Chapter 34 : Missing

2K 70 7
                                    

SHANTAL GOLDEN ROSE DELA VEGA POV
May salo salong nagaganak ngayon dahil binyag ng kambal kong anak.

Two months old na rin sila ngayon. My babies are so cute, like me.

Nakakatuwang pagmasdan ang mag ama ko habang nilalaro ang dalawa, si ace na hawak hawak si hara habang si hon na hawak hawak si JC.

Lalapit na sana ako sa kanila ng biglang may nagvibrate ang cellphone ko.

Unknown Number
Hello my dear! Musta na ang pagiging tahimik niyo? Hahahaha tingin tingin palagi baka mamaya nawawala na pala ang iyong anak

Shantal
Who the fuck are you?!

Unknown Number
I'm your enemy hahaha. See you when i see you HAHAHA

FUCK! NAGBALIK NA SILA!

Ipinalibot ko ang paningin ko kung may nawawala ba sa mahal ko. Makakahinga na sana ako ng maluwag ng makita kong wala si ace sa tabi ng papa niya.

Napatakbo ako papunta kay hon! Not my ace.

"Where's ace?" Halata sa pananalita ko ang kaba at pag aalala. Saglit lang akong di nakatingin bakit nawala na agad siya dito.

"Pumasok sa loob, magccr lang daw siya saglit pero nakailang minuto na siya."

"Shit! Ingatan mo ang kambal wag kang lalayo sa kanila, pakiusap" rinig ko pa ang pagtawag nila sa pangalan ko pero di ko na yun pinakinggan. Tumakbo ako papunto sa cr ng restaurant na 'to.

Wala kasi kami sa bahay dahil nasa isang kaming restaurant na pag mamay-ari nila ate sam.

"Ace are you there?" Sigaw ko sa loob ng cr pero walang sumagot.

Pagbukas ko ay nakita kong may nakakalat sa lapag na papel.

Wow naman ikaw na talaga ang reyna ang bilis mo kasing nahalata. Gwapo pala 'tong anak mo, nakakatuwang hindi namin basta basta nakuha ang batang to dahil marunong lumaban sa murang edad, 8 years ba 'to?

By the way, if you want to see your son go to ***** *** 8:00 pm later, see you!

-RM

Hindi talaga sila tumitigil? Hindi ako makakapayag sa ginawa nila sa anak ko!

Nagvibrate ang phone!

Unknown Number
Paalala ko lang wag kang magkakamaling magsama dahil patay ang anak mo pagnangyari yun. May mata ako sayo kaya wag kang makakamali!

Arghhh! Kilala na kita RM ka! Pati bata idinamay mo.

Nagsimula na akong lumabas sa cr at dumeretso sa kanila na ngayon ay nag aalalang nakatingin sa akin.

"What happen hon? Where's ace?" Umiling iling ako tanda ng di ko nakita sa cr.

"Kailangan na nating umuwi, ako ng bahala kay ace." Wala na silang nagawa kundi sumang ayos sa akin kahit na nagtataka sila ay sumunod parin.

MAFIA QUEEN: Golden Dragon Mafia (COMPLETED) Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum