chapter 10

4.4K 115 3
                                    

(R's POV)

nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko at nagaayos, excited na naman ako sa pupuntahan namin ni Mansanas saan kaya kami pupunta?

lumabas na ako ng kwarto pagkatapos ko magayos at inabangan si Mansanas na lumabas sa kwarto niya, pero nabigla ako ng lumabas siya ay may dala siyang BAGPACK? at parang ang daming atang laman?

"Mansanas? bat ang dami mong dala?"tanong sabay turo dun sa bagpack niya.

"ahh,ito ba? sa tingin ko kasi medyo mababasa at magagabihan tayo kaya nagpasiguraso na ako ng damit incase of emergency, magdala ka rin!" sabi niya sakin.

" at isa pa,di muna tayo uuwi ha! baka mga dalawang araw tayong nasa lakwatsyahan, at ayoko ko rin muna makita ang mukha ng matandang nyan!" saad niya sabay lingon dun sa kanan ng kwarto niya habang nakanguso

(     --3--)

sinundan ko naman yung tinitignan niya at nakita ko si tito Robert na kausap ang isang maid dun,

"oh, bilisan mo na para madami tayong mapuntahan."

agad naman akong tumakbo sa kwaryo ko at kumuha ng ilang mga gamit sabay lagay ng mga toh sa bagpack ko,ayan ang ready to go na.

"tara na!" pagaaya ko kay Mansanas pagkalabas na pagkalabas ko ng bahay.

pagkalabas namin nang gate ng bahay ay nabigla na lang ako ng sumakay si Mansanas sa isang kotse.

"teka?kaninong kotse yan?" tanong ko sa kanya

" halata ba? edi sakin" sagot nito

" sayo?" --__^??

" ay hindi, sayo " mapang asar na sagot niya sakin,

toh talaga kahit kaylan pilosopo masyado.--_____--

"panong naging sayo?" tanong ko

" kasama toh ng bumili ako ng bahay sa maynila, di ko nga lang nagagamit kaya pinahiram ko muna sa isang kaibigan at para na rin di makita nung matandang hudas" sagot niya.

"ahh--"

"oh!tara na, pumasok ka na, matagal tayo masyado gumalaw ganun? bilisan mo na! baka makita pa tayo ng matandang hudas!" pag aaborido niya habang nilalagay ko ang bag ko sa likod ng kotse.

kita mo toh, kagabi parang batang iyak ng iyak tapos ngayon naman parang matandang nagaaborido. Werdo masyado ang babaeng toh.

tahimik lang kami ni Mansanas habang nasa byahe, di ko rin alam kung san kami pupunta basta ang alam ko magiikot kami dito sa Bicol.

nasira lang ang katahimikan ng biglang tumunog ang cellphone ko.

tinignan ko kung sino ang tumatawag at nagulat naman ako dahil ang tumatawag ay si Lyka, ano naman kaya ang kailangan nito? agad ko namang sinagot.

"hello?"

wala namang sumasagot.

"hello?" tawag ko ulit, pero wala namang sumasagot,nang titrip ba tong si Lyka o ano?

"kung wala kang sasabihin ibababa ko na toh!, istorbo!" sabi ko sabay baba ng nito, pero bago ko tuluyang maibaba ang cellphone ko narinig ko siyang nagsalita pero di ko na masyadong binigyan ng atensyon yun baka guni guni ko lang.

hindi ko nga rin alam sakin kung bakit bigla akong nainis kay Lyka, kasi alam ko sa sarili ko na hanggang ngayon ay gusto ko parin siya,pero bat ganun na lang ako? Siguro sobra lang talaga akong excited sa pamamasyal at ayaw long may makaistorbo samin, medyo paakyat ata yung lugar na pupuntahan namin ni Mansanas halos bundok lahat ang nakikita ko ehh.. pagdating namin dun.

GIRLFRIEND FOR HIREWhere stories live. Discover now