6

841 50 1
                                    

"YOUR house?" alanganing tanong ni Jucylle kay Arkin. Nasa daan na sila nang tanungin niya kung saan sila kakain ng hapunan nang gabing iyon. Ipinagpaalam siya ni Arkin sa kanyang mga magulang. Tiwalang-tiwala na sa lalaki ang kanyang mga magulang kaya malaya siyang nakakalabas kasama ito.

"Yes. May problema?" tanong nito na hindi lumilingon sa kanya. "Para maiba naman. Lagi na lang sa bahay n'yo ako naghahapunan. Gusto ko ring malaman mo kung saan ako nakatira."

"Will your parents be there?"

Natawa si Arkin. "Is that why you sound so nervous? Huwag kang mag-alala, wala sila sa bahay. They are seldom home. My dad is still in his office for sure. My mom is in Macau."

Nawala ang kaba na nararamdaman ni Jucylle. Hindi sa ayaw niyang makilala ang mga magulang ni Arkin. Natatakot lang siyang baka hindi siya magustuhan. Baka makaapekto ang pagiging ampon niya sa pagtingin ng mga Luciano sa kanya. They might think that she was not fit to be Arkin's friend.

Medyo ridiculous ang mga ganoong thought pero hindi maiwasan ni Jucylle. Gusto sana niyang maging handa kapag nakaharap niya ang mga magulang ni Arkin.

Napamulagat si Jucylle nang makita ang bahay ng mga Luciano. It was not just a house. It was like a palace. Alam niyang mayaman si Arkin pero ngayon lang yata niya nakikita nang malinaw kung gaano ito kayaman.

"You are so rich," sabi niya habang inaalalayan siyang makababa ng sasakyan ng lalaki. Jucylle's family was also wealthy but Arkin was on another level.

Tumawa lang si Arkin at inakay siya papasok. May matandang lalaking nakasuot ng pormal na damit na sumalubong sa kanila.

"Good evening, Sir, Miss," magalang na bati nito sa kanila.

"Good evening. John, this is Jucylle. Jucylle, this is John, our butler."

Umawang ang kanyang mga labi. "You have a butler? Are you for real?" hindi makapaniwalang sabi niya.

"My mom believes that butlers run the households and not the wives," sagot ni Arkin, matter-of-fact, mayamaya ay natawa.

Hinampas niya ang dibdib nito. "Niloloko mo 'ko."

Natatawa pa rin si Arkin. "I made him wear this butler's uniform," pag-amin nito. Hinampas niyang muli ang braso ng lalaki bago siya bumaling kay John at ngumiti. "Hello po."

Nakangiti na sa kanila si John. Nanginginang ang mga mata nito sa kaaliwan. "Ako ang house manager slash majordomo. Parang butler rin naman pero hindi kasing-stiff ng napapanood sa mga TV." Binalingan nito si Arkin. "Saan mo gustong kumain, Ark?"

"Garden po. Don't make it too formal, please. Thanks."

"Okay." Umalis na si John pagkatapos.

"You wanna see my room?"

Hindi na hinintay ni Arkin na sumagot siya at hinila ng lalaki papunta sa magandang hagdanan.

Dahil namamangha si Jucylle sa paligid, hindi na siya nakatutol. She felt like she just entered a palace. Marangya pa ang bahay na iyon sa salitang marangya. The chandeliers were kind of overwhelming and grand, but they were still lovely. Ang mga furniture ay halatang mamahalin. Wala yatang pangit sa bahay na iyon. Every single detail screamed of wealth and elegance.

Her jaw dropped when they entered his room. "You have a basketball court in your room!" she exclaimed.

Natatawang hinila siya ni Arkin papasok. His room had a very high ceiling. Dalawang palapag na yata ang katumbas niyon sa sobrang taas. Hindi siya nagbibiro nang sabihin niyang may basketball court si Arkin sa kuwarto. Komplete iyon hanggang sa ring. May metal na hagdan sa isang sulok papunta sa loft o ang nagsisilbing ikalawang palapag ng kuwarto kung saan naroon ang malaking kama nito. Nagkalat ang mga beanbags sa paligid. Maraming nakasabit na larawan sa dingding.

Teenage Love Story / Love of My Life SAMPLEWhere stories live. Discover now