Chapter 9 : Franco Barcelon

2.9K 105 0
                                    

Gawan natin ng POV si kuya franco para naman may malaman staying nangyayari kahit kaunti sa mansion ni shantal at malaman natin ang nangyari kay kuya franco natin hehe.

><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><

FRANCO BARCELON POV
2 years na rin pala ang nakalipas simula ng magkilala ko ang batang babae na nagngangalang Shantal Golden rose lee na siyang nakapagpabago ng buhay naming mag asawa. Nakakatuwa ang batang iyon, sabi nga niya di na daw siya bata.

Dahil sa kanya ay nakapanganak ng maayos ang akin asawa na si eunice at ngayon ay dalawang taong gulang na ang anak namin.

"Papa" tawag ng anak ko ng makapasok ako sa mansion ni shantal. Dito kami nakatira dahil yun ang nais ni shantal lalo na wala naman daw siya dito kundi mga kasambahay lang ang kasama.

Balita ko nga nandito na daw siya pilipinas. Kaya naman nais ko siyang makita. Noong isang taon ang huling kita ko sa batang iyon noong umaattend pa siya ng meeting at bumisita dito.

Laging naka mask yun tuwing magpapakita sa madaming tao pati nga dito sa mansion. Hindi pa nakikita ni eunice ang mukha ni Shantal dahil noong dumalaw ito dito ay nasa grocery ito kasama ang ilang kasambahay para mamili ng mga pagkain sa bahay at noong dumating naman siya ay natutulog na si Shantal sa kwarto nito na niisa ay wala pang nakakapasok na kasambahay o bodyguard/butler. Pero kami ni Andrea ay nakapasok na sa kwarto nito dahil kaming dalawa lang ang naglilinis nito.

Mahirap kunin ang tiwala nito, ewan ko ba kung bakit ang bilis niyang nagtiwala sa akin na siyang hindi ko sasayangin. Lubos ang pasasalamat ko sa kanya kaya pangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para lang matulungan at maprotektahan lang siya kahit kapalit pa nito ang buhay ko.

Lahat ng naninirahan sa mansion na to ay marunong makipaglaban dahil sabi niya sa lahat ng nagtatrabaho dito na

'you need to protect yourself if ever na may mangyaring masama lalo't nasa top 1 na ang campany ng G-Rose, maraming gustong magpabagsak nito, so please be careful because I care to all of you'

Yan sinabi niya sa aming lahat noong huling dalaw niya na wala nga noon si eunice pero naka mask si Shantal nun.

"Musta na ang nakapaganda kong anak?" Sabay karga sa prinsesa ko.

"Aus lang pwo" nakangiting sabi nito.

"That's good"

Dalawang buwan na lang ay magtatatlong taon na ang prinsesa namin.

"Love napaaga ata ang uwi mo" sabi naman ng akin pinakamamahal na asawa ng malapit ito sa amin ni Francheska.

"Hmm pinauwi ako ni Andrea gawa may ipapadala daw siya sa akin utos ni rose" rose ang tawag namin sa kanya. Dahil di siya pwedeng matawag na Shantal o golden dito baka may makaalam pa kung Sino siya.

"Ano naman kaya yun? Gusto ko ng makita si ms. Rose magtatatlong taon na rin pero di ko pa siya nakikita" ani ng akin asawa.

"Wag kang mag alala Mahal malay mo dumalaw dito yun at makita mo na siya. Basta matutuwa ka sa batang iyon napaka bait, kuya na nga ang turing nun sa akin. Nakakatuwa nga lang kay rose ay hindi niya itinuturing na iba ang mga tauhan." nakangiting sabi ko sa kanya

MAFIA QUEEN: Golden Dragon Mafia (COMPLETED) Where stories live. Discover now