SIMULA

7.5K 199 10
                                    

SHANTAL'S POV
Unang araw, naiinip na agad.

Mahina akong napabuntong-hininga bago tamad na tumayo sa kama.

Ngayon ang unang araw ko sa klase sa paaralan na pag-aari ng aking pamilya. Sa totoo lang, ito ang unang beses na mag-aaral ako sa university na iyon sapagkat noon pa man ay hindi ako ipinasok nila mommy sa hindi ko malaman na dahilan.

Well, wala naman akong reklamo sa bagay na iyon lalo na noong pinayagan nila akong lumipat sa korea para mag-aral at para matupad ang pangarap kong maging modelo.

Tumitig ako sa aking mukha sa harap ng salamin, mahinang tinapik-tapik ang pisngeng namumula.

“Boring. Ano kayang pwedeng gawin? Um,” tanong ko sa sarili.

Muntik na akong matawa nang makaisip ng kalokohan. Hindi naman siguro masama kung susubukan?

Umilin-iling ako at mabilis na nag-ayos.

Tinawagan ko ang aking assisstant para magpadala ng makapal na salamin. Nagpadala na din ako ng isang wig na magtatago sa tunay na kulang ng aking buhok

Nang makuntento na sa ayos ay mabilis akong lumabas sa kwarto. Nandito ako ngayon mansion ng pamilya ko. Sa totoo lang, maaari naman na hindi ako dito tumigil sapagkat may naipundar na akong bahay ang kaso nga lang ay wala naman akong makakasama maliban sa mga kasambahay.

Napangiti ako nang makita ko sila mommy and daddy na nakaupo sa kanilang pwesto ngunit simangot ang gumuhit sa aking mukha nang makitang wala sila kuya.

“Daddy, wala sila kuya? nakasimangot kong tanong.

Nakakatampo. Yong feeling na hindi na nga nila ako sinundo tapos di pa sila pumupunta dito.

Isang linggo na ako pilipinas. Pero kahit anino nila, wala akong nakita.

Yes, wala sila dito. I think nasa condo nila or nasa dorm nila sa university."

Dad may iba na ba sila? Hindi na nila ako love?mangiyak-iyak kong usal sa kanila.

Oh! Baby don't cry ikaw lang baby nila. Don't be sad, okay?" tumango na lang ako kahit talagang nagtatampo pa din ako.

I smirked, Lagot sila sa akin.

Omo! My daughter looks scary, puna ni mommy.

Hon, kanino pa ba nagmana yan? Sayo naman di ba?” natatawang sabi ni daddy kay mommy. Sinamaan lang ni mom si dad kaya natawa ako

lagot ka, daddy!

"Haha! Kumain na lang tayo." natatawang sabi ni dad.

Kumakain lang kami habang nagkukwentuhan maaga pa naman. Nasabi ko na rin sa kanila na mendez ang gagamitin kong last name payag naman sila, basta daw ba hindi ako magpapaapi at itigil agad kung kinakailangan.

Ayoko munang ipaalam na lee ako. Gusto kong malaman o subukan kong anong magiging pakitungo nila sa akin.

I'm excited to suprise my brothers. Tingnan natin kung anong pinagkakaabalahan niyo.

Nagpahatid na ako sa personal driver ko kasama si butler sam. Sabi ko sa kanila sa coffee shop na katapat ng university ako ibaba. Kaya naman ng makababa ako ay mabilis akong pumasok sa loob. Maaga pa naman kaya naisipan kung tumambay muna dito.

MAFIA QUEEN: Golden Dragon Mafia (COMPLETED) Where stories live. Discover now