9

927 49 3
                                    

KINAGABIHAN, ang mommy naman ni Jucylle ang kasama niya sa ospital. Umuwi na si Arkin pero nangakong babalik kinabukasan. Sinabihan niyang huwag nang bumalik at pumasok na lang sa eskuwela dahil magpipilit na siyang lumabas kinabukasan. All her tests were clear.

"Ang ganda naman ng mga bulaklak," puna ni Mommy Eve sa mga rosas na dala ni Arkin kanina. Nakalagay na iyon sa magandang vase. "Galing kay Arkin? Ang sabi ng daddy mo, nandito siya maghapon." Kaswal na kaswal ang pagsasalita nito. Wala siyang naramdamang hinala, pag-aalala, o takot sa boses ng ina. She seemed okay with Arkin like her dad.

Tumango siya. "Mom?"

"Yes, darling?" Naupo ang ina sa tabi niya sa kama.

"Can I go home, please?" pakiusap niya. "I want to go to school. I already missed a lot. You had your tests. There's no need to worry."

Masusi nitong tinitigan ang mukha niya. "You look well. So well, in fact. Mas maaliwalas na ang mukha mo. May buhay na ang mga mata mo. Nitong mga nakaraang araw, nag-alala kami ng daddy mo dahil ang tamlay-tamlay mo. Bumisita lang si Arkin, nagkabuhay ka na." Masuyo siyang niyakap ng ina. "Dalaga na ang baby ko. In love na."

"Okay lang sa 'yo, Mommy?" nag-aalangang tanong niya.

"Alin ang okay?"

"Na kahit ang bata-bata ko pa, in love na ako," sabi ni Jucylle sa mahina at nahihiyang boses.

"Halos lahat naman ng mga teenager, dumaraan sa ganyan. Iyong mga hindi nakaranas, kawawa. It's okay, honey. Sinagot mo na ba?"

Umiling si Jucylle. "MU po."

"Mutual understanding? Uso pa ba 'yon?"

"'Malabong usapan' po. Puwede rin pong 'magulong usapan.' Ewan ko po."

Natawa nang malakas si Mommy Eve. "You, guys, are so teenagers."

Pati si Jucylle ay natawa. Napakahirap maging adolescent.

"If you love him, why don't you just have a relationship? Bakit kailangang may MU-MU pa? Ang baduy, ha?"

"Kasalanan ko po. Natakot kasi ako, Mommy. I don't want to disappoint you and Dad. I was afraid to fail you. Ayokong maging katulad ako ng mga nagiging pasyente mong teenagers."

Hinalikan ni Mommy Eve ang kanyang ulo. "Ang anak ko talaga. Bakit 'yon agad ang iniisip mo? You are the most responsible kid I know. Bata ka pa lang, malinaw na malinaw na sa 'yo kung ano ang tama sa mali. Alam kong mapupusok ang mga teenager pero alam ko ring kaya mong i-handle ang sarili mo. Lagi mong alam ang mga ginagawa mo. Don't be afraid to take the risk. Fall in love. Masarap sa pakiramdam ang may minamahal, 'di ba?"

Tumango siya. "Thank you, Mommy."

"Kung natatakot ka talaga, huwag kang magmadali. Take one baby step at a time. Ganoon din ang dapat gawin ni Arkin. Siguro, magiging malinaw rin ang malabong usapan na 'yan."

"So puwede na po akong umuwi bukas?"

Natatawang tumango si Mommy Eve. "Puwede ka na ring mag-boyfriend."

"Sabi mo 'yan, Mommy, ha? Wala nang bawian."

TINULUNGAN ni Arkin si Jucylle na makaupo sa isang silya sa cafeteria. Nang maayos na siyang nakaupo ay nagpunta ito sa counter at bumili ng pagkain. Ilang linggo na siyang nahihirapan sa paa niya. She was wearing a bulky walking cast. Sa isang linggo pa iyon matatanggal.

Kung hirap siya ay mas hirap si Arkin. Ang lalaki ang laging nakaalalay sa kanya. Ito na rin ang regular na tagahatid at tagasundo niya. Hindi nagrereklamo ang kaibigan pero alam niyang masyado na siyang nagiging abala.

Teenage Love Story / Love of My Life SAMPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon