Chapter 24

1.2K 111 54
                                    

A/N: Dear readers, pasensya na kayo at ngayon lang ako nakapagupdate. Almost 2 months akong hindi nakapagupdate sa kadahilanang sabay-sabay lahat ng school works, finals at thesis. Nung January sana mag uupdate ako, tapos ko na ang first half ng chapter 24 nun, kaso nagkasakit si author kaya natigil ulit. Tapos nung maging okay pakiramdam ko tyaka naman nagfinals so ngayon 20 lang lumuwag luwag ang schedule kaya naisipan ko nang magupdate. I don't have plans of dropping this story. I will make sure to make an update whenever I am free. Thank you for supporting my story. Love ya'll!
----

Maila's P.O.V


" Hindi pa rin talaga ako makapaniwala!"





Ani ni Karen habang inaayos ang aking kama.




Nakauwi na kami sa mansyon at kasalukuyan nitong inaayos ang aking higaan dahil oras na ng aking pagtulog.




" Si Sir Kyle na isang knight, kasapi ng mga bandido, mahabagin!" nangingilabot na sabi nito.




"sshh...don't say that out loud! Baka may makarinig sayo." saway ko habang sinusuklay ang aking buhok.



Agad naman itong napatakip ng bibig. " Paumanhin, Milady."



"Pero hindi po ba kayo natatakot, Milady? Na ang isang knight na naglilingkod sa pamilya ninyo ay kasapi ng mga bandido?"




Naptigil ako sa pagsusuklay.



"...Paano po kung nagbabalak na po pala sila ng masama laban sa pamilya niyo? Hindi po ba na mas magandang ipagbigay alam natin ito sa mahal na Duke---?"




Malakas kong ibinagsak ang kamay ko sa aking vanity table na ikinagulat ni Karen. " L-Lady Iris?"




" How could you say that, Karen?!" tinignan ko ang reflection niya sa salamin sa harap ko.




" Despite of his age he became the best warrior among the Villamore knights. He pledge his loyalty to the family and He became best friends with my brother. He is also one of the trusted knights by the Duke himself. By saying that he's plotting against our family means you are questioning the Duke's judgement of character, is that it?"




Agad na napailing si Karen, magsasalita na sana siya ng pinutol ko ang sasabihin niya.



" One more thing..."



" Kunag may balak silang masama sa pamilya namin, edi sana matagal na nilang ginawa..."




" Patawarin niyo po ako sa mga sinabi ko, Milady."




Napapikit ako at kinalma ang sarili ko. " Ang akin lang....




"....maayos tayong pinakitunguhan at inasikaso ng mga residente roon tapos pagsasabihan mo sila ng ganun. If you were them? Inasikaso mo sila, pinakain tapos makakarinig ka ng ganyan na salita galing sa kanila, anong mararamdaman mo?"




Napatahimik si Karen.





" Tinatanong kita, Karen. Anong mararamdaman mo?" pagulit ko.





" M-Magagalit po." nahihiyang sabi nito.





" Exactly!" sabi ko.





I inhaled and pinch the bridge of my nose.


" Listen..."



" Mga ilang buwan tayo mamamalagi sa lugar na yun kaya dapat marunung tayong makisama at makipagkapwa tao sa kanila. Hindi porke ganun ang pamumuhay nila eh huhusgahan na natin sila. Gusto kong makuha ang buong tiwala ng mga mamamayan dun at magagawa ko lamang yun pag tinignan natin sila ng pantay sa mga mata natin." turan ko.




I Saw The Ending | The World Of A Novel SeriesWhere stories live. Discover now