4

904 50 2
                                    

"YOU PREFER kids now?"

Nagtatakang nilingon ni Arkin si Joshua, isa sa mga kaibigan at kaklase niya. Bukod kay Michael, si Joshua ang pinakamalapit sa kanya. Nasa classroom sila nang hapong iyon at naghihintay ng kanilang professor.

"I'm talking about your latest conquest, Ark. What are you thinking? Seriously. She's a nobody. I can't see the draw."

Bigla ang pagbangon ng inis sa kanyang dibdib. "If you are talking about Jucylle, take those words back. First and foremost, she's not a kid. You made it sound like I'm so old already. She's seventeen and I'm just twenty. Secondly, she's not my latest conquest. We're friends. Thirdly, she's not a nobody." No one should be a "nobody."

Parang hindi naapektuhan sa sinabi niya si Joshua. "She looks like a kid to me, Ark. She's so small. She looks so innocent. I bet she's a certified never-been-kissed-never-been-touched virgin. Are you aware that you sounded like a showbiz person when you said you were just friends?"

He eyed Joshua dangerously. "Shut up."

Tinapik nito ang kanyang balikat. "Payong kaibigan lang, pare. Kung gusto mo lang ipakita kina Michael at Dianne na okay ka kahit na nagtaksil sila, humanap ka ng ibang babae na hindi gaanong masasaktan kapag dumating ang araw na sawa ka na."

"I said shut up," he said through clenched teeth. "Or I'm gonna make you."

Sa pagkakataong iyon ay nanahimik na nga ang kaibigan. Hindi niya kinibo si Joshua hanggang sa matapos ang klase nila. Naiinis siyang ganoon ang tingin ng kanyang mga kaibigan kay Jucylle. Hindi siya lumalapit sa babae para ipakitang maayos siya sa kabila ng kataksilang ginawa nina Michael at Dianne. Wala na siyang pakialam sa dalawa. Nilalapitan niya si Jucylle dahil masaya siyang kasama ang babae.

Hindi niya gaanong maipaliwanag ang epekto sa kanya ng presensiya ni Jucylle. Parang nagliliwanag ang mundo niya tuwing ngingiti ang babae. Magandang musika sa kanyang mga tainga ang tawa nito. Everything felt so right with her around.

They couldn't see the draw because they were half-blind. Hindi makita ng mga tao sa paligid kung gaano kaganda si Jucylle dahil tradisyonal na ganda lang ang nakikita ng mga ito. Jucylle had a strong personality. The quiet kind. She was interestingly different. Mula nang dumating ang babae sa buhay niya, parang umikot na ng tama ang kanyang mundo.

PAGSAPIT ng hapon ay sabay na lumabas ng classroom sina Jucylle at Charlotte. Iyon ang huling klase nila nang araw na iyon. Abala si Jucylle sa paghahanap sa kanyang cell phone sa bag nang biglang huminto ang kanyang kaibigan. Nagtatakang huminto rin siya. Tulalang nakatingin ang kaibigan sa unahan. Sinundan niya ang tinitingnan nito.

Nakita niyang prenteng nakasandal sa pader sa di-kalayuan si Arkin at parang may hinihintay. Ngumiti nang matamis ang lalaki nang makita siya. Umalis ito mula sa pagkakasandal at nilapitan sila.

"Hi," bati ni Arkin sa kanila.

"Hey," kaswal na bati niya.

Hindi naman makapagsalita si Charlotte. Parang hindi nito alam kung paano papupungayin ang mga mata.

"'Hatid na kita pauwi," sabi ni Arkin.

"Salamat pero okay lang. Huwag na." Ramdam ni Jucylle ang tinging ipinupukol sa kanya ng mga estudyante sa hallway.

"I insist," pilit ni Arkin. Pati mga mata nito ay parang gustong makiusap sa kanya.

Pinilit niyang makaisip ng excuse. Hindi sa ayaw niyang magpahatid sa lalaki, ayaw lang niyang sumakay uli sa motorsiklo nito.

"Please don't refuse."

Dahil walang maisip na idadahilan, tumango na lang si Jucylle. Pasimple siyang kinurot ni Charlotte sa tagiliran. She rolled her eyes. "Arkin, this is my friend Charlotte. Charlotte, si Arkin."

Teenage Love Story / Love of My Life SAMPLEWhere stories live. Discover now