2

978 55 1
                                    

Nang sumunod na araw, hinanap ni Arkin si Jucylle. Hindi niya maipaliwanag kung bakit bigla siyang nagkaroon ng interes sa babae. Kahapon, nang makita niya si Jucylle sa sulok ng library na nanunubok ay nagalit siya. He just hated people who loved spreading fresh gossips. Ano ba ang napapala ng mga ito sa pagkakalat ng balita? Nababayaran ba ang mga tsismosa sa ginagawa?

Nang tumingala si Jucylle sa kanya ay parang biglang nag-evaporate ang galit niya. He instantly loved those almost-black eyes. They were beautiful and intriguing. Parang napakalalim ng itinatago nitong mga misteryo.

Kahapon ay nagtanong-tanong si Arkin tungkol kay Jucylle. She was a second year BS Biology student. He didn't like girls from the Natural Sciences department because they were too smart. Na-realize kaagad niya kung bakit madali siyang magsawa sa mga naging girlfriend. Kasalanan niya. Dapat noon pa niya ginusto ang mga matatalinong babae. Enough of dumbs from now on, he promised himself.

He knew the Stevens. Matagal nang magkaibigan ang mga pamilya nila. Ang lolo ni Jucylle ang nagtatag ng pinakamalaki at pinakamodernong pribadong ospital sa buong Asya, ang The City Hospital. Isang kilalang siruhano ang ama ng babae. Nakapagtatakang ngayon lang niya napansin si Jucylle. Hindi niya maalala kung nakikita niya ang babae sa paligid dati, o kahit na sa ilang pagtitipon na dinadaluhan ng kani-kanilang mga pamilya.

Nahanap ni Arkin si Jucylle sa cafeteria, nakaupo sa isang sulok. Mag-isa lang ito, kumakain habang nagsusulat sa isang notebook. Sandali niyang pinagmasdan si Jucylle. He liked her hair. He wondered if it was naturally straight. She looked okay. Not outstanding.

He had no idea how she suddenly became an interesting little thing. Maybe her eyes really did it.

Bumili siya ng pagkain at naglakad papunta sa mesa ni Jucylle. Madalang siyang kumain sa cafeteria ng university kahit pa mas maganda at maluwang iyon kompara sa ilang restaurants sa labas. Madalas kasing hindi siya makakain nang maayos dahil halos lahat ay nakatingin sa kanya. Wala siyang pakialam ngayon. Pag-usapan na siya kung pag-uusapan siya.

Awtomatikong umangat ang tingin ni Jucylle nang maupo siya sa bakanteng upuan sa tapat nito. Halatang nasorpresa ang babae.

"Hello," he greeted her with his charming smile that usually made girls sigh dreamily.

She wasn't dreamy at all. Nakasimangot si Jucylle. "You don't have to sit here."

"This is the cafeteria. It's appropriate to share a table," sabi niya habang sumasandal sa upuan.

"Kung nag-aalala ka kung ipinagkalat ko ang mga narinig ko, huwag ka nang mag-alala. I'm keeping my mouth shut. Hindi ko ipagsasabi sa iba ang mga narinig ko."

He composed his face. Kailangan nga pala niyang linawin ang bagay na iyon. Kahit pa naging interesado siya kay Jucylle, ayaw pa rin niya sa mga taong mahilig manubok. "Why were you spying on me?"

Nanlaki ang mga mata nito. "Excuse me?"

"Just so we're clear, I don't like being watched."

"You think I'm a stalker? Your stalker?" she incredulously asked.

"Are you?"

"Ang kapal mo rin, eh. That was my favorite place. Gusto ko roon dahil tahimik at hindi gaanong pinupuntahan ng mga estudyante. Kayo itong intruder. Nauna kaya ako roon. Kasalanan ko ba kung narinig ko kayo? Library kaya 'yon, hindi motel."

Pinigil matawa ni Arkin. Nakahinga siya nang maluwag. She didn't intend to witness Arlene's crazy proposal. Hindi tsismosa si Jucylle. Dapat ay alam na niya iyon nang wala siyang narinig na usap-usapan tungkol sa nangyari pagpasok niya kaninang umaga.

Teenage Love Story / Love of My Life SAMPLEWhere stories live. Discover now