Chapter 25

740 58 12
                                    

Dogde...

Dodge...


Ducked



Dodge...


Dod--


Arrgh!



Inda ko ng sakit ng tamaan nanaman ako ng arnis sa braso.



"One more time!" sigaw nito. Agad naman akong bumalik sa fighting position at kami ay nagsimulang muli.


"Ouch!"



" Awwsst!"



" Oofffhh!"




" Aishh!" napasalampak na lang ako sa damuhan habang hawak-hawak ko ang balikat ng tinamaan ng arnis. Phew, magpapasa nanaman 'to panigurado.




" We're not done yet! Stand up!" seryosong utos ni Sir Kyle. It's been 3 days since nagumpisa kaming magtraining and parang in the game talaga siya. Super focus niya at strikto. Nakakaintimidate nga minsan kalerks!




" Sandali nga muna, pwede bang time-out muna? Ang sakit na ng buong braso ko kakasalo ng mga strikes mo!" reklamo ko. Langyang 'to, sabi ko totohanin niya ang training pero di ko sinabing lakasan niya bawat palo niya. Totoong sakit yung iniinda ko kada tinatamaan ako ng arnis, grabe!



"Hindi niyo ho ako madadala sa kakaganyan ninyo, Milady! 3 days pa lang ho tayo nageensayo sumusuko na kayo agad." sabi nito.



Aba't--



Nagusok naman ang ilong ko ng marinig ko yun. " Sabi ko time-out! Magkaiba definition nun sa pagsuko! Echoserang 'to..." bulong ko sa dulo.




" Noong ako ang nasa kalagayan niyo hindi ako tumigil upang matuto... Blah...blah...blah..." Heto nanaman po siya't nagre-reminisce sa nakaraan niya bilang isang knight...lumingon ako sa kabilang side at nagmake a face habang nagsesermon nanaman ito. Akala niya siguro nagiinarte ako. Hmmp!




Napailing na lamang ito at nilapitan ako. Naramdaman kong yumuko siya sa tabi ko at nilapag ang arnis sa damuhan. Nagulat na lang ako ng alisin nito ang kamay ko sa balikat kong tinamaan ng arnis kanina. Itinaas nito ang manggas ng damit ko at inusisa ang parte ng balikat ko.




Nanguno't ang noo nito ng makita niya na puro pasa ang balikat ko bago binalik ang tingin sa akin. Nakita niya ang gulat na espresyon ko, tiyaka niya na realize ang ginawa niya. Dahan-dahan nitong binaba ang manggas ko at bahagyang lumayo.



He cleared his throat..." Paumanhin po sa aking inasal...." seryosong sabi nito. "Hindi ko dapat ginawa iyon ng walang pahintulot ninyo. Nawala po sa isip ko na isa kayong binibini, nasanay ho kasi akong puro kalalakihan ang aking nakakahalubilo dahilan upang makalimutan ko---" napahinto siya at mariin na napapikit. " Ano mang parusa na ipapataw ninyo ay tatanggapin ko." mabilis nitong paghingi ng tawad.



Nung-una finifigure-out ko pa kung anong tinutukoy niya, saka ko narealize nang nakita kong kinuyom nito ang kaniyang palad. Napatingin ako sa kaniya at bumungad ang  nakayuko nitong ulo, dumako ang tingin ko sa kaniyang tenga at nakita ko itong namumula kaya naman ay napatawa ako. Sagrado nga pala ang anomang klaseng paghawak sa babae dito ng walang pahintulot ng dalaga, lalo na kung hindi kayo magkasintahan.


Napaangat naman ang tingin niya ng marinig niya ang aking pagtawa.




" Forget it." sabi ko at tinap ang balikat niya bago tumayo at pinagpagan ang damit ko.




I Saw The Ending | The World Of A Novel SeriesWhere stories live. Discover now