EPILOGUE

3.9K 107 37
                                    

JOSHUA DELA VEGA POV (November 7)
Nandito kaming lahat sa mansion para ganapin ang kaarawan ng kambal. Isang taon na sila ngayon kaya naman ang laki laki na nila.

Limang buwan na simula ng mangyari ang gulong yun, marami ang nawala pati na rin siya, dahil sa paghihigante ay dun natapos ang buhay niya.

Namatay si merry noong araw na yun dahil mabilis siyang pinaputukan ni Jamaica para hindi na kami barilin muli.

Akala ko noon ay siya na ang mamahalin ko pero hindi, dahil bumalik ang taong una kong minahal na siyang mamahalin ko habang buhay.

Shantal Golden Ross Lee-Dela Vega, my wife and  my everything.

Nabuhay siya na akala namin ay mawawala na sa buhay namin.

"I'm sorry, ginawa na namin ang lahat pero di na kinaya ang katawan niya"

Parang natuos ako sa kinatatayuan ng marinig ang mga salitang yun mula sa doctor na umasikaso sa asawa ko.

"HINDI! HINDI!" nanghihina akong napaupo sa sahig na siyang dinaluhan ni ace.

Nandito na rin sila mom para tignan ang kalagayan ni shan pero ito ang inabutan nila.

Mahal bakit mo ako iniwan? Paano na kami ng mga anak mo? Hindi ko kayang mawala ka!

"Doc! Doc! Lumalaban ang pasyente." Sigaw ng isang nurse na umaasikaso sa asawa ko.

"It's a meracle" usal ng doctor at nagmadali na ulit bumalik sa loob.

Tila nabuhayan muli kaming lahat, lumaban ang asawa ko!

Salamat po at di niyo siya kinuha sa amin!

Nakaligtas at lumaban sa bingit ng kamatayan si shantal na ngayon ay kasama na muli namin. Dalawang buwan siyang walang malay na nakahiga lang sa ospital bed.

"Hon, sino iniisip mo?" Mataray na tanong ng misis ko na ngayon ay nakayakap na sa akin.

"Ikaw, thank you hon"

"Thank you saan?"

"Salamat dahil lumaban ka at ngayon ay nasa tabi na muli namin. Mahal na mahal kita"

"I love you too" sabay kiss nito sa labi ko pero smack lang naman dahil nasa labas kami ng bahay sa garden.

"HOY MAMAYA NA KAYO MAGLANDIAN, KANTAHAN MUNA NATIN ANG KAMBAL!" sigaw ni louis, nagtawanan ang mga bisita dahil dun.

Wala paring nagbabago, gago parin!

SHANTAL GOLDEN ROSE DELA VEGA POV
Sinong mag aakala na mabubuhay ako noong araw na yun? Wala di ba! Sabi nga nila miracle, ang lakas ko naman yata sa taas dahil di nila ako pinabayaan. Ilang ulit na akong nalagay sa kapahamakan ngunit nandito parin ako at payapa at maayos na nabubuhay.

Masaya na ako ngayon dahil buo ang pamilya ko at kaming magkakaibigan walang nabawas pero nadagdagan pa.

Simula ng makilala nila sila mike ay napasama na ito sa barkada. Alam ko naman na may something sa kanilang dalawa ni Andrea na matagal ko ng alam dahil sa mga napapansin ko kay Mike kahit noong nasa kanila pa ako.

Katulad na lang ngayon, ang sweet dun sa may table akala mo naman ay may label! HAHAHAHA

Ang sayang pagmasdan ng mga taong mahalaga sayo na nandito at nagsasaya, yung feeling na wala ka ng aalalahanin kundi paano mo na lang aalagaan ang pamilya mo.

Hindi kami umalis sa pagiging mafia dahil baka may gulo na naman ay walang umayos nito tsaka ito na ang buhay namin noon pa man bakit naman iaalis sa buhay namin kung simula't sapol ay ito na kami.

