10

1K 53 1
                                    

ARKIN thoroughly enjoyed looking at Jucylle's photos. Kapi-print pa lang niya sa mga iyon. Kuha ang mga larawan sa Hong Kong. May ilang kuha na nakasimangot ang babae perot napakaganda pa rin nito. Karamihan sa kanyang mga kuha ay sa Disneyland. Para itong bata na nagpakuha ng larawan kasama ng mga Disney character.

Tuwang-tuwa si Arkin sa kinang na nakikita sa mga mata nito. Her happiness would always be his first priority. Basta masaya si Jucylle ay masaya na rin siya. Kung puwede lang ay iaalay niya ang buong mundo sa paanan nito.

Nakamamanghang malaman na kaya niyang magmahal nang ganoon katindi. Parang punong-puno ng pagmamahal ang puso niya. Kahit hindi siya mahal ni Jucylle sa paraang gusto niya ay ayos lang sa kanya. Ang importante ay nasa malapit ang babae.

Habang malapit sa kanya si Jucylle ay patuloy na aasa ang kanyang puso na darating ang araw na matututuhan din siyang mahalin ng babae hindi bilang kaibigan lang. Kung talagang mahal mo, hindi mo susukuan. Kay Jucylle na rin nanggaling ang mga salitang iyon.

Magulo ang sitwasyon nila, aaminin ni Arkin, pero ayos na iyon kaysa magkalayo sila at mahirapan siya. Mahirap din para sa kanya ang magpigil ng sarili. Maraming pagkakataong gusto niyang sugurin ng yakap ang babae. Ilang beses na siyang natukso na halikan ang mga labi nito, lalo na at alam na alam niya kung gaano kasarap halikan ang mga iyon. Ang tanging pumipigil lang sa kanya ay ang katotohanang hindi pa sila.

Si Jucylle pa lang ang babaeng nagkalakas ng loob na harapin siya kahit na bagong gising at walang hilamos at suklay. Maganda pa rin ito sa kanyang paningin. She would always look beautiful to him.

Mayamaya ay nakarinig siya ng katok. "Come in," he hollered. Nasa itaas siya at inaayos ang mga larawan sa isang album. Abala siya sa ginagawa kaya hindi niya napansin kung sino ang pumasok sa kuwarto.

"You really love that girl."

Halos mapalundag si Arkin sa gulat. It was his father. Hindi niya naramdamang lumapit ang ama. Minsan, para talaga itong multo kung sumulpot.

Umupo si Martin sa isang upuang kahoy na naroon. "I have nothing against Jucylle. I like her. You know how I value people who are honest. Disente ang pamilyang nagpalaki sa kanya. I heard she's a bright student. Malaki ang potential niyang maging doktor. I can see that you love her. She would make a good wife for you."

"Ang babata pa namin para pag-usapan na natin 'yan." That would surely freak Jucylle out.

"Wala sa edad ang pag-ibig. When I realized that I love your mom, I promised myself that she's going to be my wife."

Nagulat si Arkin sa sinabi ng ama. Ang akala niya ay wala itong emosyon. Ang alam niya ay isang arranged marriage ang nangyari sa mga magulang. It was good to know that he was a product of love and not obligation.

"I can clearly see my life ahead with her," sabi ni Martin sa nag-aalangang boses. Iyon ang unang pagkakataong nagkaroon sila ng ganoong usapan at hindi siya sanay. Medyo hindi siya komportable. "Parang ayokong tumanggap ng iba pang hinaharap na kasama ang ibang babae. Parang sa kanya ko gustong umikot ang mundo ko."

"Then don't ever let her go." Tumayo na ang ama at akmang bababa na.

"Dad?"

Lumingon si Martin.

Napalunok siya bago nagsalita. "I l-love photography."

"I know."

Pilit niyang nilakasan ang loob. "After my business course, can I take crash courses in photography? I know how you want me to be like you. Hindi ko naman tatalikuran ang business. Pamamahalaan ko nang maayos ang mga itinatag mo. Hindi ko pababayaan. I will do my very best. Just give me a little time for photography. It's my dream, Dad. It makes me happy."

Teenage Love Story / Love of My Life SAMPLEWhere stories live. Discover now