1

2.1K 59 2
                                    

"THIS is going to be a great day," sabi ni Jucylle habang nakatingin sa repleksiyon niya sa full-length mirror. Handa na siyang pumasok sa eskuwelahan.

Paggising kaninang umaga ay mabilis na mabilis ang tibok ng kanyang puso. She was very anxious. Pakiramdam niya ay hindi magiging maganda para sa kanya ang araw na iyon. It was Monday.

Pinakatitigan ni Jucylle ang mukha sa salamin. Alam niyang hindi siya maganda. Alam din niyang hindi siya pangit. She was somewhere in between. Sa ibang salita, ordinary-looking siya, average, generic, at hindi pansinin. Her height was five feet flat. Her eyes were the darkest brown they were almost black. Her nose was okay. Halos lahat ng parte ng kanyang katawan ay okay. Maliban na lang ang natural na unat na unat at itim na itim niyang buhok. Hanggang balikat lang iyon at simple ang pagkaka-layer.

She was seventeen and a second year BS Biology student. Gusto niyang maging doktor katulad ng kinikilalang mga magulang. Ang kanyang ina ay isang obstetrician-gynecologist. Ang kanyang ama naman ay isang cardio-thoraco surgeon. Parehong magagaling na doktor ang mga ito.

Bata pa lang ay alam na ni Jucylle na ampon siya. Hindi iyon itinago ng pamilyang nag-alaga sa kanya. Kapapasa lang ng kinikilala niyang ina na si Mommy Eve sa medical board exam nang matanggap ito sa isang twenty-four hour medical clinic at diagnostic center noon. Dahil gusto talagang maging obstetrician, lagi itong tumutulong sa isang OB-consultant ng clinic tuwing wala itong pasyente.

Nagkaroon ng depressed pregnant patient case ang OB, isang sixteen-year-old girl. Depressed dahil hindi ito pinanindigan ng boyfriend at dahil hindi gusto ng teenager ang batang nasa sinapupunan. Sa hindi malamang dahilan, nagkaroon ng attachment ang kanyang kinikilalang ina sa teenager. Inintindi nito ang bata at hindi hinamak.

Nasa ikatlong buwan na ng pagbubuntis ang teenager nang isugod sa clinic dahil sumakit ang puson. Nalaman ng kanyang Mommy Eve na uminom ang teenager ng pampalaglag. Kaagad itong dinala sa ospital kung saan naka-duty ang OB nito. Nailigtas ang bata sa sinapupunan ng teenager. It was actually some sort of a miracle.

Kinausap ng kanyang Mommy Eve ang teenager. Kung ayaw raw nito sa bata, ibigay na lang sa kanyang ina. Alagaan lang daw nito ang bata habang nasa sinapupunan at si Mommy Eve na ang bahala pagkaluwal sa sanggol. Sumang-ayon kaagad ang buntis na teenager.

Nang ipanganak ang sanggol, umasa si Mommy Eve na kapag nakita ng teenager ang anak ay magbabago ang isip nito. Nabigo si Mommy Eve. Isang linggo pagkapanganak ay ibinigay sa kanyang ina ang isang malusog na sanggol na babae. Pinangalanan nito ang sanggol ng "Mary Jucylle." Siya iyon.

Inalagaan siya ni Mommy Eve na parang isang tunay na anak. Pati ang mga magulang at kapatid nito ay tinanggap siya at kinagiliwan. Kahit abala sa pagiging doktor ay hindi nito pinabayaan ang pagiging ina sa kanya. Minsan, kahit kauuwi lang ni Mommy Eve galing sa duty ay tumutulong pa ito sa kanyang mga assignment. Kahit kailan, hindi napagod ang mommy niya pagdating sa kanya.

Kahit kailan din ay hindi nagalit si Jucylle sa tunay na ina. Hindi siya tinuruan ni Mommy Eve na magalit sa babaeng nagluwal sa kanya. Ang lagi na lang niyang iniisip ay hindi lang siya ang produkto ng teenage pregnancy sa mundo. Naiisip din ni Jucylle na siya na ang pinakamasuwerte sa lahat ng produkto ng teenage pregnancy. Normal siya kahit na sinubukan siyang ipalaglag. Maayos ang buhay niya. Nakapag-aral siya sa magagandang eskuwelahan mula pagkabata. She was loved. Most of all, she had the best set of parents.

Limang taong gulang na si Jucylle nang makilala ng kanyang ina si William Stevens, isang magaling na siruhano. They instantly fell in love. Hindi nito pinansin na may excess baggage ang kanyang ina. Minahal din siya ni William na parang tunay nitong anak. Her adoptive father was sterile and her adoptive mother didn't care.

Teenage Love Story / Love of My Life SAMPLEWhere stories live. Discover now