"Mom, dad i love you" sabi ni ace ng makalapit ito sa amin.

"We love you too baby" sabay na sagot namin ni josh kaya naman nakatinginan kami at natawa.

Hanggang ngayon ay walang maalala si ace, pero alam niyang adopted child lang siya na tanggap naman niya.

Ayaw kong maglihim sa kanya at ipagkait ang tunay na pagkatao niya katulad na lang noong wala siyang amnesia.

"Ang laki laki mo na baby ace, by the way malapit na ang pasukan saan mo gusto pumasok?"

"Ikaw na po bahala mommy" tumango na lang ako. Hindi mapili si ace sa kahit na anong bagay. Nakakatuwa na kahit mayaman kami ay kaya parin nitong maging responsable.

"TULOG na ang Kambal?" tanong agad sa akin ni joshua ng makapasok ako sa kwarto namin.

Kakatapos ko lang kasi patulugin ang kambal na makulit, ayaw matulog pag di tinatabihan minsan nga dun na natutulog si ace para may katabi ang dalawa o minsan kaming dalawa ni hon.

"Tulog na" sagot ko bago tumabi sa kanya. Umayos siya ng higa bago inilagay ang ulo ko sa braso niya.

"Ang laki na nila, gusto mo na bang sundan?" Tanong ni hon na may pilyong ngiti. "Aray naman hon! Biro lang eh" daing nito ng hampasin.

"Umayos ka! Ang hirap kaya manganak tsaka isang taon palang sila"

Ayaw ko pang sundan ang kambal, isang taon palang eh, baka mga pitong taon baka pa para malaki na rin si ace.

"Joshua!"

"What?" Inosente nitong tanong. Napabuntong hininga na lang ako ng di ko siya mapigilan sa gusto.

"Hmm joshua"

"Yes baby?" Ngunit tuloy tuloy parin sa paghalik sa akin, ngayon ay nasa leeg ko na. Magsasalita pa sana ako ng may marinig kaming kumakatok.

Nagtatakang tumingin si joshua sa pinto habang nakasimangot bago pinagbuksan.

Nakita kong pumasok ang kambal hila hila ang kuya nilang nakasimangot na din. Mag-ama nga talaga parehong nakasimangot.

"What happened, babies?" Tanong ko sa tatlo dahil ayaw magsalita ni josh.

"Nagising mommy tapos ginulo ako sa higaan gusto daw nila dito sa inyo" sabi naman ni ace. Kaya naman pala nakasimangot ang panganay ko dahil nasira ang tulog.

Tumingin ako kay joshua na ngayon ay ang sama na ng mukha, di ko mapinta.

"Sige na, higa na kayo" tinulungan ni joshua umakyat ang kambal. Malaki ang kama namin dahil nga minsan ay dito natutulog ang tatlo.

Gusto kong matawa ng nakangusong humarap sa akin si joshua hahaha.

My Poor husband! Nabitin HAHAHA.

"Good night hon" nakangising ani ko yung nang aasar.

"Tsk"

I'm happy now, being wife and mother of my three children. Wala na akong mahihiling pa, kuntento na ako kung anong meron ako.

Salamat sa pagsubaybay sa aking kwento, ako muli si Shantal Golden Rose Lee na ngayon ay isang Dela Vega na. Ang inyong mafia Queen Empress mula sa Golden Dragon Mafia Organization.

* * *
A/n: Hanggang dito na lang yung kwento na 'to. Wag kayong mag alala gagawa ako ng kwento na kasali parin sila shantal pero hindi na madalas dahil hindi na sa kanila ako magfofocus kundi sa anak nila si Ace Gilbert Dela Vega.

Thank you sa pagbabasa niyo ng kwento ko kahit na ang daming mali.

Pag may gusto kayong itanong comment lang kayo, lovelots!

MAFIA QUEEN: Golden Dragon Mafia (COMPLETED) Where stories live. Discover now