Chapter 11

1.2K 99 11
                                    

Enjoy reading...



Nakaupo si Maila sa harap ng salamin at pinagmamasdan nito ang kabuoang itsura niya. Her hair was in a high bun braded style, exposing her fair long neckline and bare delicate shoulders. She's wearing the cream gown she personally request to Sir Mercedez and it was perfectly fit in her, emphasizing the curves of her body. She really looks like a real noble now, she thought to herself.





Katatapos lang siyang ayusan ng mga maid at pagkatapos siyang ayusan ay pinayagan na ni Maila na magpahinga na ang mga ito kaya ang naiwan na lamang sa loob ng silid ay si Maila, ang personal maid nitong si Karen at ang personal Knight naman nitong si Sir Kyle na nagbabantay ng pinto ng kaniyang silid. Silang tatlo ay handang-handa na para sa kanilang dadaluhang night Ball na gaganapin sa palasyo.




Dumating na kasi ang araw na kinakatakutan ni Maila. Ang araw kung kailan magaganap ang pagpatay kay Iris na siyang karakter niya sa istorya.




Inhale..... exhale....



Inhale.....exhale




Kanina pa may naririnig si Maila na nagbubuntong hininga sa tabi niya.
Nang tignan nito ang repleksyon ni Karen sa salamin, nakita nitong paulit-ulit itong nagbubuntong-hininga.




" Hey, Karen..." tawag ni Maila sa atensyon nito.




Agad naman napatingin si Karen sa repleksyon ni Maila sa salamin. " Yes,Milady?" she breathlessly said.





" Kanina ka pa nagbubuntong-hininga diyan. Di ka ba makahinga? May masakit ba sayo?" nagaalalang tanong ni Maila.




Umiling naman si Karen habang pinaglalaruan nito ang mga daliri nito sa kamay " Okay lang po ako, Lady Iris. K-kinakabahan lang po ako." nahihiyang sabi nito.




Napatingin naman si Maila sa mga kamay ni Karen at napansin niyang nanginginig ang dulo ng mga daliri nito.




Hinawakan ni Maila ang nanginginig na kamay ni Karen. " Relax okay." and she squeeze her hand to help her calm down.




" Look, I don't want to pressure you, but I want this plan to be successful so stay focus. If anything goes wrong....." napalunok si Maila nang maisip ang kahihinatnan nito.



"...we're doomed." pagtutuloy nito.




" Normal lang kabahan pero huwag mong hayaang kainin ka ng kaba okay? Kaya natin 'to! Dapat nga ako yung mas kabado dito eh." Pang-aasar ni Maila bago natawa. Tinapik-tapik nito ang kamay ni Karen upang gumaan ang loob nito.




Nagpapout naman si Karen bilang tugon pero sa huli ay sinabayan na rin niya ang pagtawa ni Maila.



Maya-maya ay may kumatok sa pintuan ng silid. Agad naman itong pinagbuksan ni Sir Kyle.




Pagbukas nito ay bumungad ang kapatid ni Lady Iris na si Lord Leo Moris. Nang pumasok ito ay napatingin ito sa lalaking nagbabantay sa pintuan. Nakilala nito ang ginoo at tinignan nito nang may halong pagtataka. "Kyle, what are doing here?" Tanong ni Leo sa kaniya.




" Milord..." pagbibigay galang nito at tumungo.




"... Nandito po ako upang bantayan si Lady Iris." diretsong sagot nito. Leo's eyebrow creased.





Agad namang napatayo si Maila nang mapansin ang katanungan sa mga mata ni Leo. " Brother...." Pagtawag nito sa atensyon ni Leo. Naglakad si Maila papalapit kay Leo habang naka sunod naman si Karen at pareho silang nagcurtsy.




I Saw The Ending | The World Of A Novel SeriesKde žijí příběhy. Začni objevovat