Chapter 22

1.1K 96 23
                                    

A/N: Chapter 22
Disclaimer: I will use the real name of our female lead in this chapter. " Maila" is her real name. Para di niyo makalimutan na si "Iris Medea Villamore ay si "Maila Oliveros".

I'm just reminding you to avoid confusions.😉

---

Pagkatapos nang nangyaring paguusap nina Maila at Sir Kyle ay naghiwalay na sila ng direksyon.


Patungo na ngayon sina Maila at Karen sa isang restaurant ng may makasalubong silang isang negosiyanteng kanina pa nag tatawag ng mga kustomer upang bilhin ang kaniyang paninda ngunit kahit isa ay walang huminto upang bumili ng mga ito.



" Bili na po kayo ng keso de bola, murang mura lang! Wala na kayong mahahanap na magandang kalidad na keso na bagsak presyo kundi dito lang! Kaya bumuli na kayo!"



Ngunit kahit isa ay walang huminto upang bumili sa kaniyang produkto.



Lalampasan na sana nila Maila ito nang makita siya ng negosiyant. Agad siya nitong nilapitan at sinubukang bentahan ng paninda nito. " Bili na kayo ng Keso magandang binibini. Murang-mura lang ito. Bagsak presyo na para sayo." sabi nito.



" Hindi po kami interesado." sabi ni Maila.



" Sige na po, bilhin niyo na po. Itong tatlong keso de bolang ito ibigay ko na lang po sainyo sa presyong 5 silver coins." pagkukumbinsi nito.


Ngunit umiling si Maila. Ano naman ang gagawin ko sa keso? At tyaka sigurado ako na may mga stocks pa ngayon sa mansion niyan, sa isip nito.


Agad na sumingit si Karen sa pagitan ng dalawa ng ipilit pa rin nitong bentahan ang kaniyang binibini na si Lady Iris. "Pasensya na po ngunit hindi po interesado ang aking binibini sa itinitinda ninyo."



Dahil dun ay tumigil na ito sa pangungumbinsi kay Maila. Nakita ni Maila na nagbago ang expresyon nito, napalitan ng pagkabahala at pangamba. " Paano na'to, wala pa akong nabebenta kahit isa sa mga ito. Isang kaban pa naman ng keso de bola ang nakastock sa bodega ko. Kung parating ganto ay mapapanis at masisira ang mga ito kung hindi maubos. Masasayang lang ang pinangpuhunan ko dito." mahinang sabi nito.



Nang marinig yun ni Maila ay naawa ito sa ginoo. Nagtataka siya sapagkat bagsak presyo na nito ibenebenta ang tatlong keso de bola. Talagang malulugi ito kung ganun nito ibebenta ang keso. Kung ibebenta kasi iyo sa tunay na halaga ay dapat umabot sa 15 silver coins ang halaga nito.



Nacurious naman si Maila kaya tinanong nito ang ginoo. " Ano po ba ang nangyari?"



Napahinga naman ng malalim ang negosiyante. " Noong nakaraang taon kasi patok ang keso sa mga mamimimili kung kaya't nagadvance na akong mag order ng stocks ko para sa taong ito. Niramihan ko ang ginawa kong pagorder sa pagasam na maraming bibili nito, subalit dahil sa pabago-bago ng panahon hindi ko ienexpect na tataas ang teperatura at magiging maalinsangan ngayong taon. Nangangamba ako na baka isa-isang masira ang mga ito. Hindi ko na maibalik pa sa pinagbilihan ko sapagkat pati sila ay malulugi din at ayaw na rin nilang tanggapin. Ang totoo nga niyan palugi ko na rin itong ibenebenta. Bagsak presyo na para kahit papaano ay may maibalik pa saakin ngunit mukhang malabo ko itong maubos."


Malaki ngang problema iyan, sa saisip-isip ni Maila. Napaisip naman siya bigla. Kung gamitin niya kaya ang nalalaman niya sa advertising. Total, ang kinuha naman nitong kurso ay business ad, magandang mapakinabangan ito habang andito siya sa mundo ng kwento.



" Gusto niyo po ba talagang maibenta ang lahat ng paninda niyo?" tanong ni Maila.



" Aba oo naman! Gagawin ko ang lahat maibenta lang ang mga ito." tugon ng negosiyante.



I Saw The Ending | The World Of A Novel SeriesWhere stories live. Discover now