanna hurt you"

"Pero sa ginagawa mo ngayon, nasasaktan na ako" sagot ko,sabay punas ng mga luhang patuloy na tumutulo sa mga pisngi ko.

"Kaya ba di ka nagpapakita sakin this past few days kasi nilalayuan mo ako? Ito ba ang paraan mo para di ako masaktan?, ni hindi ka sumasagot sa mga text at tawag ko,alam mo ba na halos mabaliw na ako kakaisip kung nasan ka?, halos magcamping na nga ako sa condo mo kakahintay lang sayo eh, pero umaga na hindi ka pa umuuwi!, alam mo ba kung gano ako nagaalala sayo ng sobra nun ha? Alam mo ba?" Di ko na talaga napigilan, sobra na, di ko na toh kaya, gusto ko siyang tanungin kung bakit siya aalis ng bansa pero hindi ko magawa, dahil wala na ata akong lakas pa para magsalita,

"Ipapaliwanag mo lang naman sakin kung bakit eh, para di na ako nagmumukhang tanga," pagpapatuloy ko.

"Im sorry, pero.... sa tingin ko mas, mabuti nang di mo malaman kung bakit, just promise me one thing,.......







Promise me.. that you'll wait for me."

Mas naiyak ako sa sinabi niya, ibig sabihin aalis nga siya, iiwan niya ako,.

hindi na siya nagsalita pa bagkus ay niyakap niya ako ng sobrang higpit,di ko rin naman napagilan at niyakap ko rin siya, Mahal mahal ko na siya, at ayoko siyang mawala sakin,

Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sakin, naramdam ko rin na hinalikan niya ako sa noo at unti-unti siya kumakalas sa pagkakayakap sakin, then he give me an assuring smile and then lumabas na siya ng kwarto.



Naiintindihan ko naman na ayaw niya akong masaktan,at ginagawa niya toh para sakin, pero sana malaman ko kung bakit..








To be continued

GIRLFRIEND FOR HIREWhere stories live. Discover now