3

977 50 1
                                    

BY SOME miracle, Arkin's parents were home and joined him for dinner. They were eating at a very elegant dining room. They were quiet and overly formal. It was worse than dining alone.

Oras na ng dessert nang basagin ng kanyang ina ang katahimikan. "Don't forget that we're attending Doctor Stevens' party on Saturday," sabi ng kanyang ina sa kanyang ama.

Tumango lang si Martin. That caught Arkin's interest. Iilan lang ang "Dr. Stevens" sa Pilipinas at alam niyang magkakamag-anak ang mga ito. Sigurado siyang kamag-anak din ng mga ito si Mary Jucylle Stevens.

"Sinong Doctor Stevens, Mom?" tanong niya.

"Doctor Thomas Stevens. He's celebrating his birthday on Saturday."

"Can I go?" Lolo ni Jucylle si Dr. Thomas Stevens. Siguradong dadalo ang babae.

Napakunot-noo ang kanyang ina. "You hate those kinds of parties, Arkin. You said they were stuffy. Why the sudden interest?"

"I'm sort of friends with his granddaughter."

"Doctor William's daughter?" tanong ng kanyang ama.

Tumango si Arkin. Si Jucylle nga lang pala ang apong babae ng matanda.

"Your late grandfather was good friends with the Stevens. Malaki ang utang-na-loob ko kay Doctor Thomas nang magtatag ako ng pharmaceutical company. Don't treat her the way you treat your girls," sabi ng kanyang ama sa malamig na boses.

Hindi mahilig magsalita si Martin. Kung may pinakatahimik at pinakamalamig man na tao sa mundo, ang kanyang ama iyon. Minsan, pakiramdam ni Arkin ay wala itong emosyon. Nakakainis dahil walang pakialam ang ama. Kung naiba-iba lang siguro siyang anak, matagal na siyang naging rebelde.

"We're just friends," sagot ni Arkin.

"Fine," sagot ng kanyang ina. "Go. Mas maganda para makilala mo nang husto ang mahahalagang kaibigan ng dad mo."

Hindi na siya umimik at nagpatuloy na sa pagkain. Bata pa lang ay ipinakikilala na si Arkin ng mga magulang sa mga "mahahalagang tao." Madalas niyang hilingin na sana ay ipinanganak siya sa mas simpleng pamilya. Iyong pamilyang hindi magtatali at magkukulong sa kanya sa iisang buhay. Sana ay naging simpleng tao na lang siya at hindi tagapagmana ng isang malaking imperyo para magawa ang mga gusto niya. Sana, naging ordinaryo na lang siya para magkaroon siya ng karapatang mangarap.

Alam ni Arkin na maraming tao sa mundo ang nakahandang makipagpalit ng posisyon sa kanya. Alam din niyang masuwerte siya sa pagkakaroon ng maganda at saganang buhay. Masuwerte siyang ipanganak na parang prinsipe. Maraming tao ang sobrang nahihirapan at parang petty na ang mga ganoong reklamo.

Pero minsan lang talaga ay nakakapagod maging siya.

OUT OF place na out of place ang pakiramdam ni Jucylle sa party ng kanyang Lolo Thomas. Walang gaanong pumapansin sa kanya. Abala ang kanyang mga magulang sa pakikihalubilo sa mga bisita. Karamihan sa mga iyon ay mga doktor. Ang mga pinsan niyang puro lalaki ay abala rin sa kanya-kanyang grupo.

Nang mabagot na sa kakapanood sa mga tao sa paligid, nagpunta siya sa study ng kanyang lolo. Marami itong libro na puwede niyang mabasa. Pumili siya ng isang libro sa shelf at umupo sa sofa. Inalis niya ang sandalyas na napakataas ng takong at hinayaang lumubog ang kanyang mga paa sa makapal na carpet.

Hindi alam ni Jucylle kung gaano na siya katagal na nagbabasa nang biglang bumukas ang pinto at iluwa niyon si Arkin. He was dazzling in his tux. Nginitian siya ng lalaki.

Hindi niya magawang gantihan ang magandang ngiti ni Arkin. "What are you doing here?" nagtatakang tanong niya.

Umupo si Arkin sa kanyang tabi. Umisod siya nang kaunti palayo. "My family is invited. Hindi mo ba alam na matalik na magkaibigan ang mga lolo natin?"

Teenage Love Story / Love of My Life SAMPLEWhere stories live. Discover now