Chapter 4

1.3K 95 1
                                    

Three days later...

" Karen, ano may dumating na bang sulat?" Tanong ni Maila

" Wala pa po, Milady."


" Ilang days ba bago dumarating ang mga sulat galing sa Baroon noon?"



" Pagkapadala ng sulat ay mga 3-5 days po bago kayo makatanggap ng tugon, Milady."


3-5 days? Sobrang layo ba ng bahay ng Baroon para umabot nang ganun katagal?



" I shall wait then..." Kung ganun ay may 2 araw pa akong hihintayin. 3 araw na rin ang nakalipas nang ipadala ko ang sulat. Imposibleng hindi pa niya ito nababasa hanggang ngayon.


2 days later....

" Karen? Wala pa bang dumarating na sulat?"



" Patawad po Milady ngunit wala pa rin pong dumarating hanggang ngayon."


" Bakit ganun? Akala ko kada 3-5 days dumarating ang sulat. Bakit hanggang ngayon ay wala pa?"

" Hindi ko rin po alam Milady, sa palagay ko ay nadelay lamang ito."


" Sigurado ka ba na naiparating mo ito sa mensahero?" Tanong ni Maila.


" Opo, Lady Iris. Sinigurado ko po na yung dating mensahero na kung saan madalas sa kaniya tayo nagpapadala ng mga sekretong liham ninyo ipinaubaya ang misyong ito."


" Kung ganun ay bakit wala pang pinapaabot na sagot ang kabilang panig?



" Ako rin po ay walang ideya. Milady, mas mainam po siguro ay maghintay pa po tayo ng ilang araw. "
Suhesyon nito.


I can't wait! Lalo na kung may timeline akong sinusunod. Malapit na ang ball. Kung hindi ko matanggap ang kaniyang reply bago ang grand welcome ball ay... Argh! Ayokong isipin.

Napansin ni Karen ang hindi mapakaling ekspresyon ni Maila. "Milady, darating din po ang liham na hinahantay ninyo. Huwag na po kayo mangamba."



Maila sigh.


Okay, I'll wait for a few days but if I haven't receive any letter then I don't have a choice but to go by myself.



Three days later...



"Karen?" tawag ni Maila sa kaniyang personal maid.



Umiling naman si Karen, tanda na wala pa ring dumarating na sulat.


" Isang linggo na ang nakalipas pero bakit wala pa rin...." kinakabahan kong sabi.


2 days later...


" Karen!"


" Yes, Milady?"


" I saw Butler Oscar is carrying a tray of letters outside the mansion. Go and check it. Baka napasama dun yung letter. Mahirap na baka may ibang tao ang makakita nun."


" Yes, Milady."



Agad na lumabas ng silid si Karen at patakbong nilandas ang daan pababa ng mansion. Nangmakababa ay agad na hinanap ng mata nito ang Butler, nakatalikod na ito papunta sa west wing ng mansion habang bitbit nito ang tray ng mga sulat.


" Butler Oscar!" tawag nito sa atensyon ng butler. Napahinto naman ito at humarap sa direksyon kung nasaan nanggaling ang boses.



" O, Karen. Bakit tila humahangos ka?" tanong ng butler.


I Saw The Ending | The World Of A Novel SeriesDove le storie prendono vita. Scoprilo ora