Chapter 27 : Selos

2.5K 82 0
                                    

JAMAICA VALDEZ POV
Nandito kaming lahat sa secret room ng mafia nila salder para walang makakilala sa mukha namin.

Ngayon na alam na nila kuya na isa akong commander ano naman kayang mangyayari ngayon.

Nakatingin ako ngayon kila mommy na malalim ang iniisip.

"Mom, dad?" Tawag pansin ko sa kanila ng makalapit ako sa pwesto nila.

"Jamaica?" Gulat na tanong ni mommy. Tumango naman ako.

"I can't believe it, na nandito ang kapatid kong babae na may mataas pang posisyon" biglang sabat ni kuya na di namin napansin na nandito na pala.

"Kuya mark" usal ko.

"Commander ka lil sis, ang taas nun. Ang dami ng nangyari sayo pero wala kaming alam."

"Kuya sorry."

"Magpapalamig lang muna ako" sabi niya tsaka umalis sa  harapan namin.

"Hayaan mo muna ang kuya mo anak, alam kong maiintindihan ka nun."

"Sana nga po mommy" niyakap na lang ako nila daddy, kaya naman nabawasan ang bigat sa dibdib ko.

"Mom alam niyo bang gangster din ako." Ramdam kong nagulat sila sa sinabi ko. "Gangster ako, kami nila shan. Kami yung double A o Athena angels."

Ano pang silbi ng pagtatago ko kung parehas naman kaming lahat ng kinagagalawan kaya mas magandang sabihin ko na agad, kaysa malaman pa nila sa iba.

"Wow!" Gulat na usal nila mommy.

"The legend gangsters, my daughter is one of them." Manghang saad ni daddy.

Si daddy ay dating gangster hanggang napasama siya sa groupo nila tito Gilberto sa mafia nila. Ito na ngayon at mafia na siya at dito niya nakilala si mommy na isang mafiosa dahil kay lolo.

May sasabihin pa sana si mommy ng biglang lumapit si C02, nathan Park. Tumango ito kila mommy bago lumapit sa akin at bumulong.

"Tumawag si drea, kailangan ka daw nila sa panghahack. Ito yung laptop mo dun ka na lang sa isang tabi para walang gumulo sayo." Sabay abot ng dala niyang laptop na black.

"Thank you C02" sumaludo naman ito.

"No problem C01" tumango na lang ako at tumingin kila mommy na nakatingin sa amin ngayon.

"May gagawin ka yata anak, go do it." Ngumiti naman ako at tumungo sa isang couch sa gilid na may maliit na table, sakto lang para magamit.

Ano naman kayang problema? At kinailangan ako ni drea, ako ang nagtrain sa kanya kaya naman alam kung magaling na sa mga ganito ang batang yun.

Isinuot ko ang earpiece nakaconnect sa kateam ko kaya naman magkakaroon kami ng connection.

"This is red, H02?"

"Yes! Nandito ka na lead, kailangan namin dito ng tulong sa code, iba ang code na ginamit nila parang mahalaga ang files na laman nito kaya ang daming harang"

Tuloy tuloy lang ako sa pagpipindot sa keyboard habang nakikinig sa mga sinasabi niya at nasa tabi ko naman si Nathan na nakikinig din at nakikitingin.

Tama nga si drea ang daming harang. Ano kayang laman nito at ganito nila ito ingatan.

"Seriously?" natatawang Saad ni Nathan.

Pasensya na lang sila si shantal yata ang nagturo sa akin sa ganito.

"Nakita ko na, wait niyo ang command ko tsaka kayo gumalaw, ingatan ang mga file natin para wala silang makuha habang ako ay bubuksan ang system nila ng walang nakakapansin sa panig nila, is that clear?"

MAFIA QUEEN: Golden Dragon Mafia (COMPLETED) Where stories live. Discover now