Chapter 18

1K 79 20
                                    

Enjoy Reading...💜

Third Person POV:

" Sabi ng mga nakasaksi di umano, nagkaroon daw muna kayo ng hindi pagkakaunawaan bago ang nangyaring komprontasyon sa pagitan ninyong dalawa." Tanong ni Inspektor Macalanda.



Mahina namang napatango si Maila upang kumpirmahin ito.




" Maaari mo bang ikwento saamin ang nangyari." maingat na tanong ni Inspektor Macalanda.




Tumango si Maila pagkatapos ay nagumpisang na itong ikwento ang mga pangyayari.




Nakikinig ng husto si Inspektor Macalanda at tini-take note nito ang bawat mahahalagang detalye na sinasabi ni Maila. Sa kabilang banda, matamang inoobserbahan ni Inspektor Tianco ang mga kinikilos ni Maila na siyang nakaapekto sa pagsasalita nito. Hindi maiwasang ma-utal ni Maila habang siya ay nagkwekwento dahil sa mga matang matalim kung tumingin sa kaniya. Ang kabadong kilos ni Maila ay hindi nakalagpas sa mapangmatang si Inspektor Tianco.




Napangisi ang Inspektor dahil dito. " Mukha po kayong kinakabahan binibini. Kaya niyo pa po ba?" bwelta nito.




Napatigil naman sa pagsasalita si Maila at nalipat ang tingin sa Inspektor.





Napakunot noo naman si Lord Leo sa pagsingit ng Inspektor.




Napainhale ng hangin ang binibini bago ito nakapagsalita. " Kaya ko." pagsisigurado nito bago binalik ang tingin sa kausap kanina. " Pasensya na kayo Inspektor Macalanda. First time ko lang kasing maranasan ang ganito kaya medyo kinakabahan ako." dugtong ng binibini.





Ngumiti naman si Inspektor Macalanda upang pagaanin ang loob ng binibini. " Normal lang pong kabahan, Lady Iris. Hindi lang naman po kayo ang mga nainterview namin na kinakabahan eh. May mga nainterview pa nga po kaming mga maharlika na nawawalan ng malay dahil sa kaba. Huwag po kayong mag-alala, malinaw niyo naman pong naisisiwalat ang mga detalye, ngunit sa tingin ko ay may mai-i-improve pa kayo kung aalisin niyo ang kaba sa isipan niyo. Subukan niyo po huminga ng malalim ng tatlong beses."




Sinunod naman iyon ni Maila.





" Sa ginagawa mo Inspektor Macalanda, talagang hindi matatakot ang mga kriminal na magsinungaling." bulong ni Inspektor Tianco sa kasamahan.





" Hindi sa lahat ng oras ay kailangang gumamit ng pananakot at dahas Inspektor Tianco. Hindi tayo nagpunta dito upang mag-akusa na walang batayan. Andito tayo para magimbestiga." bulong ni Inspektor Macalanda pabalik.




" Bahala ka sa diskarte mo, Inspektor Macalanda. Basta huwag mong pakikielaman ang panggigisa ko ay wala tayong magiging problema." sabi nito.




Napailing na lamang dun si Inspektor Macalanda.





" Okay na po ako. Maaari na nating ituloy ang interogasyon." sabi ni Maila na ngayon ay mas kalmado na kumpara kanina.





Binalikan ng mga inspektor ang
isiniwalat nito tungkol sa nangyaring pagtapon ng wine ng biktima sa kaniya.





" May alam ka bang dahilan kung bakit ka nito tinapunan ng wine?" tanong ni Inspektor Macalanda.




Umiling si Maila. " Hindi ko rin po alam, basta lamang po siya huminto sa harap ko at--"




" Baka naman 'hindi sinasadyang' matapunan ka niya ng wine?" suhestyong tanong ni Inspektor Tianco.





I Saw The Ending | The World Of A Novel SeriesWhere stories live. Discover now