5

879 51 1
                                    

"PAHIRAM ng laptop," sabi ni Jucylle kay Arkin isang hapon. Vacant period nila pareho at nasa parking lot sila, sa sasakyan nito. "Magha-harvest ako ng pananim sa FarmVille." Nagkaroon siya ng account sa ilang social networks sites dahil sa lalaki.

Natawa si Arkin bago nito kinuha mula sa isang bag sa backseat ang laptop nito. Pagbukas ni Jucylle ng laptop ay natigilan siya nang makita na mukha niya ang wallpaper ng lalaki. Nakangiti siya at bahagyang nakayuko. Sa tingin niya ay nagbabasa siya nang kuhanan ng lalaki ang larawang iyon.

Napakaganda niya sa litrato. Hindi niya alam kung paano nagawa iyon ni Arkin pero na-appreciate talaga niya ang kanyang kagandahan dahil sa kuhang iyon. She didn't know she could be this beautiful, this photogenic.

"You are so lovely," sabi ni Arkin nang mapansing nakatitig lang siya sa screen ng laptop.

Alam ni Jucylle na namula siya. Pakiramdam din niya ay may kung anong lumobo sa loob ng kanyang puso. It was very sweet of him to put her picture on his computer screen.

Pumunta na siya sa gustong puntahan sa world wide web bago pa lalong mamula ang kanyang mga pisngi. Ang isip ay nagsisimula nang mag-isip ng iba. Ang kanyang puso ay gusto nang maghangad ng higit pa.

"Can I see your other pictures?" hiling ni Jucylle nang matapos ang gustong gawin.

"Kung gusto mo," sagot ni Arkin sa alangang boses.

Binuksan nito ang isang folder at ipinakita sa kanya ang ilang mga larawan. Namangha siya sa ganda ng mga kuha ni Arkin. He was talented. Mostly ay sceneries ang mga larawan at lahat ay naipakita nang husto ang kagandahan ng mga lugar. Ang iba sa mga iyon ay lugar sa ibang bansa.

"It's very ordinary. Common," sabi ni Arkin sa nahihiyang boses. "Pangkalendaryo."

"Don't say that," pananaway niya. "They are beautiful."

Biglang nagliwanag ang mukha ni Arkin. "Really? You find them beautiful?" Parang batang nakarinig ng papuri sa unang pagkakataon.

"Yes, of course. You're talented."

"You mean that? You're not just saying that to make me feel good?" May nabasa siyang insecurity sa mga mata nito.

"Why, are you feeling bad for me to say something that would make you feel good? Of course, I mean it."

Yumuko si Arkin. "Alam mo bang pangarap kong maging professional photographer? Kaya lang, hindi puwede. Bata pa lang ako, alam ko nang ako ang susunod na magmamana at mamamahala ng vast empire ni Dad. Hindi ko magagawa ang mga gusto ko."

"Hindi mo naman kasi matatalikuran ang birthright mo. There are thousands of families na nakaasa sa mga negosyo ng pamilya mo. Sino ang aasahan ng daddy mo kundi ikaw lang?"

Tumango ang lalaki. "Exactly."

"Pero hindi ibig sabihin niyon na tatalikuran mo na ang talagang gusto mo. I think it's a matter of balance and compromise. Baka puwedeng hindi ka pumili. Lagi namang may compromise."

Umiling si Arkin. "Halos wala nang libreng oras si Dad sa sobrang kaabalahan niya sa pagpapatakbo ng mga negosyo. Hindi ko naranasang makalaro siya dati. Mawawalan din ako ng oras sa photography kapag naging ako na siya. Honestly, natatakot ako sa buhay na ganoon."

Hinawakan ni Jucylle ang kamay ni Arkin. "Everything will be okay."

"Ikaw, gusto mo ba talagang magdoktor dati pa, o napilitan ka lang dahil parehong doktor ang mga magulang mo?"

"Bata pa ako, pangarap ko na talagang maging doktor. I want to save lives. Lumaki ako na hinihangaan ang Mom and Dad. I want to be like them. Siguro kasama na rin doon ang pagtanaw ng utang-na-loob sa mga umampon sa akin. I'm trying to be good for them. Pero gusto ko rin talagang maging doktor. I can't imagine doing anything else."

Teenage Love Story / Love of My Life SAMPLEWhere stories live. Discover now