chapter 31

2.4K 77 4
                                    

(R's POV)

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko.

Tatayo sana ako ng maramdaman kong parang may nakayakap sakin.

Tinignan ko ang katabi ko at nakita ako ang mala angel na mukha ng babaeng mahal ko..hehehe

Ang sarap sa feeling na pagkagising mo, mukha niya agad ang tatambad sayo.

Kasalukuyan kaming nandito sa condo ko, dito nga pala kami nakatulog kagabi, pero wag kayong green guys ha', wala kaming ginawang masama, natulog lang kami. Baka kasi mamaya isipin niyo,ginawa na namin ang di dapat gawin,.. hehehe excited??

Humarap ako sa kanya at tinitigan ko ang mukha ni Mansanas,mula sa mga mata niyang nakapikit, matangos niyang ilong, makinis niyang mukha at sa mapupulang labi niya., ang Ganda niya, ako na ata ang pinakamasayang lalaki ngayon sa buong kalawakan!!!.. di ko akalain na matititigan ko siya ng ganto kalapit, ang cute niya..

Hinawakan ko ang isang kamay niya at nilagay toh sa mukha ko, ang lambot ng kamay niya, buti na lang si Mansanas ang tipo na pagkatulog ay di agad nagigising, inalis ko na ang kamay niya at hinalikan siya sa noo, at inalis ang pagkakaunan ng ulo niya sa braso ko.. pagtayo ko ramdam ko ang pangangalay nito pero ok lang, worth it naman ehh, basta kay Mansanas, Okey lang :)

Bago ako bumaba, dumiretso muna ako sa cr para gawin ang mga morning rituals. Pagkatapos nun bumaba na ako at dumiretso sa kitchen, nagluto ako ng pancakes para sa breakfast namin ni Mansanas, pambawi lang toh sa pamimilit ko sa kanya kagabi, pinilit ko kasi siya na magstay muna dito sa condo ko kagabi, ang sabi ko dito na lang siya matulog kaya ayun... kahit na magkatapat lang ang condo namin, gusto ko parin na makita siya parati..hehehe..

(A's POV)

Nagising ako sa isang di pamilyar na kwarto, tinignan ko ang paligid at....

WAAHH!!

Agad akong napaupo sa kama at tinignan ang suot kong damit.. wala namang nagbago' yun parin naman ang damit ko.. HAY' akala ko talaga may nangyari na samin ni Ulan', speaking of Ulan?, asan ba siya?

Lumabas ako ng kwarto niya at agad siyang hinanap..bumaba ako. At tinignan sa living room pero wala siya run dumiretso ako sa kitchen at dun ko siya nakitang nagluluto..

Napangiti naman ako habang tinitignan siya, ang cute kasi niyang tignan, sumandal ako sa may sa ref na siyang katabi ko lang at pinagmasdan ko siya.Ngayon ko lang narealize na ang gwapo pala niya kahit na nakatalikod lang, likod pa lang niya ulam na!!, hahaha ano ba tong pumapasok sa isip ko', nakakaloka!!.

Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa humarap na siya..

"Goodmorning!" Bati ko sa kanya.

"Goodmorning rin ^^ kanina ka pa?" Tanong niya.

"Hindi naman" sagot ko saka naupo sa isang upuan..

"Ah"

"Ang aga mo naman ata nagising?," tanong ko sa kanya habang inilapag niya ang mga niluto niyang pancakes sa table.

"Syempre, gusto ko ipaghanda ng breakfast ang girlfriend ko ehh," sabi niya sabay lagay ng isang pancake sa plato ko.

"Wow' ang sweet naman" sagot ko " may chocolate syrup ka ba?"

Tinignan niya naman ako.

"Meron, nandun sa ref,.bakit?" Tanong niya.

"yes!," sabi ko sabay tayo at punta sa ref..

Pagkakuha nun, nilagyan ko agad nun yung pancakes ko tyaka ko kinain.

Habang kumakain ako, nahalata ko na nakatitig lang sakim si Ulan.

"May dumi ba sa mukha ko?" Tanong ko sabay punas ng mukha.

"Hahaha, wala' ang weird mo lang tignan, ngayon ko lang kasi nalaman na pede rin pala ang chocolate syrup sa pancakes" sagot niya.

"Hahah weird right?,actually, imbento ko lang toh eh" sagot ko..

Tumango tango lang siya at nagpatuloy na lang sa pagluto ng iba pang pancakes.

Sumubo ako ng pancakes, ang sarap palang magluto ni Ulan ng pancakes, sabayan pa ng masarap na chocolate syrup,, ay!! HEAVEN!.

Pinagmasdan ko lang ulit si Ulan, grabe ganto ba talaga ako kaswerte? Hindi lang talaga ako makapaniwala na ang isang tulad ni Ulan na, gwapo, matalino,gentleman, at mabait ay boyfriend ko ?? Dati, halos arte lang ang ginagawa namin sa harap ng maraming tao, ngayon, totoo na, dati parang panaginip lang ang mga toh, ngayon totoo na pala', at hindi lang yun, hindi ko rin lubos akalain na mamahalin ako ng lalaking toh.. sobtang saya lang sa pakiramdam.

"Oh' anong tinutunga tunga mo jan ha?" Tanong niya sabay tabi sakin

"Ahm, wala lang, napagisip isip ko lang kasi, dati, parang sa panaginip lang ang lahat ng toh, ngayon totoo na," sabi ko.

"Hahaha, oo nga noh!" Sagot niya.

"Ulan!" Tawag ko sa kanya.

"Hm?"

"Mahal mo ba talaga ko? Kasi parang panaginip lang toh ehh" sabi ko sa kanya.

Hindi siya sumagot, pero nabigla na lang ako ng unti unti niyang inilapit ng mukha niya sa mukha ko, hanggang sa mag lapat ang mga labi namin, Nanlaki naman ang mga mata ko sa pagkakagulat habang ang bilis bilis naman ng tibok ng puso na halos lumabas na..

Naramdaman ko ang kamay ni Ulan sa likod ng ulo ko at mas itinulak ito papalapit sa kanya and the kiss deepen, napapikit ako and i feel butterflies in my stomach,.mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko ng maramdaman kong gumalaw ang mga labi ni Ulan,. I kiss him back.

Nang humiwalay siya sakin, isinandal niya ang noo niya sa noo ko.

"Mahal kita' ano ka ba? sa tingin mo ba kung di kita mahal,ma-a-atempt kong halikan ka kahit alam kong di kapa nagto-toothbrush?"

Natawa na lang ako sa kanya...

Ito talagang lalaking toh' Mahal mga talaga ako nito. :D

To be continued

GIRLFRIEND FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon